Chapter 7
Gulo
"O,saan ka galing?"tanong sa akin ni papa ng makita akong papasok sa bahay.
"Kumain lang sa labas."sagot ko at naglakad na papuntang hagdan.
"Sus!Wag kang maniwala diyan,Tito!Nanlalaki lang yan."tumatawang gatong ng pinsan ko.
Nakikikain nanaman siguro 'to.
Dito siya kumakain minsan kapag wala siyang kasama sa kanilang bahay.Mas gusto niya ng may kasabay siya dahil mas ginaganahan daw siya doon.
Napailing na lang ako at pumasok na sa kwarto.
Naglinis ako ng katawan at lahat-lahat saka ako humiga sa kama.
Nakatingin lamang ako sa kisame habang iniisip si Erquine.
Bakit ganoon siya?Biglang nag iba ang pakikitungo niya.
Napakagulo pala talaga ng lalaking yon.
Pero maski ako ay naguguluhan dahil pakiramdam ko ay damay ako kung bakit ganon siya.Pati ako ay naguguluhan sa mga galaw niya.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga lamang sa kisame dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay nag-ayos na ako para makapasok na sa eskwelahan.
##
Sinalubong ako ni Bien ng yakap.
Nang mayakap ko siya ay ramdam kong hinalikan niya ang ulo ko.
Nagulat ako pero sanay na rin naman.Dati pa kaming magkaibigan kaya alam kong walang ibang kahulugan ang ginawa niya.
"Alas nuebe ka na daw nakauwi sabi ni Tito?Hindi kita matawagan dahil nakapatay ata ang cellphone mo kaya si Tito na lang ang tinanong ko."
"Napagod kasi ako kaya hindi na kita nasabihan na nasa bahay na ako.Nakatulog kasi ako ng hindi namamalayan."
Tumango siya."Sa susunod ay sabihin mo sa'kin kung saan ka pupunta at sinong kasama mo.Pati kung naka uwi ka na ba.Okay?"
Tumango ako.Hinawakan niya ang kamay ko at dinala na papuntang room ko.
Iniisip ko...How would it feel if Erquine is holding me like this?
He's so near,yet to far to reach.
"Sabay tayong mag lunch mamaya,huh?"napatingin ako kay Bien.
Paano kaya kung sa kanya ako nag kagusto?
Magkaibigan pa rin ba kami?
Tumango na lamang ako at pumasok na sa room ko.
Feeling ko ay sobrang lutang ko na wala akong maintindihan sa math.
Statistics.Hays.Ang hirap.
I'm so preoccupied the whole time of our math subject.Kaya walang pumasok sa utak ko.
Nakita kong naghihintay si Bien sa'kin sa labas ng room.
Naglakad ako palapit sa kanya.
Ang tingin niya ay nakadirekta lang sa akin habang nakasandal siya.
Napangiti ako.Lumaki talaga siyang gwapo.Hihi.
"Tara na."Sabi niya at hinawakan akong muli sa kamay.
I don't know if it's unfair to think of the guy I love while i'm with my bestfriend.
Pero kaibigan ko lang naman siya.Wala naman sigurong masama kung sumagi man sa isip ko si Erquine.
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3