Authors Note:
Pasensya na po kung natagalan ang update..Hindi ko na rin po ito na edit kaya pagpasensyahan niyo na po kung may makita kayong mga grammatical errors,typos etc.
Anyways,Salamat sa mga nagbasa,nagbabasa at magbabasa nito.
Hanggang dito na lamang ;)
Don't forget to Vote,Comment,Follow and Just Cessieffy!Chapter 9
Seryoso
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang lamig.
Kinusot ko ang aking mata ng idilat ko ito.
Nasa kotse pala ako.For sure ay kotse ito ni Bien dahil siya ang kasama ko kanina.
Lumabas ako ng makitang nakatayo siya sa labas.Tiningnan ko ang paligid.
Nasa isang lugar kami na sa tingin ko ay sa taas ng burol.
Nilapitan ko siya.Niyakap ko siya sa likod.Sanay naman na kami sa ganyan dahil dati pa kaming magkaibigan.
"Thank you talaga bestfriend a?Kung wala ka baka nagmukha na akong kawawa doon.Tsaka promise,Titigilan ko na si Erquine."Sagot ko habang nakanguso.Humarap ako sa kanya.
What the heck!
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Bakit siya ang kasama ko?!
Shit!Anong nangyari?!
Bakit?....Ba...kit?....ANONG NANGYARI KAGABI?
Bumitiw agad ako ng makitang ang lalaking niyakap ko ay si Erquine!
Shit!
"Ba-bakit ikaw ang kasama ko!?"sinubukan kong pigilang mautal pero kahit anong pigil ko ay kinakabahan ako...Ni hindi ko alam kung bakit at para saan.Matagal na akong walang hiya kapag siya ang kaharap pero hindi pa rin nawawala ang kanyang epekto sa akin.
Sinamaan niya ako ng tingin."So,you hug each other."nagulat ako sa kanyang sinabi.
Ano bang pakealam mo?
Wag ka ngang paasa!
Wag ka ring mag-assume Coleen Amie!
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at tiningnan na lang ang magandang tanawin.
"Do you kiss each other too?"pasunod niyang tanong"Tss.Of course..Nagyayakapan nga kayo,naghahalikan pa kaya."sariling sagot niya na para bang kinukumbinsi ang sarili sa sinabi.
"I want to go home..Iuwi mo na ako."sabi ko sabay baling sa kanya.
Nakangisi ito.Huli na nang mapagtanto kong iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.
"I-i mean..Iuwi mo na ako....s-sa amin."
Pumwesto ito sa likod ko at niyakap ako.
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako,kikiligin o maglulumpasay na.Baka naman mamaya umuwi nanaman akong luhaan.
Bakit ba ang hirap mong basahin?
"Hmm..Pa'no kung ayoko?"ipinatong niya ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat.Ramdam ko ang hininga niya dahil sa lapit namin sa isa't-isa.
Kumalas agad ako sa kanyang yakap at agad na lumayo.
"What's the problem?"nakangisi niyang tanong.
"Bakit ba napaka paasa mo?"balik kong tanong sa kanya.
"Sabi mo ay subukan kita?Eto na,sinusubukan na kita..Ganyan ka ba magmahal?"may mali.
Alam kong may mali.Sinaktan nanaman ba siya ni Faye kaya siya nandito sa akin?Sa akin niya nanaman ba ibubuntong ang galit niya?
E,ikaw?Ganyan ka ba magmahal?
Gusto ko na syang kalimutan pero sa tuwing lalapitt siya sa akin ay tinatanggap ko pa rin siya.
Ang hirap pala..
Ang hirap kalimutan lalo na ang taong mahal mo..Maaaring nagagalit tayo sa kanila tuwing nagkakalokohan...pero..ang mga masasaya at malulungkot na alaala ay madalas nating pinanghahawakan kaya nakakapasok silang muli sa buhay natin..
Kasi gusto nating maranasan ulit yung mga hindi makakalimutang alaala noong kasama pa natin ang mga mahal natin.
Pero sa sitwasyon ko..Hindi ako makahanap ng solusyon.
Pupwede ko naman siyang diretsuhin na gusto ko nang lumayo siya pero hindi ko magawa..Hindi ko magawa dahil kahit ilang beses niya man akong saktan ay siya pa rin ang lalaking minahal at minamahal ko.
Kahit na alam kong wala namang tsansang magkaroon ng 'kami'.
We fall inlove with people we can't have.But the people who love us,we can have them..Why?Simple.Because they love us.Kung mahal ka ng isang tao,maaring makuha mo ito..Kahit na sabihin mo pang ayaw mong magmukhang tanga dahil hindi ka niya mahal..Konting galaw lang niyan ay binibigyan na natin ng kahulugan.At pag inisip na natin na nagbibigay sila ng motibo..Doon na tayo nag ri-risk..We risk our heart for the people we love.We risk our heart even if it means you'll get heartbreaks because you want to feel to be loved by the one who's important to us.
"Ganito ka ba magmahal?Dala-dalawa?Playing with boys,huh?"nakangisi niyqng sabi ngunit may bahid ng iritasyon.
"Seryoso ako sa nararamdaman ko.Kaya sana kung may respeto ka respetuhin mo naman yon.Hindi yung nabubulag ka sa isang babaeng hindi naman karespe-respeto."diretso kong sabi sa kanya.
"Hindi ganon yon."tinatamad at marahan niyang sagot.
"Hindi ganon?Kasi ganon yung alam ko..ganon yung nakikita ko…ganon yung nararamdaman ko."
"Nakikiusap ako sayo..Kung gaganituhin mo lang din ako,mas mabuti nang lumayo ka…Ikaw na ang lumayo…baka sakaling hindi na kita tanggapin kapag lumapit ka ulit sa akin"pagpapatuloy ko.
Pumasok na ako sa kanyang sasakyan.
I have no choice..Bukod sa wala akong sasakyan..Hindi ko rin alam ang lugar na 'to.
Mula dito sa kinauupuan ko ay tanaw ko siyang nakatayo lamang,Tila may iniisip na malalim at mahalagang bagay.
Mga ilang segundo ang lumipas ay nagsimula na siyang maglakad papalapit dito sa kanyang sasakyan.
Nang pumasok siya at umupo ay pinaandar niya agad ang makina.Parang ngayon ko lang nararamdaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa dahil sa sobrang katahimikan.
Walang nagsasalita sa aming dalawa..Hindi rin ako sumusulyap sa kanya.
Naguguluhan na ako.Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang manatili sa buhay ko o kailangan niya na talagang lumayo.
Nagtatalo nanaman ang puso at isip ko.Mali ka nanaman Leemie.Dapat ay sabay diba?Huwag mong hayaang matalo ka ng nararamdam mo.Mas malakas ka at dapat ikaw ang kumontrol sa kanila.
Nawala sa isip ko..Paanong siya ang kasama ko gayong si Bien ang kasama ko kanina?
Nasaan na si Bien?
Magtatanong na sana ako sa kanya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.Ikinonekta niya ito sa speaker at sinagot ang tawag.
"Where the hell did you take her?!"nanlaki ang mata ko sa boses na narinig.Si Bien 'yon!
"She's safe..She's with me."mahinahong sagot nito.
"I don't know what do you want from her but I know one thing!You're inlove with Faye and not with Coleen!So,stop giving her any reasons to hope!You're not good for her!"galit nitong sabi.
"Then,who's good for her?You?As far as I know,you are just her bestfriend."matalim na sagot naman ni Erquine.
Gusto kong magsalita ngunit kahit bulong yata ay hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Novela JuvenilHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3