Chapter 19

8 3 4
                                    

Chapter 19



Maaga akong nagising dahil kagabi ay tumawag sa akin si Erquine na magkita daw kami dahil may sasabihin siya. Nag ayos ako ng mabuti para lang dito.

Ano kayang sasabihin non? Hihi.

Pagkababa ko ng hagdan ay tatlong lalaking kumakain sa kusina agad ang sumalubong sa'kin.

"Oh, Sa'n ang punta?"tanong ni Conrad matapos isubo ang tinapay. Nakatingin ito sa akin pati si Papa. Etong si Axcel lang ang hindi nakatingin at mas gusto oang titigan ang pagkain niya. Psh.


"Diyan lang."malamig kong sabi.

Nagtatampo pa rin kasi ako kay Papa.. bakit kasi kailangan ko pang pumuntang Canada? Maayos naman ang pag-aaral ko dito tapos papakaelaman pa nila. Tss.






__________






Dalawang minuto na ang lumipas nang makarating ako dito sa parke. Hindi talaga kami dapat dito magkikita ni Erquine pero bawal ako sa malayo dahil mamaya na ang flight namin ni Axcel papuntang Canada.



Saktong pagtayo ko sa isang swing dito ay nakita ko si Erquine. Bihis na bihis siya at ang mga kamay ay nasa likuran na parang may itinatago. Nakangiti ito at diretso ang tingin sa akin. Kaya ko bang iwan ang lalaking 'to? Hay.


"Coleen.."lumapit siya sa akin.



Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Basta ang kailangan ko lang ay magpa alam sa kanya at tapusin ang---




"Coleen, will you be my girlfriend?"napanganga ako sa tinanong niya. Why so straightforward?! Iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng rosas na kanina niya pang tinatago sa likod niya. Nahihiya itong napayuko. "Medyo mabilis pero Coleen... Hindi kita sasaktan at iiwan, just please... Let me show my love for you.. That I deserve you."marahan niya sabi 'saka hinawakan ang kamay ko. Bakit ngayon ka pa nagtanong ng ganyan? Bakit ngayon na kailangan kong magpa alam?




Naguguluhan pa rin ako kung bakit ako pumayag na sumama sa Canada.


~Flashback

Isang katok sa pinto ang narinig ko kaya pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Nasa veranda kasi ako at nagpapahangin.


"Anak, gising ka pa ba?"si papa pala ang kumatok. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito.


"Pwede ba kitang maka-usap?"makausap para saan? Tungkol nanaman ba 'to sa pagpunta ko sa Canada?



"Sige po.."sagot ko at naupo na lamang sa gilid ng kama ko. Ganon din ang ginawa ni Papa.


"Coleen.. Alam kong ayaw mong sumama sa Canada at naiintindihan ko 'yon dahil biglaan ang pagsabi ko nito sa'yo.. pero Coleen.. Kailangan mong sumama kay Axcel papuntang Canada. Hindi ko kayang sabihin sa'yo kung bakit pero alam kong mas gugustuhin mong pumunta ng Canada kapag nalaman mo ang dahilan.. Doon mo na rin ipagpatulog ang pag-aaral mo."hinawakan ni papa ang kamay ko.


"Pero pa.. Paano si.. Paano si Erquine? Pa, mahal ko siya."kusa na lamang tumulo ang ng luha ko.

"Anak, naiintindihan kong mahirap para sa'yong gawin 'to dahil may maiiwanan kang mahalagang tao sa'yo.. pero kung kayo talaga ay paniguradong gagawa ang tadhana ng paraan upang magtagpo muli ang landas niyo." Tadhana? Totoo ba talaga ang tadhana na iyan o sadyang pinapaniwala lang nila ang sarili nila?


"Anak.. please.. Kailangan mong gawin 'to."tumango lamang ako at yumakap kay papa dahil ko na mapigilang mapahagulgol. Paano kung magalit sa'kin si Erquine? Paano kung hindi niya ako mapatawad? Sasayangin ko na lang ba ang pagkakataon na 'to? Napansin niya na ako oh.


I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon