Chapter 18

15 3 4
                                    

Author's Note:

Hindi ko na po na-edit ito. Kaya pasensya kung mayroon mang typo at grammatical error. Pasensya na rin kung ngayon palang ang update.

Nagpapasalamat ako sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa nito! Sana po ay na-appreciate niyo ang bawat chapters nito!

Yun lamang..

Lovelots!
~Cessieffy<3

*****





Chapter 18


Good morning Sunshine! Good morning flowers! Good morning to myself! Hehe.

Excited akong pumasok dahil makikita ko nanaman si Erquine! Pagkatapos ko sa aking morning routine ay bumaba na ako para mag almusal.

"Dad, goodmorning!" Masaya kong bati sa kanya.

"You're in good mood, huh?" Conrad asked sarcastically. Tss.

"Of course! Don't ruin my mood, cous'"i rolled my eyes on him.

"Psh." Oh? Bad mood siya?

"Tito, tita helen called. Axcel will be here tomorrow. Susunduin niya si Leemie." Axcel? Susundin? Ako?

"Wait, susunduin ako? Sa'n naman kami pupunta? Tsaka Axcel?" Sunod sunod kong tanong. Seriously? Siya ba yung masungit na lalaking akala mo naman gwapo?!

"He's the son of Tita Helen's bestfriend. Nang mamatay ang nanay niya ay ai Tita Helen na ang nag-alaga sa kanya. Isasama ka niya sa Canada." Gulat akong napatingin kay Conrad. What the f*ck?! Is he f*cking kidding me?!

"You're joking right? Hindi ako aalis ng Pilipinas, diba?" Yumuko lang siya sa tanong ko. Shit!

"Pa?! Nang jojoke time ba kayo?! I'm not going in Canada!"tumayo ako habang umiiling.

"Pupunta ka ng Canada, Hija. Whether you like it or not."what the?! Mabilis akong umiling at kinuha ang gamit 'saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Pagkalabas ko ay kusa na lamang tumulo ang luha ko.

Ayoko. Ayokong iwan siya. Ayokong sumama. Bakit? Para sa'n? Bakit ngayon pa? Why do i have to go to Canada? Is there even a reason? Tahimik akong nag-aaral dito tapos biglang ganito?

Axcel.. Naalala ko nanaman kung gaano siya kasungit. Kung paano niya ako
i-snob-in at tingnan ng masama. Nakasama ko na siya dati nang magbakasyon kami kila Auntie Lis sa Quebec. We're not close to each other because he's fucking silent all the time! He's an introvert so how can I approach him? I know his full name, I know the story of his life yet he's still a stranger to me.

Malalim ang kanya mga mata kapag tumitig na aakalain mong pati kaluluwa mo ay nakikita niya. Nakakainis lang dahil diretsong mata ka talaga niya tititigan! Kung hindi ko lang siya kilala ay matatakot ako sa kanya at pagkakamalan siyang rapist sa titig niya eh!

Hindi ako dumiretso sa school, in short, nag cutting ako. Kinakabahan nga ako eh. Ngayon ko lang kasi nasubukan ito! Huhuhu!

NANG malalim na ang gabi ay 'saka lang ako nagpasyang umuwi. Paniguradong nahalata ng mga pumunta ng park na mag cutting ako. Kanina pa ako nakatambay sa park. Mukha nga akong pulubi eh. Pa'no ba naman naka uniporme lang, naka upo lang dun sa swing at maghapon na nakatambay doon!

Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin ay agad akong nagtaka. Bakit bukas pa ang ilaw dito sa baba? Omo! Baka naman may magnanakaw dito?!

Agad akong pumasok. Walang tao sa sala pero bukas ang ilaw at may bagahe? Shit! Baka naman mga gamit na namin ang nasa loob niyan at itatakas niya na!

Sa kusina ay hindi nakabukas ang ilaw kaya sumilip ako. Nanlaki ang mata ko nang makitang may lalaking nakaharap sa lababo at umiinom! Eh? Nakuha niya pa talagang makiinom, huh!

Kinuha ko ang payong sa gilid ng pinto at dahan dahang lumapit sa kanya.

Syempre sisigaw muna ako para may tumulong.

"AAAHHH! MAGNANAKAW!"malakas kong sigaw 'saka tumakbo ng mabilis papunta sa kanya. Napaubo naman siya. Hala nabulunan ata, kawawa naman.


Pero wala akong pake! Hinampas ko siya ng hinampas .


"DITO MO PA TALAGA NAISIPANG MAGNAKAW, HUH?! TAPOS ANO?! MAKIKIINOM KA PANG HUDAS KA! KAMI NA NINAKAWAN MO TAPOS MAY GANA KA PANG MAGNAKAW! LETCHE KA!"sunod-sunod kong sigaw. Bakit parang ang gwapo ng boses niya? Ay hindi imagination ko lang yon!


"Aww! Shit!" Aba! Siya na nang nakaw ng gamit dito siya pa may ganang masaktan!


"LETCHE KA TALAGANG HINAYUPAK KA! MAY PA SHIT-SHIT KA PA DIYAN!"sinipa ko siya sa tuhod dahilan para mapasigaw ulit siya.


"Fuck! Stop! Masakit na ah!" Heh! Wala akong pake!


"ANONG STOP?! IKAW DAPAT ANG TUMIGIL! TIGILAN MO YANG PAGNANAKAW! WALA KANG MARARATING DIYAN---"napatigil ako nang bumukas ang ilaw. Nasa tapat lang pala namin ang switch ng ilaw, ba't di ko nakita 'yon?! Shems!


Marahas niyang kinuha ang payong aa kamay ko at humarap sa'kin, nanlaki ang mata ko.


Gulp.


Nakatayo sa harap ko ngayon si... Axcel.


Matalim ang titig niya sa'kin samantalang ako ay napanganga na lang.


Bakit parang gumwapo siya?! Ay mali! Erase-Erase-Erase!


His body is much more bulkier now. Mas tumalim ang tingin niya.. ang matangos niyang ilong.. magandang postura.. At ang kulay abo niyang mata.


"Coleen!" Naputol ang titigan namin dahil sa lalaking nagmamadaling bumaba ng hagdan.


"What the hell happened?! Asan yung magnanakaw?!" May hawak itong--fuck! Saan galing ang baril na 'yon?!


"Bakit may baril ka?!"gulat kong tanong.


"Ah hehe laruan lang 'to"sabi niya nang nakangiti. Ay takte!


"Psh! Bumalik ka na nga sa kwarto mo! Walang magnanakaw, prank lang 'yon." Phew! Buti na lang di nagising si papa. Kumamot ito sa ulo at yamot na naglakad papuntang hagdan.


Nilingon ko si Axcel at na estatwa nanaman ako nang makitang nakatitig parin siya sa'kin.


"Ahmm.. So-sorry.. hi-hindi ko alam na.."napayuko na lamang ako. Bakit ba hindi ko matuloy! Nakakahiya! Shemay!


"Tss."naglakad na siya at nilgpasan ako. Hay, ayos na rin 'yon. Nagi-guilty man ako, ayos na rin yon. Para kasing hinihigop ng mga mata niya ang kaluluwa ko sa tuwing magkakatitigaan kami.


Umakyat na lamang ako sa kwarto ko at nagbihis na. Hindi ko nakita si Erquine ngayong araw. Ano kayang ginawa niya? Hinanap niya kaya ako sa school?


Naisip ko nanaman yung kanina.. Dapat mag sorry ako sa kanya. Hinampas ko siya ng hinampas eh. Sayang naman ang gwapo niyang mukha at mala adonis na pangangatawan--AISH! ERASE! ERASE!


Naglakad ako patungong veranda at naupo doon. Tanaw ang mga bituing kumikinang at ang buwan na nagbibigay ng liwanag sa dilim ng gabi. Malamig at presko ang simoy ng hangin. Tahimik, na ang maririnig mo lamang ay ang mga kuliglig sa kung saan.


Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya nang dahil lang sa nandito si Axcel. Naiinis ako dahil hindi naman dapat siya ang iniisip ko! Si Erquine dapat! Siya dapat ang iniisip ko ngayon! Hindi ang pinaglihi sa regla na lalaking 'yon!


Nakakairita kung paano niyang nagulo agad ang isip ko. Kung paanong nakapasok siya agad sa utak ko. Kung paanong magkandabuhol-buhol agad ang sistema ko... At kung paano ako nahihipnotismo ng mga mata niya.


Dapat kong kontrolin ang sarili ko. Dapat ay mas maging maingat ako sa mga mararamdaman ko.


Dahil alam ko... Na kapag nalubog agad ako sa malalim na nararamdaman ko... Hindi na ako makaka-ahon pa. Hindi ko na mapipigilan pa.

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon