Chapter 6
'Pare-pareho lang kayong mga babae'
Wow!
Akmang aalis na siya ngunit hinawakan ko ang kanyang braso.
"Ano ba talagang problema mo?"tanong ko.Kung hindi lang ako marunong magtimpi ay baka nasigawan ko na ito.
Iritable niyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso.
Psh.Minsan ko na nga lang hawakan ang braso mo,ipagdadamot mo pa.
"Wala!Ba't di mo na lang puntahan yung Bien na yon?!"Malakas niyang sabi.Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang mga estudyanteng umuuwi ngayon.
Ang iba kasi ay maagang umuuwi samantalang ang iba ay tumatambay lang.
"Aba't---Sinigawan ba kita?!"
"Ginagawa mo na."Sarkastikong niyang sabi.Ang hilig niyong mamilosopo!Palibhasa hindi kayo marunong magseryoso ng mga babae e.Kung kelan wala na kaming nararamdaman sa inyo saka lang kayo mag seseryoso!
Umiling ako."Ewan ko sayo"
Uuwi na nga ako.Kanina pa kasi ako dapat nasa bahay pero nang istorbo ang isang 'to e.
"O,san ka pupunta?Pupuntahan mo yung Bien na yon?"I rolled my eyes at him
Bakit ba ganito na lang kung maka asta ang isang 'to?
Samantalang nung mga nakaraang araw gustong-gusto niyang lumayo ako sa kanya.
Halos saktan niya na ako,emotional,ng paulit ulit para lang layuan siya.
Tapos ngayon naman tanong siya ng tanong tungkol kay Bien at sa akin.
Ano?Nahuhulog ka na ba?
Imposible.
May Faye ka diba?
Ba't sa'kin ka nanggugulo ngayon?
Ba't di si Faye ang puntahan at kausapin mo?
"Uuwi na ako."last na talaga 'to.Gusto ko nang kumain,nagugutom na talaga ako at panira ang isang 'to.Edi sana ay nakakain na ako.
Hinawakan niyang ang braso ko"Sumama ka sa'kin."aniya at hinatak papuntang parking.
Nagpupumiglas ako ngunit ng makarating kami kung saan naka parking ang kanyang sasakyan at pilit akong ipinasok sa front seat ay wala na akong nagawa.
Syempre nagpapakipot pa ako para di gaanong halata na gusto kong sumama.Hehe.
Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya.
Teka saan ba kami pupunta?
"Where are we going?"
"Dinner."Maikli niyang sagot.
Nagsusungit nanaman!
Ang gulo talaga ng lalaking 'to e.
Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana"Saan naman tayo kakain?"
"Sa McDo."
"Sa McDo?Dinner?Ang kuripot mo!"natatawa kong sabi
Sa akin sa McDo lang..pero pag si Faye ang kasama sa isang mamahaling restaurant agad.Hmp!
Nang makarating kami ay ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng kanyang sasakyan dahil alam ko naman na hindi niya ako pagbubuksan.
Kung si Faye ang kasama nito baka nagkanda-ugaga na siya para lang maunahan lumabas yon at pagbuksan.
Bakit ba lagi kong sinisingit si Faye?Sus!Mas maganda naman ako doon.
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Novela JuvenilHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3