Chapter 21
Coleen's POV
Napamulat ako nang marinig ang malakas na katok sa aking pinto.
Pagod akong tumayo at binuksan ang pinto. Halos mapaatras pa ako nang makitang si Axcel ang nasa harap ko. What is he doing here? Oh! Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya dito sa bahay ni Auntie.
"Magbihis ka. Aalis tayo." Malamig na sabi niya. Ano nanamang pagpapasikat ang gagawin nito?
"Tss. Nagpapabida ka nanaman? Anong arte naman 'tong ginagawa mo ngayon?" Mataray kong sabi. Diyan naman siya magaling eh. Sa pagpapapansin.
Suminghap ito at umiiling akong tinignan, "You don't want me to drag you inside my car without having a bath, do you?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Humalukipkip ako at matalim siyang tinignan.
"Hindi ka naman siguro tanga para magsama ng babaeng hindi pa naliligo, nagtu-toothbrush at nag-aayos diba?" I rolled my eyes at him.
Pinitik niya ang aking noo.
"Of course I can. I won't mind having a date with you but... you sting... a lot." Ngumiwi ito at nakapamulsang umalis sa harapan ko.
How dare he say that! Hindi ako mabaho noh! Inamoy ko ang aking sarili at maayos naman ang amoy ko. Nakakairita na talaga siya! Akala ko pa naman ay tatahi-tahimik ang isang yan pero hipokrito rin pala!
Wala na akong nagawa kundi ang mag-ayos ng sarili at sumama sa kanya. Kinausap din kasi ako ni Tita na dapat daw ay huwag akong masanay na makulong sa kwarto. Marami daw'ng magagandang pasyalan kaya dapat ay lumalabas din ako kahit papaano.
Pagkababa ko ay naroon siya sa sala, naghihintay.
"2 hours for preparing youself, huh? You're putting too much effort for our date. Sabi nang gusto mo rin eh. Nag-iinarte ka lang." He chuckled a bit. And I don't why but the way he chuckles... I find it freakingly hot!
"H-hindi ako nag-iinarte noh! Napilitan lang ako. Masyado ka kasing mapilit. Tsaka hindi 'to date." Iniwas ko sa kanya ang aking tingin at naglakad na palabas.
"You're really beautiful. And for me... this is gonna be our first date." Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ang kanyang boses malapit sa aking tenga. Napakalapit niya sa akin. Kita ko ang repleksyon namin sa bintana ng kotse.
Pakiramdam ko ay nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya.
"Isipin mo kung anong gusto mong isipin." Sabi ko at binuksan ang pinto ng kanyang kotse.
"Why are you quiet?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Anong gusto niya magdaldal ako dito ng walang kausap? Tch.
"Hindi ko alam na kailangan ko palang mag-ingay." Sarkastiko kong sabi.
Sumulyap ulit ako sa kanya at nakitang humigpit ang hawak niya sa steering wheel. Mas nadepina tuloy ang mga muscles sa kanyang braso. Dinilaan niya ang kanyang ibabang labi kaya umiwas agad ako ng tingin. Shit! Huwag kang magpapadala sa mapang-akit niyang labi at katawan! Nililinlang ka lang ng nakikita mo!
Itinuon ko na lamang ang pansin sa mga masayang naglalakad sa labas. May mga couples na magkahawak ang mga kamay. May mga buong pamilyang nagtatawanan. Para silang walang problema. Sana nga ganoon na lang. Yung tipong mamumuhay ka ng masaya at walang problema. Walang iisiping kung anu-ano. Kaso hindi eh. Lahat ng tao may tinatagong problema.
May nakita pa akong babaeng umiiyak at nakaupo sa isang ugat ng malaking puno. Well, everything makes us cry and happiness is so hard to come. Hindi naman kasi porket naging masaya ka na ay magtutuloy-tuloy na iyon. Ganoon ang buhay. Life really sucks.
Napatingin ako sa kanya nang huminto kami sa isang restaurant. Sus. Kakain lang pala kailangan pang lumabas.
Bago ako makapasok ay binuksan niya na pinto at pinauna ako. Naghanap na ako ng upuan at siya naman ay may kinausap pa sa isa sa mga waiter.
"Hi, miss. Are you alone? Can I share a table with you?" Napaangat ang tingin ko sa isang lalaki na nasa harap ko at may dalang tray. Maputi siya, matangkad, medyo maipagmamamalaki ang katawan. Tinitigan ko siya ng mabuti. Parang pamilyar siya...
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong naging kaklase ko siya sa isa sa mga subjects ko. "Peter?!" Mangha kong tanong.
Tumawa ito at sinabing, "I thought you forgot about me." Umupo ito sa harap kong silya. Hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "I missed you, Coleen. I heard that you---" hindi na natapos pa ang sinasabi niya nang biglang may humigit ng kanyang damit sa harap.
Napatayo ako sa gulat at pipigilan na dapat ang kung sino mang gumawa non nang nakita kong si Axcel 'yon. I rolled my eyes at him. Nagpapasikat nanaman siya!
"Sad to say but she didn't miss you. Actually we're living together. So, don't you dare hit on her because she's not available. You understand?" Mahinahon ngunit mapanganib niyang sabi.
Oh diyos ko! Ano nanamang pagpapasikat 'to!
"Tama na yan." Tinanggal ko ang kamay ni Axcel sa damit ni Peter. Matalim ns tumingin sa akin si Axcel habang si Peter naman ay halatang naguguluhan pa sa sinabi ni Axcel.
Hihingi palang sana ako ng paumanhin kay Peter nang bigla na lamang akong hatakin ni Axcel palabas ng restaurant hanggang sa harap ng kanyang kotse.
"Ano ba?!" Padabog kong tinanggal ang kanyang kamag sa aking braso. "Ba't mo ginawa 'yon?! Nagpapasikat ka nanaman ba?! Gustong-gusto mo talagang nasa spotlight ano?!" Galit kong tanong.
Nakatingin lang siya sa akin ng masama at humihinga ng malalim, palagay ko'y kinakalma ang sarili.
"He's fucking hitting on you. Hindi mo ba nakikita? The way he stares at yo---" pinutol ko siya sa sinasabi niya.
"What? Ganon lang talaga siya tumitig, Axcel! Wag kang OA!"
"I'm not! Yung tingin niya sayo.. Yung tingin niya sa'yo ay para bang pagmamay-ari ka niya! At ikaw naman! Talagang nakipagtitigan ka pa?!"
"Of course titignan ko siya! Kinakausap ko eh. Tsaka ano namang problema mo don ha? We're not related to each other, so why bother if he stares at me like that?" Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko na para bang may pinipigilan siya.
"Don't tell me nagseselos ka?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"And what if I am?" Seryoso niyang tanong. Napanganga ako sa sinabi niya. Oh no! No! No! Wag kang maniniwala sa kanya!
Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Walang bakas ng biro sa kanyang mukha. Para akong hinihipnotismo ng kanyang mga mata. Para bang ipinapakita niya na seryoso talaga siya sa sinabi niya.
"A-anong karapatan mo diyan!" Napalunok siya sa sinabi ko at bahagyang yumuko. Tumikhim siya.
"Pumasok ka na sa loob." Malamig niyang sabi. Kita ko sa kanyang mga kamay ang sobrang pagpipigil. Umigting ang kanyang panga.
Tahimik ang naging byahe namin. Sumusulyap ako sa kanya at nakikitang nakakunot ang noo nito. Ni isang sulyap ay hindi niya ako binigyan. Pagkarating sa bahay ni Tita Helen ay walang gana siyang lumabas at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.
Kinabahan tuloy ako sa inaasal niya. Shit! Nakakaguilty!
_______
'Sensya kung may typo man or grammatical errors
~Cessieffy~
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3