Chapter 13

11 2 5
                                    

Chapter 13

'Kahit may kasalanan ka sa akin dahil dineny mo 'ko, May flowers ka pa rin..Ganyan kita kamahal..O, Wag ka masyadong kiligin baka maging kamatis ka.'

-yourhandsomesuitor

Napangiti ako matapos basahin ang sulat sa card na nakadikit sa bulaklak.Sweet.Hindi ko alam na ganito siya pero..Ang saya sa feeling!

Papasok palang ako sa school ng makita ko ang bulaklak na 'to sa labas ng pintuan ng kwarto ko.Hindi ko alam kung bakit nandoon ito pero paniguradong si Papa o di kaya'y si Conrad ang naglagay nito doon.

At paniguradong alam na nila kung sino dahil kanina pa ako sinasabihan ni Papa na padalawin ko dito si Erquine dahil kailangan niya daw munang kilalanin.Hindi ko alam kung dapat na ba akong kabahan dahil alam kong tatakutin nila si Erquine o di kaya'y may maiisip nanaman silang kung ano.

NAGlalakad na ako papuntang room ng salubungin ako ni Erquine ng mga bulaklak.Natawa ko nang lumapit ito sa akin at inilapit sa mukha ko ang bulaklak.

"Baliw."bulong ko ng hawiin ko ang kamay niyang may hawak sa bulaklak na nakatakip sa mukha ko upang hindi siya matingnan.

"Good morning.."nakangiti nitong bati sa'kin.."Uh..Flowers?"hindi ito makatingin sa akin nang iabot niya ito.Sus, nahiya pa!

"Baka naman pati mamayang lunch may pa-flowers ka nanaman?Mauubusan ng vase na lalagyan yon."natatawa kong biro.

"Well, I..I just like the smell of flowers and I think you will like it too.."nakalimutan kong mahilig nga pala siya sa bulaklak..Kung hindi ko 'to kilala ay baka napagkamalan ko na 'tong bakla!

"Of course.."bahagya ko itong inamoy."I love it."sabi ko sabay ngiti ng nakakaakit.

Tumawa ito"Don't tempt me to kiss you here infront of your room..'cause I will do it and I don't care if they see us."hinaplos nito ang aking buhok."See you in your lunch."nakapamulsa itong umalis.

Ang ngiti sa mukha ko ay hindi matanggal nang magpasyang pumasok na sa room..Nakapaskil na yata 'to sa mukha ko ngayong araw.Ang sarap sa feeling magmahal!

Hindi ko inakalang dadating ang araw na mahuhulog si Erquine sa akin..Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko na magugustuhan niya ako pero kasi para sa'kin imposible ang bagay na yon..Lalo na at nakikita kong ginagawa niya ang lahat para lamang kay Faye..Pero ngayon..Nasa akin na siya!Nasa akin na ang atensyon niya!

"O, Ang saya natin ah?Anong meron at bigla kang binigyan ni Totoy Martyr ng bulaklak?"nakangiting tanong sa akin ni Annette..Hindi ko pa pala nakukwento sa kanya ang tungkol d'on sa 'panliligaw' ni Erquine.



"We?!Seryoso?!Nakainom ka ba Leemie?O baka naman nagdadrugs ka na?"gulantang niyang tanong matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Erquine.

"Grabe ka naman makareact!Oo nga!Kung magsisinungaling na lang din ako ay sana nilubos ko na diba?Dapat ay 'panget ako' at 'wala akong lahing dyosa' ang sinabi ko kung magsisinungaling ako!Dun ka dapat hindi maniwala!Hmp!"

"Lakas ng hangin sa utak friend ah."tumatawang sabi nito na sinamaan ko ng tingin."Pero seryoso ba siya dyan?Baka naman ginagawa ka lang niyang rebound?Nako, Pag ginawa niya yun makakatikim talaga siya sakin ng matinding uppercut."sumuntok pa ito sa ere na para bang may sinusuntok.

"Rebound?Sa tingin ko hindi naman..ramdam ko nette, mahal niya ako!I can feel it!"masaya kong sabi habang impit na kinikilig.

Napasinghap siya sa sinabi ko."Mahal agad?Diba pwedeng gusto muna?Kaya andaming nasasaktan eh!Nag aassume agad."ang bitter talaga ng isang 'to!

"You sounds like you've been hurt because you assumed."bored kong sagot.

"Hindi ah..Ano..kasi..Concerned bestfriend lang ako no!Syempre ayokong masaktan ka!Mukha ka pa namang unggoy pag umiiyak."

"Mana sayo."napatingin ako sa lalaking nakisabat.

Excel?Siya ang kaklase namin na lagin nakkabangayan ni Annette..Lagi kasi niyang binabara si Annette.Tapos ayon, magkakagiyera na sa pagitan nilang dalawa.

"Papansin ka talaga ano?!"iritadong tanong ni Annette kay Excel ngunit nagkibit balikat lang ito.

Nanggagalaiti na si Annette nang tingnan ko kung anong oras na..Alas dose na pala..Lunch na!Tinignan ko si Annette at nakitang nakikipagtalasan sila ng titig ni Excel kaya lumabas na ako at iniwan siya.

Bahagya pa akong napahinto ng makita si Erquine sa labas ng room namin..What is he doing here? Nakapamulsa ito sa kanyang pantalon habang nakasandal sa pader.Hinahangin ang kanyang buhok..He's hot!

"Why are you here?You don't have class?"i asked him casually.

"Sasabayan kitang kumain.And yes, wala, kaming klase."sagot nito at kinuha ang kamay ko't pinagsalikop ito.Oh, god!

Kinagat ko ang labi ko upang itago ang ngiti.

"Don't bite your lips."seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin lamang sa dinadaanan.

"Psh!Ano bang problema mo sa pagkagat ng labi?Ba't di mo na lang din kagatin ang labi mo kung naiinggit ka."mataray kong sabi.

"E kung labi mo na lang kaya ang kagatin ko?"nakaharap ito sakin habang nakangising nakatingin sa'kin.

"Pervert"naka ngiwi kong sabi

Tumawa ito"Handsome pervert."he said confidently.."Na mahal ni Coleen Amie Santiago."Wow!Ang kapal!

Pakapasok namin ng canteen ay ilang pares na agad ng mga mata ang mariing nakatingin sa amin.

"Don't mind them, lets go."bulong niya nang mapansing natigilan ako.Marahan niya akong hinila patungo sa isang lamesa malapit sa bintana.

Umupo ako"What do you want to eat?"tanong niya."Carbonara, pizza and iced tea."sagot ko.Tumango naman ito at umalis na para makabili.

'She's really a slut..Last day i saw her and Bien, the transferee, they're holding hands while walking and now?She's with Erquine!'

'Ganyan talaga kapag makati, girl'

Nagtawanan sila habang pinag-uusapan ako..Halata naman na talagang nilalakasan nila ang boses nila para marinig ko e.Gagawa na lang ng plano bulok pa.Palibahasa'y, bulok rin ang mga ugali.

"Hey."napalingon ako sa aking likod nang makita si Bien.

"Bien!Hindi kita nakita kanina."napapadalas na lang ang pagkikita namin ni Bien.

"Ah!Tss.Nakakairita yung pinsan niyang Erquine na yan..Lagi na lang akong kinukulit..'Langhiya binlackmail pa ako!"sabi niya na para bang nasusumbong.

Ano kayang meron sa kanila?

"Coleen."napalingon naman ako ngayon kay Erquine na kakalapag lang ng tray na may lamang pagkain.

Mariin nitong tinitigan si Bien.Uh-oh!

"What are you doing here?"he asked coldly.

"Canteen 'to, hindi mo naman siguro pagmamay-ari 'to."nakangising sagot ni Bien.

"Yes,I do not own this canteen but that girl beside you is mine."he said and hold my hand.

Napangisi si Bien ngunit may bahid ng iritasyon."Really?Sinagot ka na?"bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

Umigting ang panga ni Erquine.

"Paalala lang 'tol, wag mong angkinin ang hindi naman sayo."tumayo si Bien at mabilis na umalis.

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon