Chapter 14
"Umm.. Erquine?Huwag mo nang intindihin ang sinabi ni Bien.. Siguro mainit lang ang ulo non kaya ka niya nasabihan ng gan--"hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagulat ako sa malakas na pagsigaw niya.
"Can't you see, Coleen?! He don't treat you as his bestfriend! He treats you more than just a friend!"gigil niyang sigaw.
"And I know that you know it. He confessed right?"mahinahon ngunit mahihimigan ang galit sa kanyang tono.
Kasalukuyan kaming nasa harap ng kanyang sasakyan.. Maagang dinismissed ang mga estudyante dahil may bagyo daw na papasok ngayon sa pilipinas at maaapektuhan ang maynila.
"Erquine, you just misunderstood all of this.. He just loved me because I'm his friend.. He treats me like his younger sister that's it."mahinahon kong paliwanag.. Hindi pwedeng ngayon pa kami mag-away kung kailan nagkakamabutihan na.
"Huh!I know him, Coleen! He loves you more than just a friend!"nakakunot noo nitong sigaw.Napayuko na lamang ako sa kanyang sinabi.
Alam ko..Ramdam ko..Hindi ko lang kayang paniwalaan dahil ang hirap isipin na ang taong kasama sa alaala ng paglaki ko at ang taong tinuring ko nang kapatid ay magkakaroon ng malalim na nararamdaman para sa'kin.
"Pa'no mo naman nasabi na mahal nga ako ng kaibigan ko?"inangat ko sng aking paningin sa kanya.
Nagbuntong hininga siya."Alam ko dahil.. Tuwing kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa'yo.. Tuwing nagseselos siya kapag may kasama kang iba.. Tuwing nagagalit siya kapag nasasaktan ka.. Lahat ng 'yon naramdaman ko na.. Lahat ng 'yon naranasan ko na... Sa'yo."nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Nakita ko kung paano siya magmahal at mawasak ng dahil sa pag-ibig."tumingin siya ng diretso sa akin."At isa ako sa dahilan non."pumasok siya sa kanyang kotse at pinaandar ito.. Iniwan akong tulala at lubog sa malalim na pag -iisip.
Naglalakad ako palabas ng escuelahan upang maka-uwi na.
Nakita ko kung paano siya magmahal at mawasak ng dahil sa pag-ibig..
At isa ako sa dahilan non.
Anong ibig niyang sabihin na isa siya sa dahilan non? Nakita kung paano umibig?Hays! Ang gulo ng utak ko ngayon!
Nakalabas na ako ng gate ng biglang bumuhos ang ulan kaya't wala akong mapagpipilian kundi ang sumilong sa bubong ng waiting shed.
Ulan..
Minsan pabigla-bigla ito.. Paano kaya kung nagkamali ang mga reporters sa paghatid ng balita? Paano kung akala nila ay magkakaroon ng magandang panahon ngunit may nagbabadya palang ulan?Mauuwi lamang sa pagsisi sa kanilang sarili dahil sila ang nagreport.. Sila ang pinaniwalaan ng mga tao dahil sila ang naghahatid ng balita upang malaman ng mga tao..
Paano na lamang kung wala sila?Malalaman pa kaya ng mga tao kung anong magiging panahon?
Ako? Tayo? Paano kaya natin malalaman kung totoo na ba ang pag-ibig ng isang tao sa atin?Yung wala nang pag-aalinlangan at pagkakamali..
Ang patak ng ulan ay nagsisimula sa pino habang palaki ito ng palaki at lumakas. Parang ang pagmamahal.. Nagsisimula ito sa mababaw hanggang sa lumalim, yung tipong mahihirapan ka nang maka-ahon.
Umihip ang malakas na hangin dahilan ng pagsabay ng mga patak ng ulan sa direksyon ko.
Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.. Kung alam ko lang na magkakaroon ng bagyo ay dapat nagdala ako ng payong at jacket, pangontra sa lamig.
Nilabas ko ang aking cellphone at tinext si Conrad.
'Nastranded ako sa school, pasundo naman oh.'
To:Conrad the coward
Mabilis siyang nakapagreply ngunit hindi niya ako masusundo dahil nastranded ang kanyang sasakyan sa gitna ng kalsada.
Nilalamig na talaga ako! Medyo basa pa ako dahil lecheng ulan na 'to!Bakit ba kasi ngayon pa? Ba't di mo muna ako hinayaang maka-uwi bago ka nagpasabog ng tubig!
Mabuti na lamang at hapon palang kaya hindi pa gaanong madilim.
Tinawagan ko si Erquine ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakaka limang tawag na ako ah.
Nawalan na ako ng pag-asa na sasagutin niya ang tawag ko kaya itinago ko na ito sa aking bag.
"Leemie!"napa-angat agad ako ng tingin ng may pumaradang sasakyan sa harap ko.
Dumungaw si Bien sa bintana at agad akonf pinagbuksan ng pinto.. Nanlaki ang mata ko sa gulat ngunit wala na akong panahon pa para magulat dahil lamig na lamig na talaga ako!
Tumakbo ako papuntang sasakyan niya.Nag seatbelt agad ako at sinara ang pinto ng kotse.
"Bakit hindi mo tinawagan si Erquine?!Hinihintay mo pa bang manigas ka sa lamig doon?!"galit na tanong ni Bien.
Tinawagan ko siya.. Five times pa nga e.
"Tumawag ako pero.. busy yata e."ngumiti ako sa kanya, di alintana ang pagkunot ng noo nito.
"Tss. Wala siyang kwentang manliligaw kung ganoon. Bastedin mo na siya."seryosong sabi nito habang ang tingin ay diretso lamang sa daan.
Basted?Agad-agad?!
"Umm.. Wala naman siyang ginawang kasalanan eh.. Baka may importanteng ginagawa kang siya."ibinaling ko ang aking tingin sa daan.Mabuti na lamang at hindi pa bumabaha gayong napakalakas na ng ulan.
"Sigurado ka bang mahal ka niya kaya ka niya nililigawan?"matalim niyang tanong.
"Anong klaseng tanong iyan?"natatawa kong tanong.
"Hindi ka ba naguguluhan kung bakit bigla na lang siyang nagkagusto sa'yo?Dati ay halos ipangalandakan niya pa na hindi siya makakagusto sayo.. Ilang araw palang ang nakakalipas nong nagpupursigi siya kay Faye.. Tapos ikaw naman ang nililigawan niya? Sigurado kabang totoo ang nararamdaman niya para sa'yo?"natahimik ako sa sinabi niya.
Syempre nagugulahan.. pero...
Kapag nagmahal ka.. Kailangan mong sumugal.bKahit pa ang kapalit nito ay ang masaktan ka.
"Siguro ay ngayon niya lang na realize na nagkakagusto na pala siya sa'kin! Wag ka ngang nega, Bien."natatawa kong sabi.
Think positive lang, Coleen!
"Hindi ako nega..bAyoko lang na masaktan ka. He's probably courting you for revenge."
Revenge? Paano naman naging revenge yon? Wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya ah?
"N-nagkakamali ka yata ng inii—"hininto niya ang sasakyan.
"3 years ago.. nang nasa ibang bansa ako.. Naging kapitbahay namin ang pamilya nila. Naging magkaibigan kami.. Hanggang sa dumating ang araw na nagkagusto ako sa isang babae.. Si Anastacia.. Mahinhin siya pero malakas kung tumawa.. May pagkamaarte din siya.. "nakangiti si Erquine na para bang isa sa magandang alaala ang pagtatapo nila ni Anastacia.".. Ipinakilala ko siya kay Erquine.. Naging close sila dahil naging busy ako sa pag-aaral.. At dumating ang araw na pareho na pala kami ng nararamdaman para isang babae. Nagtapat siya.. Kaharap ako at si Anastacia.. Sa tingin mo, sinong pinili niya?"
Posible kayang...
Ngumiti ito."Ako.. Ako ang pinili niya.. Masaya ako no'n pero nakita ko kung paanong naging malungkot si Erquine.. Akala niya may gusto si Anastacia sa kanya dahil maganda ang trato nito.. Naging mas malapit din sila sa isa't-isa. Nagalit siya.. Kasi bakit daw ako ang pinili? Ano daw bang meron sa'kin?Sinisigurado ko lang na hindi ka niya ginagamit para lang maghiganti sa'kin.. Malay ko ba kung hindi pa pala siya nakakapag move on kay Anastacia at ginagawa lang kayong panakip butas ni Faye."
Naguguluhan ako..Naguguluhan ang utak ko.. pero ang puso ko.. Nananatiling matibay at matatag sa desisyong mahalin siya.
"Nabalitaan ko ring.. Nakabalik na si Anastacia."
Dapat na ba akong kabahan?
Totoo pa ba ang lahat ng ito?
Kung hindi sana ay gisingin na ako sa bangungot na 'to.
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3