Chapter 1

1.7K 30 2
                                    

Author's POV

Hi readers! First time kong magsulat at gumawa ng story kaya pag pasensyahan nyo na muna kung medyo lame. Hahahaha! Thankyou!! 😊😊

Enjoy reading!!

**************************

Tine's POV

Parang ang bilis ng tibok ng puso ko.

Parang kinikilig ako pag nagkakatinginan kami.

Pag ngumingiti sya nangingiti nadin ako.

Sakanya lang ako nakatingin. Parang kaming dalawa lang. Sya lang yung nakikita ko. 💜

Ito ba yung feeling ng may crush??

Crush ko na nga ba sya??

Btw, ako nga pala si Tine. Christine Aquino, 20 years old. Nagtatrabaho ako sa isang BPO company after kong makagraduate ng 2 years course. At meron akong napakakulit na bestfriend. Hindi naman since birth pero simula nung 3rd year high school kami.

Oo bestfriend kami. Pero di ko sinasadya na unti unti na pala akong nahuhulog sakanya.

FLASHBACK HIGH SCHOOL LIFE

*********************

District meet ngayon sa school at isa ako sa mga athlete na magrerepresent ng school namin. Captain ako ng volleyball womens kahit pa 3rd year palang ako. Hahaha!

Passion ko na kasi talaga. Kumbaga Volleyball is life ako. Pero hindi naman ako yung player na naglalaro lang dahil para makaligtas sa pagpasok, exams and projects. It runs through the blood since si mama and papa parehong player ng volleyball nung mga high school pa sila.

"Oh team! Kailangan na nating magready dahil tayo na ang sunod na maglalaro" sabi ng coach namin.

"Yes coach!" Sigaw naming buong team.

"Tine, kailangan ko ng tulong mo. Tulungan mo yung buong team na makapaglaro ng maayos. May tiwala naman ako sainyo na kayang kaya nyo sila" sabi sakin ni coach sabay tapik sa balikat ko.

Wala pang game pero pressured nako. Matagal na kasing di nananalo yung school namin e.

"Anak!" Salubong sakin ni papa kasama si mama at ang mga kapatid ko.

"Pa! Ma! Kinakabahan ako." Naiiyak kong sabi sabay yakap sakanila.

Unang game ko kasi to ngayong high school ako.

"Kayang kaya mo yan! Nakasuporta lang kami sayo at magdasal ka" Bilin naman ni mama.

Game time.

First game namin nanalo kami sa awa ng Diyos. Medyo nahirapan sa mga kalaban pero buti nalang talaga! Hahahaha!

Nakakatuwa na yung mga schoolmate namin nanunuod din at sumusuporta.

"Grabe! Akala ko malilintikan na tayo kanina. Init ng game" sabi ng isa sa mga kateam ko.

"Congrats girls! Sabi ko na e! Kayang kaya nyo sila!" Nakangiting sabi ni coach.

Pahinga lang ng konti at nagwarm up na kami ulit para makapaghanda sa next game namin.


Sa kalagitnaan ng game, aksidente na pagkablock ko sa kalaban pagbagsak ko naapakan ko yung paa nya kaya napahiga na ako sa court.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon