Chapter 10

294 15 0
                                    




Pagkakita ko sakanya parang humapdi ulit yung mga sugat na pilit ko pang pinapahilom.

Papalapit na sya sakin.

Di ko alam kung anong gagawin ko.

Di ko ikakaila na affected parin ako sa nangyare.


Masakit parin.

Di pa ko ready na makita at makausap sya ulit.

Sariwa parin sa alaala ko yung mga nangyare.



Natigil ako sa pagiisip nang hawakan ni Carlo yung kamay ko.


Napatingin tuloy ako sakanya. Nakababa na pala sila.


"Tine, babe, pwede ba tayong magusap saglit? Please?" Pagmamakaawa ni JM, hahawakan nya sana ang kamay ko pero hinila ako ni Carlo sa likod nya.


Magkaharap na silang dalawa ngayon.


"Pare wag kang makialam maguusap lang kami." Pagtulak ni JM kay Carlo para makita ako.


"JM utang na loob naman hayaan mo na sya." Nakahawak parin ang kamay nya sa kamay ko.


Feeling ko maiiyak nanaman ako. Ano ba yan napakaweak ko talagaaaaaaaa!


"Tine please naman oh, mahal na mahal parin kita. Ikaw lang talaga. Please, ayusin na natin to babe." Ang sakit marinig nung mga salitang yon. Dapat matuwa ako e, pero bat mas nasasaktan ako.


Kasi parang ayaw ng maniwala ng puso ko. Kasi kung talagang mahal nya ako una palang dapat hindi na nya ako sinaktan.


"Ayaw nyang makipagusap sayo. Hayaan mo na sya. Sobra mo syang nasaktan sa ginawa mo." Pilit pinapalayo ni Carlo si JM pero hindi sya umaalis.


"Sinabi ko bang ikaw yung gusto kong makausap? Ikaw ba si Tine? Problema namin to kaya wag kang makialam!!!" Akmang manununtok na si JM pero pinigilan ko sya.


"Sige, makikipagusap ako. Pero sandali lang." Batid ko pero ayaw akong bitawan ni Carlo.


Tinitigan ko sya na para bang sinasabi kong okay lang ako, na wag syang magalala.


"Sige, pero nandon lang ako. Hindi kita hahayaang magisa kasama yang lalake na yan." Sinamaan nya ng tingin si JM.


"Tangina mo JM ayusin mo. Di ako magdadalawang isip na basagin yang mukha mo." Tapos lumayo nadin sya, pero tanaw ko padin.








"Babe??" Pagsisimula nya.



"Babe please ayusin na natin to. Hindi ko alam paano magsisimula kung wala ka." Pagpapatuloy nya.



Hindi ako nagsasalita. Hindi ko na kasi alam kung anong isasagot sakanya.


"Babe, mahal na mahal na mahal na mahal kita! Please come back and be mine again." Pagkasabi nya non naiyak na sya. Lumuhod sya sa harap ko habang hawak yung mga kamay ko.



Hindi ko na alam. Wala nakong maramdaman kundi sakit at takot. Takot na baka masaktan ako ulit. Takot na baka ipagpalit ako ulit. Wala ng pagmamahal.



Ang sakit lang kasing malaman na hindi kapa sapat, na kahit anong gawin mo iiwan at iiwan ka padin. Magmahal ka man ng totoo pero masasaktan ka parin.



"Babe???" Hagulgol nya.



"JM, sorry pero ayoko na. Nasasaktan padin ako. At hindi na magiging masaya yung relationship natin kahit na bumalik pa ako sayo." Sagot ko.


Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon