Chapter 18

266 16 1
                                    

Papalapit sya sa akin ngayon.

Yung taong mahal na mahal ko.

Yung taong ilang beses ko ng sinaktan pero nagstay parin.

Paghawak nya sa kamay ko parang may kuryenteng dumaloy.

Hinila nya ako papalapit sakanya kaya sobrang lapit ng mga mukha namin.

Tinitigan nya ako at nagsimula na kaming magsayaw.

Maingat sya sa bawat paghakbang nya.

Nakangiti lang sya.

Nakakapit sya sa bewang ko habang ang mga kamay ko naman ay nakakapit sa leeg nya.

Naiilang ako pero nagfocus nalang ako sa sayaw.

Sinusundan namin yung kanta.

Parang ito yung gustong sabihin ng mga puso namin para sa isa't isa.

"It's like catching lightening, the chances of finding
Someone like you
It's one in a million, the chances of feeling
The way we do.

And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance?
(Can I have this dance?)
Can I have this dance?"

Parang nawala yung ibang tao sa paligid namin. Parang kami lang dalawa yung nasa stage ngayon.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Hawak nya ng mahigpit yung kamay ko at nagsimula syang magsalita nung nasa second verse na ng kanta.

"Humawak ka lang ng mahigpit sa kamay ko, at magtiwala ka na hindi kita bibitawan." Pagsisimula nya.

"Wag kang matakot. Matakot mahulog. Kasi kung sakali man na mahulog yung loob mo sakin wag kang magalala dahil sasaluhin kita." Pagpapatuloy nya.

Inikot nya ako at ngayon nakaback hug sya sakin.

"Walang sino man o ano man ang makakapaglayo sating dalawa. Kahit ikaw pa." Bulong nya sa tenga ko habang nakapatong yung ulo nya sa balikat ko.

Iniharap nya ako sakanya. Ganon din ang mga kasama ko sa mga partners nila.

"Kasi yung puso ko sayo lang tumitibok ng ganito." Tapos nilagay nya yung kamay ko sa puso nya. Ramdam ko yung bilis ng tibok nito.

"Ikaw lang ang mahal nito." Tapos binuhat nya ako which is kasama sa steps.

Inikot nya ako habang buhat buhat nya tapos lumugar kami sa gitna at nagpatuloy sa pagsayaw.

Kinakanta parin namin yung lyrics ng kanta.

"Kahit anong mangyare andito lang ako, magaantay ako sayo. Hanggang sa maging ready ka. Kahit gaano pa yan katagal." Nagsalita nanaman sya.

"Wag mo lang hilingin na layuan o iwasan kita. Kase masakit dito yon." Tinuro pa nya yung puso nya. Natawa tuloy ako.

Nagform na kami para sa pagtatapos ng sayaw.

Nasa harapan na kaming dalawa.

"Sana sa susunod hindi lang sayaw ang pwede kong hingin sayo. Kundi yang puso mo." Parang nanlambot yung tuhod ko dahil sa sinabi nya.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon