Chapter 4

412 18 0
                                    

Tine's POV

Sineryoso nga talaga ni JM yung panliligaw nya sakin. Pumunta sya sa bahay at nagpaalam ng maayos kina mama at papa. Luckily, pumayag sila. Basta wag lang daw nya akong sasaktan at lolokohin.

Mabait din tong si JM. Malayong malayo sa naging unang impression ko sakanya. Mukha kasing playboy e. 😁😁

Pero ang sweet nya at super gentleman. Everyday sinusundo nya ako sa bahay. Tapos pag uwian na inaantay nya ako since nauuna yung dismissal nila samin. 2hours lang naman syang nagaantay araw araw. Hahaha! At bilib naman ako sakanya dahil halatang pursigido sya na mapa oo ako. Haaaay JM. Almoooooost. 💚


JM's POV

Almost 4 months nakong nanliligaw kay Tine, at oo. Maghihintay ako kahit gaano katagal mapa oo ko lang sya. Ngayon lang yata ako tinamaan ng husto sa isang babae. Swerte ko napakilala na nya ako sa family nya dahil nga nagpaalam ako noon. At ngayon, siguro ito narin yung right time para tanungin ko sya.

Ngayon ang dating ng mama ko galing States dahil dun sya nakabase for business. Ang papa ko? Matagal na syang wala. Bata palang ako. Actually ako nalang at yung maid namin ang nakatira sa bahay. Yung dalawa ko kasing kuya pareho ng may mga sariling pamilya. Palagi kong ikinukwento si Tine kay mama, at halatang gustong gusto nya ito at excited na nyang mameet.

Papunta nako ng airport para sunduin sya and then paplanuhin na yung surprise ko para sakanya.

At exact 5am nakauwi na kami ni mama sa bahay. Tinext ko din si Tine na hindi ko na muna sya masusundo ngayon dahil may sakit ako, pero alibi ko lang yon. Wala talaga kaming pasok. Goodluck nalang at sana hindi sya magtaka. Hahaha!

Biglang nagbeep yung phone ko.

From Tine 💕:

"Hi! Goodmorning! Okay lang kung hindi mo ako masusundo. Ayos ka lang ba? Gusto mo pasyalan kita after school?"

Kaya mas lalo akong naiinlove sakanya. Kase napakasweet at caring nya.

Nireplyan ko nalang sya.

To Tine 💕:

"Beautiful, wag na po. Baka mahawa ka pa. You take care alright? Mamimiss kita ng isang araw."

Habang katext ko sya nakisuyo ako sa mga malalapit nyang friends at kinunchaba ko na sila about my secret plan pati nadin sa mga kateam at close friends ko. And yes! Buti pumayag sila. Nagpaalam nadin ako sa parents nya at sabi nila okay lang daw. Nakay Tine na daw and desisyon. Kinakabahan ako pero naeexcite. Sana maging maganda ang flow ng plano ko, at nireready ang sarili ko kung anong magiging sagot nya. Tatanggapin ko ng buong buo either a yes or a no. Pero sana YES. *crossed fingers*


Tine's POV

Di daw makakapasok si JM ngayon dahil may sakit, papasyalan ko sana pero sabi nya wag na daw at baka mahawa pa ko. May sakit na nga ako padin iniintindi nya. Haay. Kunwari di ako kinilig. Hahaha! 😬😍😊

Last subject at uwian na. Tamlay ng araw ko ngayon siguro kasi walang JM na nangungulit kapag break. Hahaha!

Tekaaaa....

Anoooooo....

Di ko sya namimiss nooooo....

Sinabi ko lang matamlay yung araw ko.....

Hahahahahaha!!

Uwian na. Nakakapagtaka kasi bigla nalang nagsilayas yung mababait kong mga kaibigan. Di man lang ako hinintay. 😑

Pagdaan ko sa may hallway nagulat ako kasi may nagaabot ng mga red roses sakin sinundan ko lang sila at narealize ko din na mga teammates ni JM to at yung iba friends nya. Andon din si Carlo, nginitian ko sya pero nagiwas sya ng tingin. Hala napano yon? Nakasungit mode nanaman.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon