Chapter 58

187 7 0
                                    




Carlo's POV


"Jam tama na!!" Sigaw ko sakanya. Si Jam na classmate ko since first year college, malapit kong kaibigan.





"Carlo ano bang mahirap intindihin sa salitang mahal kita??!" Humahagulgol nya akong tinignan.


Naaawa ako sa kanya.





Pero si Tine lang yung naiisip ko ngayon.


"Jam alam mo na girlfriend ko si Tine, at mahal na mahal ko siya. Parang kapatid na yung turing ko sayo. Please ayoko ng ganito. Ayoko. Hindi pwede." Mahinahon kong pagpapaintindi sakanya.


Sabi ko na nga ba e. Maling mali na sumama pako sa overnight namin na to. Paggising ko kasi wala yung mga kasama namin, namalengke daw. Tingin ko alam na nila na may ganitong mangyayari ngayon.


"Carlo, ako yung palaging nandyan para sayo kapag wala si Tine. Ako yung lagi mong kasama nung nawala siya. Ako yung nakakita ng mga kahinaan mo. Ako yung nandyan nung naging miserable ka. Ako yung sasamahan ka kahit umagahin pa tayo basta mabantayan ka lang sa inuman. Ako yung pupuntahan ka pa sa bahay niyo kapag tinatamad kana namang pumasok. Ako yung magpapalakas ng loob mo kapag kinakabahan ka o pinang hihinaan ka. Ako Carlo! Ako!!" Sumisigaw na siya. Pinagsususuntok nya yung dibdib ko.


Niyakap ko siya.


"Isa ka sa mga matalik kong kaibigan, pero hanggang doon lang talaga yung tingin ko sayo. Pagkakaibigan lang yung maibibigay ko sayo." Pilit ko siyang pinapatahan.





"Napakagago mo alam mo ba yon??!! Tangina Carlo mahal na mahal kita e! Pinapasunod nako nila mommy sa America nuon pa pero hindi ako pumayag kasi andito ka. Gusto kitang makasama. Gusto ko sabay tayong gagraduate. Pero wala e. Kahit ang daming pagkukulang ni Tine sayo sya at sya parin yung pipiliin mo." Di ko na alam kung ano pang sasabihin ko sakanya. Hindi ko alam kung paano magsisimulang magpaliwanag sakanya dahil alam kong masasaktan ko sya.


"Anong meron kay Tine na wala ako at hindi mo ko magawang mahalin??" Bakas na sa boses nya ang pagmamakaawa. Nakikita ko sa mga mata nya na sobrang nasasaktan na sya.


Hinawakan ko yung magkabila nyang balikat.


"Kasi sya si Christine at ikaw si Jamil. Magkaiba kayo. Mahal ko sya. Sobra. Wala nakong iba pang babaeng nakikita na makakasama habang buhay kundi sya lang. Mahal kita Jam, pero hindi katulad ng pagmamahal mo sa akin. Mahal kita bilang kapatid, kaibigan. Hanggang doon lang." Direkta sa mata ko syang tinignan.


Walang tigil sa pag-agos ang mga luha nya. Parang pinupunit yung puso ko.


Nagbuntong hininga sya atsaka seryosong tumitig sakin.


"Baka naman kasi magaling sya??! Ganon ba yon Carlo?!" Pasigaw nyang batid.


Natigilan ako sa sinabi nya.


Nagpintig yung tenga ko.


"Jam ayoko ng mga lumalabas sa bibig mo." Matigas at seryoso kong saad sakanya.


"Ano??! Yun ba yung hinahanap mo??! Halika dito! Subukan natin. Carlo ibibigay ko sayo iyon para mahalin mo na ako." She's so frustrated.


Nawala nalang ako sa pagiisip ng hilain nya ako palapit sakanya at nagdikit ang mga labi namin.


Sa sobrang pagkagulat ko napakapit ako sakanya, ganoon din sya sakin.


Parang nawalan ng lakas ang buong sistema ko para tumutol.











Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon