Tine's POV
"Wala ba talagang chance na mahalin mo din ako? Higit pa bilang bestfriend mo."
Natigil ako sa tanong nya.
Parang ayaw gumalaw ng sistema ko.
Ayaw ma process sa utak ko.
Parang nagiinit nanaman yung mga mata ko.
Gusto kong umiyak dahil bakas sa boses nya yung sakit na nararamdaman nya.
At kahit alam ko na yung sagot parang hindi ko parin masabi sakanya kasi natatakot ako.
Tangina bakit ba ganito kahirap?! 😭😭
Tumingin ako sa mga mata nya.
"Okay lang Tine kung hindi mo masagot. Baka mas masaktan ako kapag narinig ko yung isasagot mo." Ngumiti sya. Isang napakapait na ngiti tapos tumayo na sya at nagsimulang lumakad palayo.
Bumuhos yung mga luha kong kanina pa pinipigilan.
Ang hirap huminga sa ganitong sitwasyon.
Mahal ko sya pero sinasaktan ko sya.
😭😭😭😭😭😭😭😭
Carlo's POV
Kami nalang dalawa ni Tine yung naiwan sa tabing dagat after nung first activity namin.
Lahat kasi sila nagsitulog na dahil pagod sa byahe.
Hindi ko alam pero siguro dala nadin ng alcohol ng alak kaya nagkalakas loob akong tanungin sya.
"Wala ba talagang chance na mahalin mo din ako? Higit pa bilang bestfriend mo." Napansin kong natigil sya nang tanungin ko sya.
Alam kong anytime mawawasak yung puso ko sa magiging sagot nya pero kailangan, at gusto ko ding malaman.
Hindi sya umimik, tinignan nya ako sa mata.
Ang sakit.
Pero ayokong mahirapan sya o mapressure.
Okay ng ako nalang yung masaktan o mahirapan, wag lang si Tine.
Hindi ko na kaya pang pigilan yung mga luha ko kaya sinabi ko nalang na wag nalang nyang sagutin dahil baka mas masaktan lang ako sa magiging sagot nya.
Pinilit kong ngumiti kahit na sobra sobrang sakit na yung nararamdaman ko.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko lang makita nya akong ganito.
Putangina ang hapdi ng puso ko.
Kelan ba ako magmamanhid sa ganitong sakit?
Kasi pasakit ng pasakit.
Parang kutsilyo na dahan dahang itinutusok sa puso ko.
Ganito ba talaga ako kahirap mahalin? Kahit anong gawin ko wala padin.
Alam kong nagpromise ako sakanya na aantayin ko hanggang sa maging ready sya pero ang hirap.
Masaya naman ako na ganito kami e. Pero lintik wala akong makapitan o mapanghawakan.
Pero kahit pa iyakan ko sya ng iyakan sya padin talaga e. Sya lang. Ganito ko sya kamahal.
Napadpad ako sa isang bar.
Uminom lang ako magisa.
Wala nakong pakialam sa ano mang pwedeng mangyari sakin dito.
Gusto ko lang maginom ng maginom hanggang sa mawala yung sakit kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Teen FictionTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...