Tine's POV
Isang linggo na...
Isang linggo na akong naghihintay ng tawag at text mula sakanya.
Kailangan na kailangan ko pa naman sya ngayon dahil depressed ako.
Nagimmediate resignation ako sa trabaho dahil nagkasakit ako sa puso.
Hindi naman sya ganon kalala pero hindi ko na kaya yung puyat at stress kaya pinagpahinga na muna ako nila mama.
Ayoko naman syang kulitin dahil baka isipin nya masyado naman akong feeling. Haaaay!
Ang hirap ng ganito.
Naghihintay lang ako kung kailan sya makakaalala. :(((((
Makapagfacebook na nga lang.
Pagbukas ko ng account ko nagulat ako kasi biglang nagpop yung pangalan nya.
"Bessie! Kamusta ka naman?" Chat nya sa akin.
Excited ako na malungkot.
Ewan ko ba.
Pero matic na nireplyan ko sya.
"Eto okay naman. Ikaw ba?" Simpleng reply lang. Nakita kong nagseen sya.
Tapos...
Tapos...
Wala na.
Wala na akong reply na natanggap.
Pero online parin naman sya.
Masakit pala talagang maseenzoned.
💔💔💔💔💔💔
Bothered na tuloy ako.
Kaya naisipan kong ichat yung pinsan ko. Si ate Elai.
Pagcheck ko, buti online sya.
"Ateeeeeee!" Sent.
"Yes?" Agad naman syang nagreply.
"Ate kasi may problema ako. 😔" pagsisimula ko.
"Ano yon? Sige kwento lang." sagot naman nya.
"Hindi ba weird na magkagusto ka sa long time bestfriend mo?" Hindi ko dinerekta kaagad.
"Bakit naman weird? Atsaka sino ba? Yung bestfriend mo na kasama mo non sa bahay?" Panguusisa na nya. Ayaaaaan na. Kilalang kilala na talaga nya ako.
"Ahm. Oo ate. 😔" malungkot kong reply.
At ayun na nga. Ikinwento ko na sakanya kung paano kami nagsimula.
At kung anong estado namin ni Carlo ngayon.
Elai's POV
Nagchat sakin si Tine, at ramdam kong tungkol ito sa bestfriend nya. May nasesense kasi ako sa dalawang yon e. May iba. Parang may spark. Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Teen FictionTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...