Last game na namin.
At sa kasamaang palad natalo kami. Pero okay lang. Ginawa naman namin lahat ng makakaya namin e.
Yun nga lang, nakakapanghinayang. Andon na kasi e. Natalo pa.
Di ko napigilang di maluha.
Nung andon ako sa gilid biglang may nagaabot ng panyo sakin.
"Oh, wag ka ng umiyak. Laki laki mo na iyakin kapa din. Hahahaha!" Si Carlo pala.
Yabang naman neto. E natalo din naman sila. Pero nagpasalamat padin naman ako.
"Thankyou." Pagkasabi ko non umalis nako.
******************
Sa school hot topic padin yung nagdaang district meet. At yung mga classmate ko, di padin makamove on dun sa Carlo.
Lalo na si Kate. Oras oras nalang yata yung lalakeng yun ang topic namin.
Break time. Ewan ko bakit nagtitilian yung mga babae sa canteen, lumapit kami ng mga kaibigan ko at pagkakita namin andon pala yung Carlo.
"Nako! Tara na nga! Wag tayo dito! Parang mga tanga naman yang mga yan." Inis kong sabi sakanila.
"Dito lang tayo! Nagugutom nako nooooo! Ano lahat kami magaadjust para sayo kasi ayaw mo syang nakikita?!" Pagtataray ni Mae na kaibigan ko din.
Ayaw pa nilang aminin gusto lang din nilang makigulo don.
Next subject, inaantay lang naming lumabas yung mga estudyante na galing sa room na papasukan namin.
May hinahanap ako sa bag tapos may biglang bumunggo sa kamay ko.
As usual nakakunot yung kilay ko na hinanap kung sino yon.
Pagtingin ko nakangiti sya sakin ng nangiinis.
"Sorry, nakaharang kasi yung kamay mo e." Si Carlo pala. Lintik toooooooo! Nangiinis lang!
Inirapan ko nga.
Haaaaaay. Ano bang problema sakin non? Nakakainis.
SUPER FAST FORWARD
4th year high school!
Yeeeeees! Konting kembot nalang graduation naaaaaaa! :))))
Since varsity nga, andito kami sa gym ngayon para magtraining.
At ang galing lang kase yung mga volleyball men inunahan kami sa court. E ang pagkakaalam ko kami yung nakaschedule ngayon.
"Hi kuya Jhe! Itatanong ko lang sana kung dito din ba kayo magttraining?" Tanong ko dun sa trainer nila na kaibigan ko din.
"Sabi kasi ni Carlo nakausap nya si coach at dito daw kami ngayon." Sagot nya.
"CARLOOOO??! Perez?! Sya ba yung captain nila?!" Nakakunot kong tanong.
"Oo sya nga." Mabilis nyang sagot.
Nangiinis talaga yoooooon! Kami tuloy yung lalabas ngayon para magdrills lang.
Nung palabas kami ng gym nagkasalubong kami.
Sinamaan ko sya ng tingin.
Naghahanap talaga ng sakit sa katawan etong puro yabang na to!
After namin magtraining pumasok muna kami sa gym. Tambay lang. Sakto dumating yung mga classmates ko na barkada ko din. Meron pala silang natitipuhan sa mga volleyball men. JM Lopez yung pangalan.
Gwapo. Matangkad. Ang galing maglaro. Ganda ng mata. Mga ngipin. Tangos ng ilong. Haaaay. Spell perfect? J M L O P E Z. ❤️
At ayun nga sa mga nakaraang araw naging close sila nung kaibigan namin. Pero ang balita nagtry daw manligaw si JM pero nabusted. Ouch! 💔
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Teen FictionTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...