Tine's POV
Nasabi na samin nila Abby na madedelay daw yung paguwi namin kaya mageextend kami ng dalawang araw dito sa island. Sinabihan nadin nila kami na wag na daw magalala kasi nga nakapagpaalam na daw sila sa mga parents namin.
Naglalaro kami ngayon ng iba't ibang games. Hinati kami into two groups at ang game master namin si Khate.
Unfortunately hindi kami magkasangga ni Carlo. Hahahaha! Sad. Unang game namin Volleyball. Nanalo yung team nila Carlo.
At nung last game na tie breaker yung score namin, 2-2. Ang naisip nilang game is yung sumasayaw sa dyaryo tapos paliit ng paliit.
Magkalaban kami ngayon ni Carlo. Partner nya si Abby ako naman si Mark.
Nung una sobrang competitive nilang dalawa, ayaw talaga magpatalo. Hahaha! Ganon din naman kami ni Mark. Nung maliit nalang yung dyaryo naisipan ni Mark na buhatin ako. Akmang bubuhatin na nya ako nagsalita naman si Carlo.
"Sorry ah." Tapos binitiwan nya si Abby.
"Hoy Carlo ano ba yan!!" Suway ni Lawrence.
"Magpapatalo na kami, wag lang mo lang syang bubuhatin pare." Seryoso nyang sabi.
"Gago ka ba, ang matalo sila yung magluluto ng dinner." Paliwanag ni Jelo.
"Wag kayong magalala ako lang gagawa sa lahat ng parusa." Pagkasabi nya non pumunta na sya dun sa pinaglulutuan at nagsimula ng magprepare.
"Iba talaga si Carlo. Gagawin ang lahat!" Tumatawang sabi ni Mark.
Nginitian ko lang sya.
Napagpasyahan kong tulungan si Carlo.
"Huy, bat mo naman naisipang magpatalo? Sayang!" Ginulo ko yung buhok nya.
"Ayos lang na mapagod ako sa pagluluto kesa makita kitang hawak ng iba." Hinarap nya ako ng malawak yung ngiti.
"Weird mo talaga. Tulungan na nga kita!" At tinulungan ko na nga syang magluto.
Noong una ayaw pa nya, pero dahil hindi sya takot sakin...
Kaya ako parin yung nasunod. Hahahaha!'
Carlo's POV
Ilang araw nadin mula nung nakauwi kami galing Zambales at laking pasasalamat ko kasi walang nagbago saming dalawa ni Tine.
Nagtext sya sakin ngayon magkita daw kami dahil naiinip na sya sakanila.
Naligo lang ako at nagbihis na pagkatapos ay agad ko na syang sinundo sakanila.
"Aga mo ah! Pogi!" Bati nya sakin. Nagpogi sign tuloy ako sakanya. Hahahaha!
Pacute ba! 😂
"Syempre! Ako pa ba? Ganda mo ah! Sakin ka lang ah." Kinindatan ko sya.
Tinalikuran nya ako. Siguro mga sampung segundo tapos humarap nadin sya ulit.
"Daming alam!" Yun lang sinabi nya pero pulang pula yung mukha nya. Natawa tuloy ako. Hahaha!
Sige, iisipin ko nalang na hindi sya kinilig. 😁
Naglalakad na kami ngayon at gusto daw nyang pumunta sa mall.
Kumain lang kami tapos naglaro sa World of Fun.
Nagikot lang at nung medyo napagod at nagsawa na kami tumambay kami kung saan may fountain.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Novela JuvenilTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...