Pagalis nya ganadong ganado ako. Hahahahaha! Feel ko maglinis ng buong bahay. LOL. :D
Nagcheck ako ng phone at nakareceived ako ng message galing sakanya.
From Bessie Carlo:
"Homebound. Imissyou already. Sunduin kita mamaya ha?"
Pagkabasa ko kinilig nanaman ako. Hay! Ano pa bang gagawin nya ngayon na magpapakilig sakin?
Nireplyan ko nalang sya at itinabi na ang phone ko.
Kinagabihan tinawagan nya ako.
"Hello?" Pagsagot ko. Hindi pa sya nagsasalita pero nakangiti na ako.
"Hi love! Imissyou!" Biglang bati nya sakin. Damn this heart! Parang hinahabol nanaman sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Hahaha! Kakakita palang natin kanina e." Pagbibiro ko. Kunwari ayokong maniwala. :D
"See you in a bit. Maliligo lang ako. Wait for me love." Bilin nya sa akin. Lately palagi na nya kong tinatawag na Love. HMMMMMMMMMMMMMMMMMM.
"Love?" Tanong ko.
"Yes love?" Sagot naman nya.
Naku po.
*face palm*
"No, I mean love? Parang napapadalas na ang pagtawag mo sakin nyan." Tumatawa kong sabi.
"Because I LOVE you." Seryoso nyang sabi na nagpatigil sa sistema ko. Sheeeeeeez!!!
Di ko na alam kung paano ko pa idedescribe yung kilig ko.
"Kinikilig kana ba?" Pang iinis nya.
"Tse!" Protesta ko. Kahit na totoo naman. Hahahahaha!
"Maligo kana nga." Sunod ko pang sabi.
"Bakit? Excited kana bang makita ako love?" Nangiinis pa talaga sya. Hahahaha!
"Oo e. Miss na kita." Sinakyan ko yung trip nya. Haha!
Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya.
"Bessie??" Tawag ko sakanya. Bigla nalang kasi syang nawala e.
"Love, hindi na ako maliligo. Pupunta na ako dyan. I want to hug you." Pinatay na nya yung tawag. Loko loko talaga yon.
Pero siguro niloloko lang nya ako, yun pa! Hindi maliligo? Sus! Itaga mo sa bato.
Pero ilang minuto pa bumubusina na yung sasakyan nya sa labas.
So totoo nga?! Hindi nga sya naligo?!
Bumaba sya sa sasakyan nya ng nagmamadali at agad akong sinalubong.
"Nandito na ako. Miss mo parin ba ako?" Yakap nya sakin.
Tumango ako.
Narinig ko syang ngumisi.
"Di ka ba talaga naligo? Bakit ang bango mo?" Tanong ko sakanya nang tumatawa.
"No. Maaga akong naligo. Inaantay ko lang na matapos si Drei kanina nung tinawagan kita. Haha! Gusto kasi sana kitang surpresahin. Pero dahil miss mo naman ako kaya nagmadali nakong pumunta dito." Paliwanag nya sakin.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Ficção AdolescenteTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...