Chapter 19

274 13 2
                                    

Carlo's POV

Sobrang saya ko matapos yung naging performance namin ni Tine. Hahahaha! May mga ginawa ako na hindi na kasali sa steps pero yun yung gustong sabihin ng puso ko.

Sa sobrang pagmamahal ko sakanya nagiging korni na ako. Parang nawalan nga ako ng pakialam sa mga taong nanonood samin nung araw na yon. Kasi wala akong ibang nakikita kung hindi sya. Parang may mahika sya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Makita ko lang sya matic na mapapangiti na ako.

She is my one and only happy pill.

My only love.

My only princess.

My Tine.

Binigyan ko din sya ng blue rose, kasi sabi nila kung sino man daw ang magbigay ng blue rose sayo sya na ang magiging true love mo.

At gusto ko ako ang maging true love ni Tine. 💜

Nung sinabi nya sa akin na babawi sya pag naging maganda yung performance namin isa lang yung naisip ko. Aayain ko syang idate nya ako within 2 weeks. Sinabi ko sakanya na ganon katagal nya akong iniwasan kaya yon ang naisip ko pero ang totoo nyan gusto ko lang mas lalong iparamdam sakanya yung pagmamahal ko. Kahit pagmamahal ko nalang. Kahit ako lang yung nagmamahal. Gusto ko kasing sulitin lalo na malapit na yung graduation nila.

Natatakot ako.

Na baka hindi na kami magkita.

Ang saya ko lang at buti pumayag sya.

Saturday ngayon at gusto kong simulan na namin yung 2 weeks na pagdadate namin.

Papunta na ako sa bahay nila, aayain ko sana syang magmall ulit. Magsine, kumain sa mcdo, maglaro sa Tom's world at kung ano pa. Nung unang beses na magmall kasi kami dahil yon sa gago nyang ex. Ngayon magmamall kami para maenjoy yung company ng isa't isa.

Nagaantay ako ngayon sa sala nila, at pagkakita ko sakanya parang... parang...

Ano kasi....

Parang....

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang ganda nya.

Nakashorts at plain shirt lang sya pero bakit ganito yung epekto sakin?

"Huy!" Natauhan ako.

"Ang ganda mo." Wala sa sarili kong sabi.

Nagulat naman sya.

"Ahh-ahh ang ganda mo kasi talaga e." Nahihiya kong sabi. Di na tuloy ako makatingin sakanya.

Ano ba yan.

"Tara na?" Aya nya.

Nasa byahe na kami ngayon, kinuha ko yung kamay nya at hinawakan.

Nangiti ako, kasi parang ginawa yung kamay naming dalawa para sa isa't isa. Daaamn! Ang tamis ko nanaman!!

"Nangingiti ka dyan magisa?" Tanong ni Tine. Napatigil tuloy ako sa iniisip ko. Hahahaha!

"Ah, wala." Ngiti ko.

Pagdating namin ng mall, mas lalo kong di binitawan yung kamay nya. Yung mga lalake kasing nadadaanan namin panay ang tingin sakanya. Haaay. Mukhang lagi akong mapapaaway kapag kasama ko sya.

"Besty, namamawis na yung kamay ko. Pahanginan mo naman saglit." Tumatawang sabi niya.

"Ayoko nga. Baka mamaya bigla ka nalang agawin sakin ng mga lokong lalake na panay ang tingin sayo no!" Pagpapacute ko sakanya.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon