Carlo's POV
Hindi ako nagkamali ng taong minahal at hindi din ako nagsisisi na minamahal ko sya kahit pa wala akong mapala.
Pag nagmahal ka naman hindi ka magaantay ng kapalit e. Kahit pa hindi nya ako mahalin pabalik ayos lang, basta nasa tabi ko lang sya. Basta hindi sya mawawala. Hindi sya lalayo.
Natapos na nga yung 2 weeks na pagdadate namin ni Tine, pero walang nagbago. Naging mas close at komportable pa kami sa isa't isa. Lagi kaming magkasama sa kahit saan mang gala ng barkada.
Palagi nga kaming napagkakamalan na mag girlfriend-boyfriend ang sarap lang totohanin. Hahahaha!
Yung okay kami pero walang kami.
Kumbaga relasyong walang label. Ganon. Pero alam kong bestfriend padin ang tingin nya sakin. Sad.
Tine's POV
YAAAAAAAY!!! GRADUATION DAAAAAAY!!
Masaya na malungkot. Mamimiss ko kasi yung high school, mga classmates, bestfriends, teammates, teachers, at syempre pati si Carlo. Ang dami ko kasing memories na ittreasure. 😭
Kahapon nga dinadramahan nako ni Carlo kasi daw mamimiss nya ko. Pero speaking of him, di ko pa sya nakikita ngayon. Malapit ng magstart yung program. Sabi kasi nya sakin manunuod daw sya.
"CONGRATULATIONS GRADUATES!!" Bati samin nung principal namin tapos sabay sabay naming inihagis yung mga cap namin!
Goodbye high school life! Hello college life!
Nagyakapan at iyakan lang kami ng mga kaibigan ko.
"Grabe mamimiss ko kayo talaga! Please sama sama parin tayo sa college." Iyak ni Khate samin.
Niyakap ko sila ng mahigpit.
Grabe ang bilis ng panahon. Dati first day of school first year, halos di kami magpansinan netong mga to except kay Khate na since birth kaibigan ko na. Hahaha! Ngayon ayaw na naming maghiwa-hiwalay. Mamimiss ko silang talaga!!
"Ako rin mamimiss ko kayo! Nakakalungkot." Umiiyak nadin tong si Mae.
"Wag na kayong umiyak dyan, sayang make up no. Congratulations satin! We made it!" Sigaw ko sakanila. Lalo naman silang umiyak. Hahaha. Cute cute talaga ng mga bestfriend ko.
Picture taking lang tapos nilapitan na namin yung mga parents namin.
"Congratulations anak!" Mangiyak-ngiyak na bati sakin ni papa habang si papa ay nakangiti lang.
"Congrats po sainyo ma, pa! Kase graduate na tayo sa high school. College naman nyan. Pero para po ito sainyo." Niyakap ko sila.
Nagbatian lang yung mga parents namin at picture then lumabas nadin kami.
"Tine asan pala si Carlo?" Tanong ni mama.
Oo nga pala!! Asan na ba yon? Tapos na lahat lahat ahh.
"HI TITA, TITO!!" May sumigaw.
Boses palang alam ko na kung sino.
Nilingon ko sya.
"Oh Carlo, bat ngayon ka lang? Tapos na yung program." Biro ni papa.
"Pasensya na po, pero pwede ko po bang hiramin muna si Tine saglit?" Tapos kinindatan nya ako.
Hmp! Di ko sya bati!
"Ganon ba? Osige. Pero umuwi din kayo kaagad ha? May konting salo salo sa bahay. Chaka gabi nadin, magingat kayo." Bilin ni mama.
"Thankyou po tita!" Tapos nilingon nya si papa at nagmano na.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Teen FictionTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...