Chapter 9

308 15 0
                                    

Two weeks magmula ng maghiwalay kami ni JM, ang sakit parin pero pinipilit kong maging okay. Alam nadin ng family ko at oo, galit na galit sila. Pero sabi ko naman sakanila okay na ko pero ang totoo nasasaktan parin ako.



After kasi ng break up namin hindi na talaga sya nagparamdam, di ko nadin sya nakikita sa school. Kapag nakikita ko yung mga classmate nya tinatanong nila kung ano daw bang nangyari sakanya bat hindi sya pumapasok. Nagaalala ako pero wala nako sa posisyon para alamin pa yon.



Nagpalit ako ng number, inunfriend ko sya sa facebook pati yung mga kaibigan nya. Bitter oo, pasensya na nasaktan lang naman ako e. Sa tingin ko kasi mas madaling maka move on pag wala na kayong kahit na anong communication. Ayoko ding makakita ng mga update, or posts nya baka kasi makadagdag lang yon sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman in time, magiging okay din ako. Dapat lang akong masanay ulit sa mga bagay na ginagawa ko nang wala sya.












Nasa school na ako ngayon at sobrang aga ko pa pala, ngayon na kasi yung start ng training namin sa school na nagscout samin for Municipal meet. Habang nagaantay sa isa ko pang kateam na babae nakita ko yung mga volleyball men, nilapitan naman nila ako.


"Uy Tine sinong inaantay mo dyan? Aalis na tayo maya maya ahh." Bati sakin ni Lawrence.


Nakaclose ko naman na sila since palagi kaming magkakasama.


"Inaantay ko si Abby ang tagal kasi e." Tugon ko.


"Ahh, baka nalate lang yon samahan kana namin dito." Alok nya.


"Sige. Salamat! Kayo sino pa bang wala?" Tanong ko.


"As usual, si Carlo. Palagi namang late yon e." Sagot nya.


Natawa naman ako sa sinabi nya. Mga ilang minutong pagaantay lang dumating na sila Abby at Carlo tapos umalis nadin kami.


Ang layo pala ng school na pupuntahan namin ngayon, feeling ko nga wala na sa mapa tong lugar na to e. Magkakatabi kami nila Carlo at Abby sa loob ng tricycle. Napansin ko lang na medyo tahimik tong si Carlo ngayon. Mysterious mode nanaman sya.



Habang kinakausap ko ang sarili sa isip ko nagulat ako kasi bigla nalang sumigaw yung kasamahan namin na nagdadrive.


"Oh tol, anong nangyare?" Tanong ni Mark, isa rin sa mga volleyball men.


"Naflatan kasi tayo, bigat kasi ni Abby e." Pagbibiro ni Charlie kaya nagtawanan naman kami.


"Hoy anong mabigat ka dyan?! Sama mo ha!" Sigaw ni Abby.


"Uuuuuuuuuuyyyyyyyyyyy!!! Ganyan nagsimula yung lolo at lola kooooo" Kantyaw netong si Jelo sa dalawa.


Inirapan lang sila ni Abby. Hahaha!


"Tumigil na kayo dyan ang mabuti pa maglakad na tayo. Medyo malayo pa to, chaka nasa bukid tayo walang makakatulong satin dito. Tara na." Seryosong aya ni Carlo.


Problema kaya nito?? Napakaseryoso e.


"Haaaaa?? Maglalakad??? E napakainit tapos ang layo layo pa pala. Tawag nalang tayo ng tulong dun sa school." Reklamo ni Abby.


"Ayaw mong maglakad? Edi sige maiwan ka dyan." Pangiinis ni Charlie.


Nako nako! May naaamoy ako sa dalawang to. HAHAHAHAHA!!



Kinuha na namin yung mga bag namin at nagsimula ng maglakad, si Mark at Lawrence naman tinulak yung motor.


Sobraaaaaaaaaang init at layo nga. Wala pa man kami sa kalahati pero pagod na pagod nako. Kaya napatigil ako.


Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon