Last training day, nasa school na kami ngayon para magmeeting. Hindi na kami dun sa malayong school magttraining kundi dito na sa school namin dahil dito daw gagawin yung Municipal meet, para nadin daw magamay namin yung court.
After ng meeting namin wala paring Carlo na dumadating, ano na kayang nangyari don. Haaaay. Konsensya to the max ako pag nagkataon.
Magstart na kami ng training at nakita ko na syang papalapit samin, poker face. The same old Carlo.
Parang hindi nga nya ako nakita e, expect ko naman na ganito yung mangyayari kasi nasaktan sya, nareject.
Hinayaan ko nalang muna sya at magfofocus nalang ako sa training.
Carlo's POV
After nung naging pagamin ko kay Tine parang nawala yung pagiging positive ko sa sarili. HAHAHAHA! Tangina ang sakit kasi.
She's so damn near yet so far.
Naiintindihan ko naman na hindi pa sya ready, kaya kahit sobrang sakit marinig sakanya na hindi nya pa ako kayang mahalin tinanggap ko nalang. Wala din naman kasi akong choice.
It felt like they fucking stabbed me a thousand times directly through my poor heart.
Yung wala kang magawa para matanggal yung sakit. Maiiyak ka nalang talaga e.
After ko syang ihatid hindi ko napigilan pero naiyak nanaman ako. Tanginang mga mata kasi to e, ayaw magtigil. Nakakainis kasi para tuloy akong bading na naiwanan ng jowa.
Ang hapdi mga tol.
Dumiretso ako sa bahay nila Charlie at inaya ko syang maginom. Alam ko may training pa bukas pero bahala na. Chill na inom lang naman at wala akong balak magwalwal no.
Dun ko inilabas lahat. Lahat nung sakit. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, ang tagal kong inipon yung lakas ng loob ko para masabi to sakanya.
Umiiyak ako ngayon sa harap ng kaibigan ko. Hahahahaha! Putangina! Ang sakit sakit talaga!
Paggising ko 10am na pala, pucha!! Late nako. Lagot! Ni hindi ko na inisip kung paano ba ako nakauwi dahil sa pagmamadali ko.
Pagdating ko ng school pastart na sila ng training. Nakita ko si Tine pero di ako makatingin sakanya, di ko kasi alam kung paano ko sya babatiin. Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa matapos yung training.
Wala pang nagtatangkang kausapin ako magmula kanina kasi siguro nakakatakot yung aura ko ngayon. Broken lang ako pero di ako papatay ng tao. Hahahaha!
At nung nagkaayan kaming magkakateam na kumain sa labas wala padin akong imik. Kasama ko lang si Charlie na bangag na bangag din ngayon. Hindi padin kami nagiimikan ni Tine.
"Parang may LQ ata ngayong araw ahhhh??" Gago talaga tong si Jelo.
"Oo nga noooooooooo, di naguusap at hindi din magkatabi. Aba bago to ah." Panggagatong pa netong si Lawrence.
Di kasi kami magkatabi ni Tine ng upuan, pero may vacant seat pa naman dun sa tabi nya at nung nakita kong padating si Mark at parang tatabihan nya si Tine inunahan ko na sya.
Asa naman syang hahayaan kong makatabi nya si Tine.
"Woaaaah! So possesive boyfriend mode ka nanaman Carlo?" Pangiinis ni Mark nung makaupo sya.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Novela JuvenilTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...