Chapter 49

203 12 1
                                    


Elai's POV


Matapos yung huling pagkikita namin ni Glenn hindi na sya nagparamdam sakin. Ni hindi man nya ako tinext o tinawagan kung bakit ako biglang nawala. 


Ang sakit lang isipin na hindi sya nag atubiling magalala sakin o kamustahin man lang ako.


Napapikit ako ng mariin.


Naalala ko nanaman yung itsura nya nung alalang alala sya kay Angel.


May masakit sa bandang puso ko.


Nagiinit yung mga mata ko.


Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili sa salamin.


"Ano bang meron kay Angel na wala sakin? Bakit ba hindi nya ako magawang mahalin??" Pagkausap ko sa sarili.


Pumatak na ang mga luha ko.


Hinayaan ko lang sila sa pag agos sa aking pisngi.


Natigilan ako ng marinig ang aking cellphone at pagtingin ko sya pala yung tumatawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba.


Pero hindi ko parin sya natiis at sinagot ko.


Huminga ako ng malalim at inayos ang aking boses para hindi nya mahalata.


"H-hello?" Pagsagot ko.


"Elai!! I have a good news to you!!" Masayang masaya yung boses nya sa kabilang linya.


"A-ano yon?" Tanong ko na pinipilit maging masaya.


"Guess what?! Kami na ulit ni Angel!!!" Halata ko sa boses nya na masayang masaya talaga sya. Iniimagine ko pa sya ngayon na ngiting ngiti.


Di ko napigilan at naiyak nanaman ako.


Hindi ako nakaimik sa sinabi nya.


"T-talaga?? Congrats! I'm happy for you bestfriend!" Piit kong sabi at iniiwasang mabasag ang aking boses.


"I want to surprise her, I need your help. Geez! Hindi ko alam kung paano ko ieexpress sakanya how grateful and thankful I'am right now. Elai, ngayon nalang ako naging ganito kasaya ulit. Ang sarap sa pakiramdam. Worth it yung paghihintay ko sakanya." Habang sinasabi nya ito ng masaya ako naman unti unting nadudurog. Yung puso ko parang isang libong beses na sinaksak at tinapakan.


Masayang masaya sya. Iyon nga lang hindi sakin, kundi sa piling ng iba. 


"Okay sure, I'll help you. But Glenn I really need to go. Congrats ulit!" Paalam ko sakanya. Hindi ko na kasi kayang pigilan pa yung nararamdaman ko.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon