"Bessie!! Pang third kami!!!" Masayang balita sakin ni Carlo habang magkausap kami sa phone.Nagising ako sa tawag nya.
"Wooow! Best congrats! I'm so proud of you!!" Nakangiti kong sabi. Sayang!! Sana andon ako para makita yung reaksyon nya kung gaano sya kasaya. At sana nakita din nya kung gaano ako kaproud sakanya.
Nagkwento pa sya ng nagkwento nang mga kaganapan sa league at ako naman masayang nakikinig sakanya. Atleast, ngayon ramdam kong wala ng tampuhan sa pagitan namin.
"Opano bes? Kailangan na kami para sa awarding. I'll go straight to your house once we get back there. Gotta go now! Iloveyou!" Mabilis nyang sabi at akmang sasagot pa sana ako pero inend na pala nya yung tawag.
Pinilit ko pa sanang matulog ulit pero hind na ako makatulog. Nakailang ikot na ako sa kama pero wala parin. Malamang puyat nanaman ako mamaya neto sa trabaho.
*face palm*
Carlo's POV
ANG SAYA!!!
Ang saya ko ngayong araw!
Kase imagine ang lalakas ng mga sumali sa vleague na to pero pang third pa kami. Sa sobrang saya ko agad kong tinawagan si Tine para ibalita sakanya.
Tuwang tuwa naman sya. Nagpapasorry pa nga kasi daw wala sya dito ngayon. Pero naiintindihan ko na kasi kailangan nyang magtrabaho. Tinutulungan nya kasi yung parents nya sa pagpapaaral ng mga kapatid nya.
Habang nagkekwentuhan kami nila Charlie may mga babaeng lumapit sa akin.
"Hi po kuya. Ang galing galing nyo kanina!!!" Nahihiyang sabi nung babae na medyo morena habang kinukurot yung kaibigan nya. Natawa ako nang makita yon.
Nginitian ko sila.
"Congrats!" Sabi naman nung isa. Maganda sya, maputi, mukhang mayaman. Pero di ko type. Haha!
"Thankyou." Sagot ko sakanila tapos nakipagshake hands pa sila.
"Kuya pwedeng picturan ko kayo netong kaibigan ko??" Tanong sakin nung isa pa nilang kaibigan na may katangkaran. Ang tinutukoy nya e yung maganda nilang kaibigan.
Tinanguan ko lang sila at nginitian.
Naghahablutan na sila ng mga damit. -_-
"Dali na kasi Jai!" Pamimilit nila sa kaibigan.
"Nahihiya ako e." Protesta nung maganda. Jai pala pangalan nya.
"Sorry kuya ha? Nahihiya kasi sya e, crush ka kasi nya." Bulong sakin nung medyo morena. Tapos sinamaan na ng tingin yung Jai kaya napilitan nadin sya.
"Lagot ka kay Tine." Biglang bulong sakin ni Mae nang papalapit na sakin si Jai.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nung marealize ko. Pero huli na kasi nasa tabi ko na ngayon si Jai. Nakakahiya naman kung humindi pa ako.
Mageexplain nalang ako sakanya.
"Okay. 1... 2... 3..." bilang nung kaibigan nya.
Di ko alam kung ngingiti ba ako o ano. Damn it! Inisip ko nalang na malabong makita yon ni Tine. Syempre hindi naman nila ako friend sa facebook kaya di nila matatag sakin.
Pagkatapos kaming picturan nagpasalamat sila sa akin at nagpaalam sa mga kaibigan ko.
"Uy thankyou ah! Nice meeting you..." Masayang sabi ni Jai. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag pakilala sakanila.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsTalaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag kakaibigan isa pala sainyo ay lihim ng nagmamahal? Kung nahulog na yung loob mo sa bestfriend mo, may lakas ka ba ng loob para aminin ito s...