Chapter 12

280 15 1
                                    

Pagkagising ko gumugulo padin sa isip ko yung tungkol kay Carlo, pero bat nga naman ako magpapaapekto e wala naman syang sinasabi. Hahahahaha! Ang tanga ko talaga. Ayan nagassume na ako. LOL






Pagdating ko sa school sya kaagad yung nakita ko, ano ba naman to Lord. Iiwas sana ako kaso nakonsensya naman ako. Isang ganito kagwapo ba naman ang babati sayo ng goodmorning tapos nakasmile pa. Hihihihi!


"Goodmorning best!" Bati nya ng nakangiti.


"Goodmorning! Asan sila Abby??" Tanong ko.


"Wala pa sila e." Tipid nyang sagot.


"Himala ang aga mo ngayon?? Dati palaging ikaw yung pinakalast na dumadating." Biro ko. Totoo naman e. Hahahaha!


"Para agad kitang makita." Seryoso nyang sagot tapos tumawa ako. Pucha kinilig ako pero awkward.



"Alam mo ikaw ang bolero mo." Hahahahahaha! Tumatawa kong sabi.


"Seryoso kasi ako. Hay!" Tapos bigla nalang akong iniwan.


Ohhhhhhhhhhhh, naoffend ko ba sya?



Hinabol ko nga.



"Best joke lang! Ikaw naman e! Tampo kagad!" Kiniliti ko sya pero dedma lang.


Sakto naman dumating nadin yung iba naming kasama. Saved by the bell bruuuuuh! :D





Hindi padin ako pinapansin ni Carlo, napikon ko ba sya??


*poke*


"Pogi! Sorry na."


*poke* *poke*


Dedma padin ang lolo nyo. Hala seryoso nga yata talaga sya.





Nakadating nakami sa school pero di padin ako pansin ng isang to.


"LQ kayo??" Tanong ni Abby.


"Anong LQ ka dyan. Ewan ko ba dito, nagtatampo yata."


"Ikaw naman kasi e." Biro nya.





Nung pasimula na kami biglang nagring yung phone ko.


*Khate calling*


"Yes beshu?" Sagot ko.


"Beshu, ngayon daw ang practicum mo sa cooking, balik ka ng school before 1pm." Pagiinform nya.


"Ay totoo?? Osige babalik nalang ako. Thankyou for informing. See yaaaaaah!" Then inend ko na yung call.





"Anong babalik sa school?? Bakit?" Tanong ni Carlo. Nakikinig ba sya? Hahahaha!


"Ah kase practicum ko daw ngayon sa cooking kelangan kong bumalik ng school before 1pm." Paliwanag ko habang nagaayos ng gamit.


"Nako e 5pm pa dadating yung service natin e. Wala ka namang masasakyan dito nyan or pwede kaso mahal." Sabat ni Lawrence.


"Ihahatid kita." Prisinta nung isa sa mga volleyball men na taga dito.


"Di tayo pwedeng umalis kase papagalitan tayo ni coach." Sabi pa nung isa na di ko alam yung pangalan.


"Pwede kitang ipahatid sa boyfriend ko." Alok ni Freedom.


"Okay lang ba sis??" Paninigurado ko tapos tinanguan nya ko.


Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon