I

4.6K 131 6
                                    


"Ma!" tawag pansin ko sa aking ina na busy sa pagluluto sa aming maliit na kusina. Lumingon naman ito sa akin habang hawak- hawak pa neto ang sandok na ginagamit niya sa paghahalo sa lugaw na kanyang niluluto.

"Ano na naman bang kailangan mong bata ka?" mataas na boses na sigaw neto sa akin. Napangiwi naman ako, at nag- aalangan magsalita sa kanyang harapan.

"Oh ano? Tutunganga ka nalang?" napayuko ako at nilaro- laro ko yung kamay ko. Paano ko to sasabihin kay ina? Tsk, bahala na nga.

"Aalis po ako, hahanap ng pambili ng pagkain natin." Mahinang sambit ko. Napapikit pa ako ng aking mata kasi baka bigla na naman siyang sumigaw pero lumipas lang ang ilang Segundo at narinig ko siyang magsalita.

"Sige, basta bumalik ka dito agad bago mag hapunan hah."

Napa- angat naman ako ng tingin at napangiti. Masayang tumango ako sa kanya at naglakad na papunta sa maliit naming pintu-an.

Salamat naman at hindi niya muna ako pinagalitan.

Ako si Michaela Santos o kilala bilang "mikey" dito sa lugar namin. Isang simpleng mamamayan na nakatira dito sa maliit na bahay sa squatters area. Walang mga kamag- anak at tanging kaming dalawa lamang ni ina ang magkasama. Wala din akong mga kapatid at namatay na ang aking ama.

Kung tatanungin niyo ako kung paano namatay ang aking ama ay hindi ko alam at wala na akong plano na alamin pa iyun dahil ika ka nila past is past at uso ang move- on kaya yan ang ginagawa ko.

Hindi naman kami mabubuhay ni ina kapag nagtanim ako ng galit at puot sa kung sino man o anumang rason ng pagkamatay ni ama. Kung iiyak lang ako at magpapaburo ay hindi din naman ako mabubusog kaya dapat talaga na life goes on.

"Mikey, dito!" napabaling ang aking ulo sa gilid ko ng marinig ko ang sigaw ni totong.

Naglakad nalang ako palapit sa kanya at nag apir kami ng magkaharapan na kami. Si totong siya ay isa sa mga kaibigan ko dito sa lugar namin. At siya din ang palagi kong kasama tuwing naghahanap kami ng pweding pagkakita-an.

"may raket ba tayo ngayon?" tanong ko dito. Ngumiti naman siya sa akin ng malawak at inakbayan ako.

"oo, tamang- tama lang talaga ang dating mo. Susunduin pa naman sana kita doon sa bahay niyo." Ngiting pahayag neto sa akin. Kinuha ko naman ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin at inayos nalang ang aking bull cap na itim na may disenyong marijuana.

"Oh, ano pa ang tinatanga natin dito? Tara na kung ganun." Utas ko sa kanya kaya napakamot nalang siya sa kanyang ulo.

"oo na, atat ka talaga mikey." Sambit pa neto sa akin at nauna nang maglakad.

"Anong raket natin?" ngiting pahayag ko sa kanya ng bigla siyang mapahinto at may kinuhang isang back pack na nasa madilim na parte ng tambayan namin.

"Delivery, doon sa may lumang pier." Sambit neto na tinatangohan ko naman habang sinuot na niya ang back pack na iyon.

Kinuha ko nalang ang aking lollipop at binalatan at sinubo ito. Hindi ako nawawalan ng lollipop ito ang aking best friend at sigurado akong hindi ako iiwan ng lollipop ko, kung iiwan man niya ako sigurado akong end of the world na.

Alam ko naman kung anong laman ng back pack na yan eh. Hindi naman kasi ako isang inosenteng bata na walang ka muwang- muwang sa totoong mundo. At isa pa, aaminin ko na ang aming mga raket ay hindi pangkaraniwang raket.

Anong magagawa ko eh, hindi kami nakapagtapos ng elementarya at wala na akong balak na mag- aral pa dahil una sa lahat wala nga kaming pagkain eh, mag- aaral pa ba ako para dagdag sa gastos? Tsk.

Malapit na kami sa lumang pier at nakikita ko na ang dalawang itim na kotse na naghihintay sa amin doon. Tahimik lang kaming naglakad palapit sa kanila at nakita ko nalang ang pagbukas ng mga pintu-an ng dalawang kotse at lumabas doon ang ilang mga kalalakihan kasama na ang isang medyo katandaang lalaking naka itim na tuxedo.

"Where is it?" malamig na tanong ng naka tuxedo ng makalapit na kami sa kanila. Napaupo naman ako sa isang malaking lumang angkla na nasa sahig habang tinutukod ko ang isang braso ko sa aking tuhod habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa stick ng lollipop ko.

Hinubad naman ni totong ang back pack at nilahad ito sa kanila, lumapit naman ang isang malaking mama na siguro ay BG ng matandang iyon at kinuha ang back pack. Lumapit naman agad ang isa pang lalaki at binuksan ang back pack at pinakita ito sa matandang naka tuxedo.

Tumango naman ang matanda at lumingon sa isang pang lalaki. May kinuhang isang brown na back pack ang lalaking iyon at inabot ito kay totong. Binuksan naman ni totong ang back pack at sinirado ito at tumango na doon sa matanda.

Tumayo na ako sa kinauupu-an ko ng makitang naglalakad na si totong papunta sa direksyon ko habang pumasok na sa isang kotse ang matanda at ang tatlo netong kasama at nauna nang umalis sa lugar. Napataas naman ang isang kilay ko ng makitang pumasok ang dalawang lalaki sa natitirang kotse at nasa labas naman ang dalawa pa.

Mabilis kong hinigit si totong ng makalapit na ito sa akin at tumakbo ng Makita ko ang pagngisi ng isang lalaking naiwan.

"Fuck!" mura ko ng marinig ko ang sunod- sunod na putok ng baril. Sabi ko na nga ba at iba ang mangyayari ng Makita kong naiwan pa ang isang kotse.

"Bwesit na buhay ito oh, kung hindi lang sana malaki ang makukuha ko sa raket na ito ay di ko tatanggapin." Inis na sigaw ni totong habang tumatakbo kami sa iba't- ibang bahagi ng lumang pier na ito. Hinahabol pa din kasi kami ng dalawang lalaki at pinapaputukan ng baril habang naririnig ko na ang pag ingay ng kotse nila na siyang ding nakasunod sa amin.

"Gago, tumahimik ka!" singhal ko sa kanya habang lumiko kami sa isang lumang malaking cargo box. Sunod- sunod naman na putok ng baril ang aking narinig at ang mahinang daing ni totong.

Napalaki ako ng aking mga mata ng makitang nagdurugo ang kanang balikat ni totong. Mabilis ko namang kinuha sa kanya ang back pack at sinuot ito para hindi na siya mahirapan.

"Bwesit, pagnakaalis tayo dito ng buhay magpakalayo- layo kana totong dahil sigurado akong babalikan tayo ng mga lalaking iyon dahil sa nakita nila ang iyong mukha." Mahinang sabi ko sa kanya habang hinahawakan na niya ang kanyang balikat na dumudugo.

Napasilip naman ako at mabilis kong hinawakan sa kamay si totong at tumakbo papunta sa isang sirang cargo box na hindi kalayu-an sa amin.

May nakita naman akong isang mahabang bakal na may kalawang pa kaya kinuha ko yun. Hindi naman siya kahaba-an talaga parang kasing laki at haba lang ito ng isang baseball bat. Sumilip ako ulit at nakita kong nakatalikod sa direksyon namin ang isang lalaking may dalang baril, hindi ko naman nakita ang kasama neto kaya dahan- dahan akong pumunta sa likuran niya at malakas kong hinataw ng bakal sa ulo dahilan para tumabingi ang ulo neto at narinig ko pa ang pagbali ng kanyang buto sa leeg. Damn, napalakas ko ata ang paghataw.

Binitawan ko naman ng mabilis ang bakal at dali- daling kinuha ang baril ng lalaking tumba na.

Puta, masama na to, masamang- masama.


--------------------------------------------------------------------------------------

Hello guys, new story po!! hehehehe',.

Di ko talaga matiis di mag UD dito. hehehe',. ito po mag po- post po ako ng hanggang chapter 3 dito. Abangan niyo nalang po ang mga susunod na chapters kapag di na po ako busy.


So ito nga,. please, sa lahat po ng mga supporters ko kung meron man at sa lahat po nang mga magbabasa at nagbabasa netong story. Welcome po!!

At sa mga silent readers diyan, hello sa inyong lahat. Ang kyut na author ay nagbabalik na at sa ksamaang palad ay mawawala din paminsan- minsan.

Pero, don't worry. sisikapin ko po talagang makapag update dito kung sakaling may free time po ako, yun lang po.


Please, do vote, comment and share guys. Thanks.. :)

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon