IV

2.9K 105 14
                                    


Makaraan ang ilang araw ay nailibing na si inay, tatlong araw ko lang siyang hinaya dahil sa wala naman na kaming mga kamag- anak at tanging mga kapit- bahay lang namin ang pumunta sa kanyang burol.

Napagdesisyunan ko na din na iwan at umalis sa lugar na ito kahit na maraming mga memories kami na nandito. Kailangan ko na kasing mag move- on at hindi ko yun makakaya kapag nanatili pa ako dito.

Pagkatapos ng libing ni inay ay umalis na ako, mabuti nalang at isang malaking travelling bag lang ang dala ko at isang backpack na naglalaman ng mga pera at importanteng mga bagay.

Gamit ang pera ko sa bangko ay nakakuha ako ng maliit na bahay na nasa isang maliit na bayan. Tamang- tama lang ang bahay na ito para sa akin, mayroon itong dalawang silid at isang banyo na malapit sa kusina at katamtamang laki na sala. Bungalow lang ang bahay na ito at ang kailangan ko lang bilhin ay ang mga kagamitan sa loob.

Mabuti nalang nga at mayroon na iyong tag- iisang kamang medyo may kalakihan sa mga silid at isang malaking cabinet na lagayan ng mga damit. May sofa set na din at mga upu-an at lamesa sa kusina.

Inayos ko na ang mga gamit ko at napagdesisyunan ko na bumili mamaya ng mga unan at mga stock at kakailanganin ko para sa bagong simula. Bibili na din ako ng cellphone ko, haist napabuntong hininga nalang ako ng matapos ko ang pag- aayos at napaupo ako sa lapag ng silid ko.

Sinabutan ko ang aking sarili at wala sa loob kong tingnan ang mga bagay na nasa aking harapan.

Pera, isang netbook, isang ballpen, isang maliit na notebook at isang baril. Kinuha ko ang baril at sinuri ito, ito ang baril na nakuha ko noon sa aming delivery. Kung titingnan mo ito ay parang pakaraniwang baril lamang ito pero ang pinagkataka ko ay ang maliit na simbolo na nakaukit sa hawakan ng baril. Isang maliit na ahas ang nakaukit doon.

Kinuha ko ang ballpen at ang maliit na notebook at ginaya ko ang ahas na iyon at di- nrawing ko ito. Bumuntong hininga ulit ako at tinago na ang mga bagay na iyon. Nilagay ko sa wooden box ang baril at nilagay ito sa loob ng cabinet ko habang nilagay ko naman ang netbook sa isang maliit na mesa na nasa gilid ng silid. Kasama neto ang ballpen at ang maliit na notebook.

Kinuha ko naman ang pera at dumiretso ng lumabas ng bahay. Ni- lock ko lang iyon at naglakad na. Bibili ako ng mga kagamitan.

Makalipas ang dalawang oras ay nakabalik na ako sa bahay. Nahirapan pa kasi akong maghanap ng mga ilang gamit sa hardware para sa aking gagawin mamaya. Lalagyan ko lang naman kasi ng ilang mga secret compartments ang bahay ko. Inuna ko munang ayusin ang mga pagkaing binili ko at mabuti lang nga talaga at nasama sa bahay na ito ang ilang mga appliances tulad ng washing machine, ref, at tv set.

Pagkatapos kong ayusin ang mga iyun ay sinimulan ko namang lagyan ng mga secret compartment ang bahay.

Limang oras ata ang ginugol ko ng makatapos na ako, naligo muna ako at habang pinapatuyo ko ang mahabang itim na buhok ko ay binuksan ko naman ang aking netbook. Damn, kahit hindi ako nakapag- aral ay alam ko ang mga bagay tungkol dito dahil sa isang nilalang na nagturo sa akin.

At speaking of that damn man, kailangan ko na sigurong bisitahin iyon. Kamusta na kaya ang matandang iyon? Buhay pa kaya siya? Hmmm...

---------------------

Hindi ko alam kung tama ba itong lugar na pinuntahan ko. Pero tandang- tanda ko pa ang lugar na ito noon. Noong dinala niya ako dito at tinuru-an at ti- rain. Ito pa din ang kanyang mansyon at walang pinagbago iyun.

Lumapit ako sa isang mamang tagabantay sa kanyang gate, napailing nalang ako ng Makita kong tinutukan niya ako ng baril. Tinaas ko lang ang aking dalawang kamay sa tila sumusuko pero hanggang balikat ko lang iyon. Nang medyo malapit na ako sa kanya ay hinarap ko sa kanya ang likuran ng aking kamay.

Bigla namang nanlalaki ang kanyang mga mata at dali- daling binaba ang kanyang baril at yumuko sa harap ko. Tinapik ko lamang ang balikat niya at diretso na akong naglakad sa harapan ng gate ilang sandali lang ay nabuksan ang malaking gate na iyon at pumasok na ako.

Ganyan kami dito, walang salita- salita kapag nalapit kana sa gate. Dalawang bagay lang naman kasi ang mangyayari sayo dito eh, yun ay ang mamatay ka o makapasok ka ng buhay sa loob.

"Mikey!!" napahinto ako sa paglalakad papunta sa harap ng malaking pintu-an ng mansyon ng biglang bumukas iyon at iluwa nun ang isang matandang inuugod- ugod na namay malaking ngiti sa mga labi at nakadapa pa ang dalawang kamay na tila gusto akong yakapin.

Napangiwi naman ako habang mabilis siyang lumapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

"Oh, I miss you mikey. Ang tagal mo na kasi akong hindi binibisita dito. Nakakatampo kana apo hah." Nagtatampong saad neto sa akin.

"oh please, old man. Bitawan mo nga ako!" bulalas ko.

Nagpout naman ito at parang batang binitawan ako, napangiwi naman ako sa tinuran niya at napakamot nalang sa aking ulo.

"I miss you too, old man." Mahinang bulong ko dito kaya napalaki bigla ang kanyang mukha.

"hahaha.. i know, mikey. I know." Masayang sambit neto at inakbayan niya ako at ginaya papasok sa loob ng mansyon. Bigla namang napahinto at yumuko ang mga taong nasa loob ng mansyon ng Makita kami ng matandang ito.

"So, anong kailangan mo?" ngiting tanong neto sa akin ng makarating na kami sa kanyang office. Kilala na talaga ako ng matandang ito ah.

Kinuha ko ang isang punit na piraso ng papel at binigay iyon sa kanya. Kinuha naman niya iyon at tiningnan pagkatapos ay humarap siya sa akin.

"Ahh,. So ngayon napagdesisyunan mo nang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang mo?" tanong neto sa akin.

"Hindi ko na kaya, uubusin ko sila. Si inay lang naman ang pumipigil sa akin, siya lang. At ngayong wala na siya ay wala na akong rason para hindi sila pagbayarin." Galit na saad ko dito. Hindi ko na talaga kaya, hindi ako tanga para hindi malaman na sila ang pumatay sa aking mga magulang. Isang dating gangster ang aking ama at isa namang basagulera ang aking ina. May nakalabang delikadong tao noon sina ama at ka gang niya at aksidenteng nilang napatay ang anak ng isang mafia lord kaya naghigante sila at pinatay nila lahat ng mga ka gang ni ama pati na din ang mga pamilya nila.

Nakatakas kaming pamilya pero di din naglaon at nakita nila si ama at napatay. Mabuti nalang at nakapagtago kami noon ni ina kaya nakaligtas kami. Pero, ngayon ay pinatay na nila ang aking ina.

Kaya nga din ako tumatanggap ng mga illegal na trabaho dahil sa nangangalap ako ng impormasyon at sa mga nakaraang ginawa ko ay madami na din ang aking mga nalalaman. Pagpapabagsak nalang ang kulang at mapagbabayaran na din nila ang kanilang mga kasalanan.

"Kailangan ko ng tulong mo, lolo."

"wag kang mag- alala apo, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Tandaan mo, utang ko pa din sa iyo ang buhay ko."

Hindi ko totoong lolo ang matandang ito. Nakita ko lang siya noon sa isang lugar na nag- aagaw buhay. At dahil sa likas akong matulungin noon ay ginamot ko siya.


--------------------------------------------------------------

Hi guys, here's another chap for all of you. And gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat sa walang sawang tumatangkilik sa mga stories ko. Thank you po. Kung may mga typos at grammatical error po kayong mabasa, pasensya na po, I'm not perfect! lol.., XD

Dedicated to you..salamat sa mga koments mo sa ibang stories ko at sa pag a- add sa reading list mo. Thank you talaga. :)


Do vote, comment and share guys, thank you.. !! :)

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon