XX

2.8K 89 4
                                    


Unang araw ng survival game na ngayon at lahat ng mga estudyante ng TU ay nasa loob ng malaking gym para sa opening ceremony ng laro. Lahat ng mga estudyante dito ay may dala- dalang mga armas pero syempre may ilang armas na restricted katulad ng mga bombs at missiles.

Nakagrupo na din ang ilang mga estudyante dito kung saan silang mafia famiglia naka- under, anong gangs at assassins group.

Hindi mo din makikita-an ng takot ang mga mukha nila ngayon dahil kahit naman takot sila alam kung marunong silang magtago ng kanilang expresyon sa mukha.

"ready na ang lahat, countdown nalang ang hinihintay." Rinig kong sambit ni Robert sa aming mga earpiece.

At dahil nga ang Travenson mafia ang may- ari ng paaralan na ito ay syempre sila din ang namamahala sa larong ito at sumisigurado na walang kahit na anong problema ang mangyayari.

Napatayo naman ako ng diritso ng makita kung lumabas na papuntang stage si Eris. Oras na para magsalita siya para sa umpisahan ang laro.

"Good Morning Everyone!" malamig na bati niya sa lahat, naging alerto naman ang lahat dahil sa kanyang pagbati at sa aurang pinapalabas niya.

"Welcome to TU's survival game!" at kasabay ng pagsabi niya ng game ay lumabas naman sa malaking monitor ang 1 minute countdown at syempre sabay din nun ang pagsarado ng lahat ng mga entrance at exit sa TU at ang pag- activate ng mga traps at cctv's sa buong univ. Naka set na din ang lahat kung mayroon mang magtatakang umalis sa loob ng univ.

"I won't make this long, Travenson's survival game is now on, goodluck everyone!" yun lang at umalis na siya sa stage at pagkaalis niya ay bumukas na ang pintu-an ng gym at yung ibang mga estudyante ay nagsipag- labasan na at humanap ng pagtatagu-an nila o teritoryo. Naka broadcast na din kasi sa buong univ ang countdown.

"Love, goodluck. Don't go die." Napata-as naman ang kilay ko kay Eris na ngayon ay nasa harapan ko na. Hinaplos niya naman ang aking mukha at yumuko sa akin. Hinalikan niya ako sa labi ng ilang Segundo, ramdam na ramdam ko sa kanyang mga halik ang lahat ng kanyang nararamdaman.

"Goodluck too. Survive." Mahinang sambit ko din sa kanya ng yakapin niya na ako. Kasabay ng pagbitaw namin ni Eris sa yakap ay ang pagtunog din ng buzzer na simbolo na na umpisa na ang survival game at pwedi nang mang torture at pumatay.

"See you later, love." Sambit niya ulit at tumalikod na sa akin at naglakad palayo para sa kanilang plano. Tiningnan ko lang ang kanyang likod na naglalakad habang naririnig ko na ang mga putok ng baril at ilang mga daing sa paligid.

Napahinga naman ako ng malalim at naglakad na din sa kabilang direksyon. Sa totoo lang wala naman akong rason para sumali sa game na ito eh, pero wala akong magagawa dahil walang exemption dito. Malay ko ba kung may gusto palang pumatay sa akin dito. Pero wala naman akong kalaban hah, tsk.

Napahinto ako sa paglalakad ng may isang babaeng biglang sumalubong sa akin. Napata-as din ang aking kilay ng makita kong bumunot siya ng dagger at ngumisi sa harapan ko.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nagustuhan ni Michael eh hindi ka naman maganda." Mas lalong napataas ang kilay ko sa kanyang sinasabi, anong pinagsasabi neto? May saltik ata sa ulo ang babaeng ito ah.

"Hindi ka bagay para sa bigboss ng Travenson mafia! Ako lang! Ako lang dapat!" malakas na sigaw neto sa akin, bigla namang napaseryoso ang aking mukha sa kanyang sinabi. Isa palang assumera to na may gusto kay Eris At anong siya ang bagay? Hah? Eh konti na nga lang at mapagkakamalang butiki na siya eh.

"Excuse me, lady. Pero hindi pumapatol sa mga butiki si Eris." Mataray na sambit ko sa kanya.

"Pfffttt/ damn/ whahahaha..nice mikey!" sabay- sabay na reaction ng mga ugok sa aking earpiece. Ay shocks! Nakalimutan ko na naka connect pala kaming pito sa earpiece.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon