XXVII

2.4K 61 1
                                    


2 months later..

Clint's Pov

"Clint, ready na ba ang lahat?" mabilis akong napatango kay boss ng tanungin niya ako. Kasalukuyan kasi kaming naghahanda para mamaya sa aming mission.

Nagkaroon na naman kasi kami ng lead, nasa Casino na naman daw mamaya ang hinayupak na mafia boss na target namin.

Dalawang buwan na kaya kaming nagha- hunting sa mga casino para makita ang hinayupak na iyon.

Napatingin nalang ulit ako kay boss habang inaayos niya ang kanyang baril. Bumalik na naman sa dati ang boss namin, at mas naging malala pa siya ngayon. kUng dati kasi hinahaya-an niya lang kami na gawin ang mga interogasyon sa mga nahuhuli namin ngayon siya na ang nangto- torture doon at ang mas malala pa niyan minsan pinapatay na niya agad pag umayaw sa unang tanong niya.

"Boss, nandito na si Lexie." Seryosong pahayag ni leader kay boss.

Hindi manlang tumango si boss at naglakad nalang ito papunta sa sala ng HQ namin. Nagkatinginan na naman kaming lima at napabuntong- hininga.

"Eris- Babe!" rinig naming nakakairitang boses na nanggaling sa sala.

Isang nakangiting linta na nakayakap sa braso ni boss ang nakita ko ng makalabas na kami ng storage room at papunta ng sala. Habang walang emosyon naman si boss at diretsong nakatingin sa amin.

"Let's go." Pahayag ni boss at naglakad na habang di alintanang nakadikit pa din sa kanya si Lexie. Kainis, bat kasi bumalik pa yang hinayupak na babae na iyan?

Kung hindi sya bumalik edi sana masayang bossing na ngayon ang kasama namin at hindi ganito ka dugo ang mga pinanggagawa namin ngayon.

At sana ngayon nandito pa si mikey, inaamin ko naman na naging Masaya at may buhay ang grupo namin ng nandito pa si mikey. At magiging Masaya sana kami dahil may darating na bagong myembro sa aming pamilya. Ang little bossing namin.

"Kailan pa kaya mamamatay ang babaeng yan?" naiinis na bulong ni ten sa gilid ko habang naglalakad kami papunta sa aming kotse.

"Sana si mikey nalang kasama natin, mas masayang manood ng laban niya eh." Sambit naman ni Edward, oo nga pala si Edward ang nasa monitoring namin sya ang mata namin kaya siya yung laging nakakakita ng mga laban ni mikey.

"Nakakairita ang boses niya, mas lalong pumangit pa." Sambit namin ni Robert habang walang emosyon si leader na naglalakad kasama namin.

Gusto niyong malaman kung bakit kami galit kay Lexie? Siya lang naman kasi ang kamuntikan nang magpabuwag sa grupo namin.

Oo, kababata siya namin. Sabay- sabay kasi kaming lumaki sa loob ng mafia famiglia pero mas close sina bossing at leader noong bata pa kami. Para na ngang magkapatid yang dalawa eh.

Noong mga bata pa kami alam na alam namin kung gaano kamahal ni bossing si Lexie na halos lahat ng mga nang-aaway sa spoiled brat na Lexie ay inaaway din ni bossing.

Hanggang sa umabot sa sukdulan ang pagka maldita ni Lexie, iwan ko ba kung nakikita yun ni bossing o nagbubulag bulagan lang siya. Hanggang sa isa- isa niya kaming ginagawan ng kasalanan na hindi naman namin ginagawa.

Kamuntikan nang mamatay si ten ng masagasaan ito ng kotse ng itulak niya ito sa gitna ng daan dahil hindi namin binigay sa kanya ang teddybear na nakuha namin sa carnival noon. At siya pa yung may ganang umiyak at magsumbong kay bossing na inaaway namin siya at wala siyang kasalanan noon.

Kamuntikan din kaming mapaalis ni Edward sa mafia famiglia ng mabulilyaso ang isa sa mga mission namin noong nagsisimula palang kaming maging active sa mafia dahil sa kinuha niya ang usbing naglalaman ng ilang vital info ng famiglia at nilagay lang sa kung saan mabuti nalang nga at nakita ito agad ni leader eh.

Kamuntikan ding ma poison ang lahat ng myembro ng famiglia ng walang paalam na kinuha niya yung dinidevelop na lason ni Robert sa lab noon at binasag niya ito sa harap ni Robert, mabuti lang nga talaga at di pa yun perpekto. Lahat ng mga kagagahan niya noon ay hindi nakikita at nalalaman ni bossing dahil sa magaling siyang umarte.

Ang mas malala eh yung kamuntikan nang mabuwag ang pagkakaibigan namin at grupo dahil sa nag- away sina leader at bossing dahil sa kanya. Pinalabas niya kasing may tinatagong pagtingin si leader sa kanya at dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya ni bossing eh naniwala siya kay Lexie at ayan ilang buwan na hindi nagpapansinan sina bossing at leader at sa tuwing may training ay halos magpatayan na yung dalawa.

Naging okay lang ang lahat simula nang matapos ang mafia war noon kung saan naging sandalan nina bossing at leader ang isa't- isa. Pero yun din ang rason kung bakit naging cold guys ang dalawa. Sabay na pinatay ang kanilang mga magulang sa harapan nila ng iisang tao lang at mas malala lang kasi yung kay bossing, tinur- tore muna kasi yung mama at papa niya bago pinatay.

Akala nga namin hindi na kami makakabangon sa trahedyang iyon pero doon kami nagkakamali dahil ang dating travenson mafia na gentle ay naging mafiang mahahalintulad mo sa isang demonyong uhaw na uhaw sa karahasan.

Ilang beses na din kaming inalok na maging parte ng grand trinity pero inayawan ito ni bossing. Hindi pa ito tinatanggap ni bossing dahil makakasagabal sa amin ang ilang mafia famiglia. At ayaw ni bossing sumali sa magaganap na mafia war noon, alam kasi naming inaahas ng red basilisk ang dalawang mafia famiglia na nasa grand trinity. Mas ginustong manood ni bossing ng laban kesa sumali sa walang katuturan na away na iyon.

Naging sandalan noon ni bossing si Lexie at doon kumukuha ng lakas para ipagpatuloy ang famiglia pero Bigla lang itong nawala na parang bula at iniwang wasak si bossing na kamuntikan na ding maging rason ng pagbagsak sana ulit namin at ngayon heto bigla ding susulpot na parang kabute kung saan nakikita na namin ang dating masayahing bossing namin noong kapiling pa niya ang kanyang mga magulang at bigla na namang winasak ni Lexie ang magandang picture na iyon.


---------------------------------------------------------------------

Hi guys, long time no update',.

Hope you like this chap.,

Do comment, vote and share',. thank you!!

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon