XVI

2.7K 68 6
                                    



Katrina's POV

Isang magandang araw na naman para sa akin dahil makikita ko na naman ang aking hubby.

Nakangiting sumakay ako sa aking red and black motorcycle at sinuot na agad ang helmet ko at pinaandar na ang motor papunta sa TU. Syempre, kailangan maaga pa ako para masilayan ko na naman ang gwapong mukha ni Steven hubby.

Sa tingin ko kasi si steven Collin na ang lalaking para sa akin, sya na talaga yung lalaking sinasabi ni inay na magmamahal sa akin at aalaga-an ako. Matutpad ko na din ang pangarap ni inay at itay sa akin na makakita ng taong papakasalan at mamahalin habang buhay.

Shit, kahit pala minalas ako ng araw na iyon ay swerte pa din ako kasi dumating ang knight in shinning armour ko at niligtas ako.

Kasi naman eh, binalikan ako ng mga gagong gang na iyon dahil sa natalo ko sila sa car race. Nakorner nila ako doon sa isang highway kaya nagkabugbugan kami nang biglang may isang itim na kotse ang paparating sa amin. Kasi naman no, nasa gitna kami ng daan eh sa nainis ata ang driver ng itim na kotseng iyon na kahit ilang pagbusina ang ginawa niya ay hindi kami pumagilid.

Ayun lumabas siya ng kotse niya at iritadong humarap sa amin at simula noon biglang naging slow mo ata ang buong paligid ko at feeling ko kaming dalawa nalang ang tao doon kaya naman nasuntok ako ng bwesit na leader ng gang na iyon dahil san a starstruck talaga ako sa mukha ni steven.

At ayun nga dahil sa badtrip siya nakisali siya sa amin at mabilis na napatumba niya ang lahat ng mga gunggong na iyon. Hindi ko nga din akalain na ganun lang niya kabilis na tapos ang laban wala pa ngang limang minuto yun eh.

At dahil sa makapal ang mukha ko ay mabilis akong yumakap sa kanya. At shitness, yun ata ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.

Muli akong napabalik sa aking sarili ng marinig ko ang malakas na busina ng kung sino man sa likod ko dahil kanina pa pala naka go signal ang traffic lights.

Ilang paliko nalang at nandito na ako sa parking lot ng TU, mabilis kong pinark ang motor ko. Hinubad ang helmet ko at sinabit iyon sa motor ko pagkatapos ay umupo akong pasandal sa motor na nakaharap sa direksyon ng paparkingan ng kotse ng mga knights.

Napatingin ako sa aking relo, hmmm.. limang minuto nalang at dadating na ang mga kotse nila at makikita ko na naman ang aking hubby. Napangiti ako ng malapad dahil doon.

Alam ko naman na si Steven hubby ay leader ng knights at under sila sa Travenson Mafia. Syempre, hindi na yun tago sa amin dito at lahat nang mga estudyanteng dito nag- aaral ay alam yun dahil di naman sinisecreto ang tungkol sa bagay na iyan dito.

Kung tinatanong niyo ako kung kasapi ba ako ng gangs o mafia, hindi po ang sagot diyan. Isa lamang po akong simpleng estudyante na marunong sa martial arts at car racing. Tinuru-an kasi ako ng aking ama at lolo na mga black belter. Self defense daw sabi nila, pero simula nang maulila ako ay naging puhunan ko na iyon para makapag aral.

Nag-iisa nalang ako, namatay kasi yung lolo ko at lola dahil sa katanda-an at si papa naman nadisgrasya, nasagasa-an siya ng isang malaking truck dahil sa lasing ang driver nun tapos si inay naman ay namatay dahil sa sakit sa puso.

Hindi naman ako naghihirap ngayon kasi marami silang perang iniwan sa akin sa bangko, sapat na para mamuhay ako ng matiwasay at mabili ang aking mga gusto.

Napalaki ang ngiti sa aking labi ng isa- isang magsipasukan na ang mga kotse ng knights. Napatayo pa ako sa aking pwesto at dali- daling tumakbo sa isang familiar na itim na kotse ng makapark na ito.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon