Epilogue

3.5K 121 15
                                    

2 years later

"Mine, mine, mine..." boses ng maliit na bata ang narinig ko bago pa ako maka baba sa hagdan.

"Little bossing, no! Wag yan!"

"Gago ka clint! Ilayo mo kay little bossing yan!"

"Sebastian tulong!"

"Mine, mine, mine.."

"Ahh.. lagot! Kunin nyo mga ugok!"

Dali dali naman akong pumunta sa kusina dahil doon ng gagaling ang mga boses.

"Ahh.. mapapatay tayong lahat nina mikey at bossing neto!"

Isang eksenang magulo ang nadatnan ko ng makalapit na ako sa kusina. Sina clint at Edward namumutla at nanginginig na nasa harap ni baby ace na may hawak na baril na nakatutok sa kanila. Habang si Sebastian naman nakahawak sa mga maliliit na braso ni baby ace at kinukuha ang baril. Habang si Ten naman ay hinahakot palayo ang mga baril at granada palayo sa bata dahil inaabot ito ng kanyang mga paa.

Si Robert naman at si Steve ay nakaupo sa bar stool at nagkakape.

"Wahhh... mikey!!" Malakas na sigaw nina Edward at Clint dahil nakatutok pa din sa kanila ang baril.

"Mama!" Masayang sambit naman ni baby ace ng makita ako at binitawan na ang baril at mabilis na tumayo sa mesa at tumakbo sa akin.

Lumundag naman ito at sinalo ko at hinalikan sa mga pisngi niya.

"Anong ginagawa ng baby ko?" Tanong ko dito habang hinahalik halikan pa din siya habang tumatawa ito.

"Bang..bang.." masayang sambit neto at tinuro ang mga nagkalat na mga baril sa mesa at sa braso ni Ten.

"Mga ugok kasi, bakit nandito kayo naglilinis ng mga gamit nyo?" Tanong ko naman.

"Sorry mikey, di namin nakita si little bossing na umakyat sa mesa eh." Sambit naman ni Ten.

"Kasalanan nyo din kasi yan, ang dami kasing dapat iturong paglaruan eh ang mga baril pa ang tinuturo niyo sa anak ko!".sabi ko sa mga ugok.

Napakamot naman sila sa kanilang mga ulo at nagsipag iwasan ng mga tingin.

"Papa!" Malakas na sigaw ni baby ace ng makita neto ang ama niyang humalik sa aming pisngi. Kinuha ni Eris ang bata sa akin at masuyo itong hinalik halikan ulit sa pisngi habang natatawa na nman ang bata.

"Binaril mo ba mga tito mo baby?" Natatawang tanong ni Eris sa bata. Napatango naman ang bata habang nag sa smile sa kanya.

Bigla ko namang pinilipit ang tenga ni Eris sa mga pinagsasabi neto.

"Aw..aw..love, joke lang yun!".. sambit neto habang pinipilipit ko pa din ang tenga neto.

"Abnormal ka talagang Eris ka!".

Tawanan nalng ang naririnig namin sa buong kusina. Hindi man perpekto ang buhay ko sa umpisa atleast ngayon masasabi kong almost perfect na ito. Besides, ano pa bang mahihiling ko? Kasama ko ang lalaking mahal ko ang anak namin at siyempre ang buong barkada.

Hindi pa man tapos ang problema hindi naman ito sagabal sa aming kasiyahan.

Alam kong hindi pa tapos ang istoryang ito bagkos nag- uumpisa pa lamang..

The End!

♤♤♤♤♤♤♤♤

Guys thank you so much sa lahat ng suporta. Tapos na po ang Untamed Fire! Hanggang sa muli mga readers...

Salamat ulit... lovelots.!

Signing off.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon