XXX

2.5K 84 6
                                    

Mikey's POV

"No!!!" isang sigaw at tunog ng putok ng baril na hindi galing sa amin ang nagpalingon sa akin.

Nanlalaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang nasa may bandang likuran ko at halos hindi ako makahinga sa nakita ko.

"Eris!!" malakas na sigaw ko at halos madapa ako sa pagmamadaling bumaba sa hood ng kotse at tumakbo sa direksyon ni eris kung saan nkahiga siya sa sahig at parang di makahinga.

Dali dali akong lumuhod sa harap niya at sinira ang kanyang tuxedo.

"damn you Eris, di ka pa nakikita ng anak mo. Wag ka munang mamatay. Di ka pa namin nakakasama, di pa kita nabubugbog dahil sa pag- iwan mo sa amin. Kaya wag na wag kang mamatay kundi e do- double dead kitang bwesit ka!" mangiyak- ngiyak kong sigaw sa pagmumukha niya.

"L-love,. I miss- you.. s-so m-much.." nakangiti at medyo nahihirapang saad neto.

Bigla ko siyang nabatukan ng makita kong may suot pala siyang bullet proof at tumayo.

"Gago kang eris ka! Papatayin mo ba ko sa kaba?!!" sigaw ko at pinagsisipa ko ang gilid niya. Napapa aray nalang siya sa sakit.

"Whoa mikey, tama na, konting ingat naman para kay baby." Bigla singit ni Sebastian sa likod ko na inawat ako.

Di ko na pala napansin na ubos na pala yung mga kalaban at yung mga ugok eh nagtatakbo na papunta sa direksyon namin. Tumayo na naman si Eris at hinubad ang suot niyang bullet proof. Paano kasi, sinalo niya ang bala na para sa akin sana.

"What the fuck bro, bat mo ginawa yun? May plano ka bang patayin si mikey at little bossing natin? Buti nalang talaga at nakaabot si boss." rinig kong sabi ni Edward kay Robert.

Mabilis namang pumunta si Eris sa harapan ni Robert at sinuntok ito ng malakas dahilan para tumabingi ang ulo neto.

"Shit." Galit na usal ni Eris ng pinaharap niya ang mukha ni Robert sa kanya. Lumapit na din kami ni Sebastian sa kanila, napakunot noo ako ng makitang itim na itim ang iris pati na ang sclera ni Robert.

Mabilis naman na lumapit sa likuran ni Robert si Steve at pinunit ang damit niya dun.

"Fuck/Damn." Mga reaction nila ng makita yung likod ni Robert.

"I knew it, brain manipulation drug." Biglang sambit ni Sebastian kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Mission mo?" tanong ko sa kanya, napatango naman siya sa akin.

"Bagong assign ni big boss sa akin yan, hindi pa namin alam kung sino ang ringleader ng organisasyong humahawak sa droga na yan. Pero nakalap namin na ilang mga mafia famiglia ang kasapi sa org na yun. Kilala sila bilang the nameless org." Sambit ni Sebastian sa amin.

"Kung ganun, kasapi sa org na yun ang target namin?" pagtatanong ni ten kaya napatango na din si Sebastian.

"Anong epekto ng gamot na to?" tanong naman ni Steve.

"Ang brain manipulation drug ay isang uri ng mga chemical na pingasama- sama at nilagyan ng nanomites. Ini- inject ito sa katawan ng isang tao, sa loob ng 10 segundo pwedi nang kontrolin ng kung sino man ang isip ng biktima niya sa pamamagitan ng nanomites na kasama sa chemical. Ang chemical naman dun sa droga ay nagca- cause ng brain paralization. Itim na itim na mga mata kasama ang sclera at ang pagkaroon ng mga itim na mga ugat sa likod ang senyales ng druga na yan."

"So, ibig sabihin.. brain- dead ngayon si Robert?" tanong naman ni clint.

"oo, pero sigurado naman akong buhay pa siya." Sagot naman ni Sebastian.

"Dadalhin mo ba si Robert sa org?" tanong ko kay Sebastian, tumango naman siya sa amin. May kinuha siyang isang syringe sa bulsa niya at lumapit kay Robert. Bigla namang nagwala si Robert pero hinawakan lang siya ng mabuti nina steve at Edward.

"Pampatulog lang to." Sambit ni Sebastian at tinusok na ang syringe sa leeg ni Robert. Bigla namang lumupaypay si Robert.

"para yun sa nanomites at tracking device na nilagay nila, wag kayong mag- alala. Aalaga-an naman namin si Robert sa org." Pahayag ni Sebastian at nagsimula ng buhatin sa balikat niya si Robert at naglakad patungo sa kotse niyang naka parada. Bigla naman siyang napahinto sa paglalakad ng medyo malapit na siya sa kotse niya at lumnigon sa akin.

"So, panu mikey..una na ako, at nga pala sabi ni tanda. Goodluck!" Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at huli na ng maalala kung sa kanya pala ako nakisakay kanina.

"gago ka talagang Sebastian ka!!!!" malakas na sigaw ko dito at ang gago ng beelat pa bago sumakay sa kotse niya.

Bigla naman akong napa stiff at napalingon ng maramdaman ko ang pagyakap ni eris sa akin.

"I miss you love,. Please bumalik ka na sa akin." Mahinang sambit neto sa tenga ko at naramdaman ko ang paghalik neto sa aking sintido.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Happy new year everyone!!

Hope you like this chap,.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon