II

2.9K 97 4
                                    



"mikey!" napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti ng pilit ng Makita kong may dala- dalang dalawang bag na malaki si totong.

"Ingat." Malungkot na sambit ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Pinat niya naman ang ulo ko at ngumiti ng malungkot.

"Salamat at mag- iingat ka din dito hah." Napatango naman ako sa kanya.

"Sumunod nalang kaya kayo sa akin, baka kasi balikan ka din nila dito." Napailing nalang ako sa kanya at napabuntong hininga.

"Ayaw ni ina na umalis dito, maraming masasayang alaala kasi dito noong buhay pa si ama. At wag kang mag- alala dahil hindi naman nila ako nakita ng maayos kaya hindi nila ako nakikilala." Napabuntong hininga lang din siya.

Pero sa totoo lang hindi ko alam kung talagang hindi nila ako nakilala o hindi. Mabuti nalang nga talaga at nakatakas kaming dalawa. Pagkarating namin sa tambayan namin ay mabilis akong bumili ng alak at kinuha ang maliit na kutsilyong ginagamit namin noon sa paghihiwa ng manggang hinog. Kinuha ko ang bala sa balikat ni totong at nilagyan ng bandage ang kanyang sugat kaya kahit papano ay nakaraos siya sa sakit.

Mura nga siya ng mura sa akin eh tas umihi pa ang gunggong sa kanyang salawal ng kinukuha ko na ang bala sa balikat niya. Tatlong beses pa nga siyang nawalan ng malay eh.

Yung baril na nakuha ko hanggang ngayon nandoon pa din sa pinagtatagu-an ko.

"Sige, mikey. Alis na ako." Paalam niya ulit sa akin kaya napatango nalang din ulit ako sa kanya.

Haist, wala na akong partner sa mga raket pero okay na din yun. Baka kasi mapatay pa si totong dito kung hindi siya aalis.

Napailing nalang ako at tumayo na sa aking kinauupu-an, pumunta kaya ako doon? Hmm..

Nagsimula na akong maglakad papunta sa lugar na pumapasok sa aking isipan. Makalipas ang kinse minuto ay nakarating na ako sa lugar na patutunguhan ko. Napangiti naman ako ng malawak ng marinig ko ang mga ingay ng mga pera, baraha at mah-jong blocks at ang ilang mga mura sa paligid.

"Mikey! Long time no see hah. Ano? Uupo kaba ngayon?" napangiti ako sa lalaking kaharap ko na nakaakbay na sa akin ngayon. Alam na alam na talaga niya kung anong sadya ko dito.

"Tamang- tama, may papasimula palang laro ngayon at kinukulang sila ng isa. Mga bigatin din tong dalawang makakalaban mo kaya siguradong mag- eenjoy ka." Tingnan mo to di pa nga ako nakapagsalita eh sunod- sunod na ang mga sinasabi neto sa akin at hinigit na ako papunta sa isang sulok kung saan may naghihintay na sa akin.

"Oh, kompleto na kayo kaya pwedi nang magsimula." Sambit pa neto habang papaupo palang ako sa upu-an. Napailing nalang ako sa kanya at hinarap ang dalawang makakalaban ko. Di ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi ng makilala ko sila.

Marami- rami na namang makukuha ko dito.


------------------------------------------------------------------------------------------

Hehehe.., dedic sayo', maraming salamat sa pagsusuporta sa mga stories ko. hehehehehe',.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon