XXVIII

2.6K 82 7
                                    


Mikey's POV

Dalawang buwan, dalawang buwan ko nang hindi nakikita si eris. At sa dalawang buwan na iyon tanging sina Sebastian at tanda lang ang nakakausap ko at nakikita.

Dalawang buwan na din akong pabalik- balik sa casino, ito na siguro ang nagiging aliwan ko at paraan para hindi ko maisip si Eris.

Alam kong masama sa baby ito pero hindi naman ako nag- iinom ng alak at hindi ako naglalaro kapag alam kong may naninigarilyo o naghihithit sa mga katable ko.

Dalawang buwan ko na din silang hindi sila pinapanood, namimiss ko na talaga sila. Lalong- lalo na si Eris, I miss him so much na sa tuwing maiisip ko eh parang maiiyak ako.

"mikey, pupunta ka na naman ba ng casino?" napabaling ang ulo ko sa kaliwa ng marinig ko ang boses ni Sebastian.

"yup." Walang ganang sambit ko at napabuntong hininga nalang siya sa akin.

"magiging alalay na naman ako. ok, para sa inaanak ko." Pahayag pa neto at nauna nang lumabas ng mansyon ni tanda at sumakay sa kotse.

Oo, dito na muna ako nakatira sa mansyon ni tanda para daw mamonitor nila ang kalagayan ko, buntis pa naman daw kasi ako eh.

Nakailang sabi na nga sila sa akin na bumalik na kay Eris at harapin to pero ayaw ko pa talaga. Mabuti nalang talaga at nirerespeto nila yung desisyon ko.

---------------------------------

Edward's POV

"All set!" nakangiting saad ko, narinig ko naman ang mahinang pag okay nila sa kanilang mga earpiece. Katulad ng dati ako ang kanilang mga mata, kailangan na maging successful na tong mission na ito.

Naiirita na kasi ako sa boses ni Lexie, bakit pa ba kasi kailangan siyang sumama sa mga mission namin? Eh puro reklamo at ka bitchihan lang ang naririnig ko sa kanya simula nang magdesisiyon siyang mag- isa na sumama sa mga mission. Hindi naman siya pinapansin ni boss, haist.

Eh kung si mikey kaya yung nandito sigurado akong mas exciting ang mga kaganapan na maririnig at makikita ko. Ang epic pa naman mambara ni mikey eh.

Hai mikey, sana bumalik kana kay boss. Panalo na si clint sa pusta eh, ubos na pera namin!

Pero seryoso, parang bumalik ang dati naming boss noong mga panahong nandoon si mikey sa HQ. Katulad lang dati noong mga panahong magkakasama pa kami at buhay pa ang mga magulang ni boss.

Naging Masaya nga ngayon si leader dahil nandyan si Katrina, si boss naman ngayon ang problema namin.

"oy, Edward!! Edward!" npabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang naiiritang boses ni ten sa earpiece ko.

"Puta naman Ed, anong nangyayari sayo?" tanong pa neto.

"Sorry naman,. Nawala lang sa sarili." Singhal ko naman.

"At may gana kapang mawala sa sarili mo ngayon ah." Rinig kong patawa- tawang sambit ni clint.

"Ulol." Sambit ko nalang at tiningnan ang buong lugar kung saan sila pu- pwesto sa ngayon.

"All clear, mga ugok." Sambit ko sa kanila at nakita kong nagsipag puntahan na sila sa kani- kanilang mga pwesto.

Ilang mga minuto pa ang lumipas at nakita kong komportable na silang kunwaring naglalaro at nanonood ng mga sugal. Nilibot ko lang ang paningin ko sa mga monitor na nakaharap sa akin ngayon.

"oh shit!" di ko mapigilang di maibulalas ng may mahagip ako sa camera. Sabay- sabay namang nagtanong ang mga ugok kung ano ang nakita ko. Mabilis kong pinindot ang command sa keyboard at nafucos ang camera sa isang table kung saan may naglalaro ng poker.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon