III

2.9K 107 12
                                    



"Call" masayang sambit ko sa mga kasama ko habang nilalatag na ang baraha ko sa mesa. Ikalimang set na ito namin at gaya ng dati pang mga set ay panalo na naman ako sa laro namin.

"Damn, four of a kind." Inis na sambit ng isang kalaban ko habang nagngingitngit na naman sa inis ang iba ko pang mga kalaban. Paano ba naman talo na naman sila sa laro.

"Bakit pa kasi puro 2 pairs lang tong hawak ko?" inis na sambit naman ng isa. Kaya napatawa naman ako ng malakas dahilan para mas mainis pa siya.

"Last set, todo na to!!" inis na sambit ng isa na sinang- ayunan naman nila. Napangiti naman ako sa tinuran nila at napa oo na din. Inayos ko pa ang aking bullcap at binuksan uli ang isa ko pang lollipop dahil naubos ko na ang isa.

"Ang galing mo pa din mikey." Sambit naman ng lalaking ito sa aking gilid at tinapik pa ako. Gago, kung hindi lang malaki- laki ang kikitain niya sa akin ay siguro kanina pa ako nabuko dito. Hahahaha.. pero sorry, masyado ata akong magaling para mabuko.

Inumpisahan na naming ilagay lahat ng pusta sa gitna ng table habang dini- distribute na ang mga baraha sa amin. Napatingin naman ako sa aking baraha at napa smirk. Kinuha ko ang apat na baraha at nilagay ng pataob sa mesa at kumuha ng apat na baraha sa deck. And here comes the trick. Hahahaha..

Prenteng sumandal ako sa aking upu-an habang tinaob ko na ang aking baraha sa aking harapan.

Nagkatingin naman ang ibang mga kalaban ko at tila kinakabahan na sa kanilang mga baraha.

Makalipas ang ilang pang mga minuto ay may nagsabi na ng call kaya pinatihaya na namin ang aming mga baraha.

"The heck, royal straight flush!" gulat na sambit nila ng Makita nila ang aking baraha. Isang royal straight flush na ace lang naman ang aking baraha. Napatayo nalang sila sa inis at umalis na sa harapan ng mesa.

Napangiti naman ako ng malawak. Mga gunggong talaga akala nila makakalusot sila sa akin? Nah,. Ako ata ang gambling queen dito sa amin.

"Gambling is life, show no mercy." Yan, yan ang aking motto ang ganda diba?

"Sabi ko na nga ba eh, mananalo ka na naman mikey." Ngiting pahayag pa ng lalaking ito sa akin, kaya napatawa nalang ako sa kanya at kinuha ko na ang aking napanalunan at iniwan na ang kanyang parte.

"Hanggang sa susunod naman, makoy!" ngiting pahayag ko at lumabas na ng lugar na iyon, kailangan ko pa kasing umuwi sa bahay pero bago yun pupunta muna akong grocery store para makabili ng mga pagkain at pangangailangan namin ni inay tapos ang kalahati naman ng pera ay ididiposit ko pa sa bangko.

Syempre naman no, kahit ganito ang ginagawa ko di naman ako gastadura na uubusin ang mga pinaghirapan ko sa mga walang kwentang bagay. Malaki- laki na nga ang nasa bangko eh tapos hindi lang naman isang account ang ginawa ko kundi tatlo. Ewan ko ba kung bakit tatlo basta trip ko lang.

Tapos ang matitira mamaya ay ibibgay ko nalang kay inay.

Bago ako pumunta ng grocery store ay dumiretso muna ako sa bangko at diniposit na ang pera. Pinagkakatigagan pa nga ako ng mamang gwardya dahil sa itsura ko eh pero sanay na naman ito sa akin. Sa palagi ko bang pagpasok sa bangkong iyon ay natatandaan na niya ang aking mukha pero talagang hindi niya mapigilang di talaga tumitig sa akin.

Sino ba naman kasing hindi? Eh, sa naka bullcap ako tas naka black hanging dress pa na kita ang belly button ko kapag tinaas ng bahagya ang aking mga kamay. Tas meron akong mga tattoo sa aking kamay na kung titingnan mo sa malayo ay parang gloves na grey. Tas naka skinny jeans pa ako na yung design ay gutay- gutay.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon