XII

2.8K 100 13
                                    


Mikey's POV

"Ibigay mo na kasi ang black diamond, hinding- hindi na ako magpapakita at kukulit sayo kapag ginawa mo yun." Kanina ko pang sinasabihan tong eris na ito na nakaupo na ngayon sa kama niya.

"No, can do love." Sambit neto sa akin, napakuyom naman ako ng palad ko.

"Tsk, ano ba talaga ang gusto mo? Gagawin ko lahat basta ibigya mo lang ang black diamond." Naiinis na sambit ko, bigla naman siyang ngumiti ng malawak dahilan para bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Damn, bakit ganito ang epekto ng lalaking to sa akin? Hindi to maaari, napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng t-shirt ko.

"Anything?" tanong neto sa akin, napabuntong hininga naman ako. Damn, kailangan ko tong gawin para makuha ko na ang black diamond. Pagkatapos ay aalis na ako dito at hindi na magpapakita kahit kailan sa kanila.

"anything." Mahinang bulong ko dahilan para lumawak ang ngiti niya.

"Good." Napatingin nalang ako sa sahig, kaya mo to mikey.

Biglang napa-angat ang tingin ko ng Makita kong nasa harapan ko na siya.

"T-teka a-anong g-ginagawa mo?" napalunok ako ng laway ko ng makitang palapit ng palapit ang mukha niya sa akin.

"You. Are. Mine. Now." Diing sambit neto at biglang nanlalaki ang aking mga mata ng halikan niya ako. Damn, ang second kiss ko wala na!!!!

Naitulak ko siya ng bahagya at akmang sasampalin ng mahawakan niya ang aking kamay.

"No hitting love or I will punish you. Hmm.. it's better be one hit one kiss" biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya kaya nahigit ko ang kamay ko sa kanya.

"Fuck you Eris!" singhal ko sa kanya pero ang bwesit tumawa lang.

Tatalikod na ako at aalis ng biglang hawakan niya ako sa braso. Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Take off your shirt." Biglang nanlalaki ang aking mata at akmang sisigawan siya ng bigla niyang ilagay ang kamay niya sa bibig ko.

"your shirt is ripped. Better use my shirt." Napahinto ako sa sinabi niya at takang pinanood siyang naglalakad at pumunta sa walk- in closet niya at naghanap ng damit. Bigla ko namang hinubad ang t-shirt ko at tiningnan ito.

"Damn it!" mura ko habang tinitingnan ko pa din ang punit na damit ko.

"Shit love." Napalingon naman ako bigla kay eris ng marinig ko ang boses niya. Nakakunot- noong pinagmasdan ko siya. Para siyang tuod na nakatayo at namumula ang mukha habang nakatingin sa akin, nakita ko pa ang paglunok niya ng maglakad ako palapit sa kanya.

"Hoy!" malakas na sigaw ko sa kanya at dahang- dahan siyang tumingin sa mukha ko bago siya umiwas ng tingin at pinasuot ng mabilis sa akin ang damit niya. At tumakbo ng mabilis papunta sa isang pintu-an na pinanggalingan niya kanina. Binagsak niya lang ng malakas ang pintu-an at narinig ko nalang ang rumaragasang tunog ng tubig na galing sa shower.

"Anong nangyari dun?" takang tanong ko nalang. Napailing nalang ako at lumabas na ng silid niya, tsk bababa nalang kaya ako. Bigla kasi akong nagutom eh, bawala na siya sa buhay niya doon.

Ang ganda naman pala ng buong HQ nila, parang bahay lang ito. Nakita ko na ang hagdan kaya naman bumaba na ako. Napahinto naman ako sa paglalakad ng Makita kong taimtim na nakatingin sa akin ang limang lalaking nakaupo sa sofa at seryosong nag- uusap kanina.

"Cgeh, ituloy niyo lang yung pag-uusap niyo. Pupunta lang ako ng kusina." Tuloy- tuloy na sambit ko sa kanila, di naman sila naimik kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mabuti nalang nga talaga at may sense of direction ako.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon