V

2.7K 91 7
                                    



"Sigurado ka bang yan lang ang kukunin mo?" tumango naman ako kay lolo at kinuha ko na ang isang susi sa lagayan neto.

"Ayaw mong tumira sa isang condo?" umiling ako.

"Sigurado ka?" napatango naman ako, kanina pa yan hah. Rinding- rindi na talaga ako sa pagtatanong niya sa akin.

"Ano ba, tanda. Oo nga sabi eh." Napahalakhak naman siya sa akin. Bwesit na matandang to, pinagtritripan pa ata ako eh.

"Ipadala mo nalang ang blue murciealago roadster sa bahay ko." Pahayag ko dito. Tumalikod na ako sa kanya at nilapitan ang isang asul na Kawasaki ninja. Umupo na ako sa motor at isinuot ang helmet.

"Mag.ingat ka tanda." Huling sabi ko sa kanya bago ko ibaba ang eye shield ng helmet ko, ewan ko kung anong tawag dun basta yun na yun. Nilagay ko na ang susi sa susi-an ng motor at pinaandar na ito.

Dumiretso lang ako hanggang sa makalabas na ako at nasa isang high way na ako. Pupunta nalang ako sa mall para makabili ng mga damit at makakain na din.

-----------------------------

Bwesit na bwesit na talaga ako, matapos ko kasing mamili ng mga damit na maisusuot ko at makakain ay umalis na ako agad sa mall na iyon. At pagkarating ko sa bahay ay iniwan ko lang yung mga pinamili ko sa itaas ng kama ko at kinalikot na agad ang netbook ko.

Kanina pa ako dito nanghahack, hindi ko talaga malaman kung saang lupalop ng mundo ang mafia boss na iyon. Nakakainis na hah, tapos ang mas nakakainis pa ay makakita ako ng lead.

Masaya na sana ako eh, kaso lang bakit pa kasi sa isang paaralan ang lead ko? Paano ko mahahanap ang bwesit na iyon? At bakit kasi nasa paaralan pa makikita ang lead ko?

"Arghhh!" napasabunot ako sa sarili ko dahil sa frustration.

Wag ko nalang kayang ituloy ang plano ko? Tatanggapin ko nalang kaya? Eh kasi naman, naisip ko din na talagang kasalanan naman talaga ng ama ko yun pero aksidente lang yun.

Pero, damn, magagalit si ina sa akin kapag naghiganti ako. Napabuntong hininga nalang ako at sinirado na ang netbook ko.

Humiga ako sa kama ko at sinipa ang supot na may laman ng mga pinamili ko paalis sa kama ko. Napatingin nalang ako sa kesame ng silid ko, nag- iisa nalang talaga ako. Ay hindi pala, nandyan pa si tanda.

"Haist, namimiss ko na kayo." Mahinang sambit ko at pinikit ko ang mga mata ko.

Pagtapos nang ilang mga minuto at mabilis ko ding minulat ang aking mga mata at kinuha ang aking cellphone at nagtype ng message kay tanda pagkatapos ay sinend ko na ito sa kanya.

Ilalagay ko na sana sa gilid ko ang cellphone ng bigla itong mag- ring.

"Oh" sagot ko sa tawag.

"Sigurado kana sa desisyon mong yan?" sambit naman ng nasa kabilang linya.

"oo, tsk."

"oh sige, ipapaayos ko na ang mga kakailanganin mo. Hinintayin mo nalang, nandyan na mamaya ang mga documentong kailangan mo."

"Cgeh, salamat." Narinig ko naman ang pag buntong- hininga niya.

"Basta para sayo."

"Ingat ka palagi." Huling sambit ko sa kanya bago ko patayin ang tawag. Bumangon naman ako at naupo sa kama, damn, sigurado nga ba ako sa gagawin ko? Damnshit, hindi ko alam!


-------------------------------------------------------------------

Thank you sa pagmessage sa wall ko',. :) dedicated to you,.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon