IX

2.6K 82 5
                                    


"Damn! Papatayin ko talaga kayong lahat!!!" inis na inis na sigaw ko dito sa loob ng intel dept. Napatingin nalang sa akin ang ilang pang mga tao sa loob bago bumalik ulit sa kanilang mga ginagawa.

Sanay na naman kasi sila sa akin kaya parang wala lang yung pagsigaw ko. Sa sampong beses ko ba namang pagsigaw sa loob dito ay sigurado akong hindi na nila ako papansinin. Hindi din naman nila ako mapipigilan sa kung anong ginagawa ko dahil, una, wala silang laban sa akin, pangalawa, hindi nila ako kaya at panghuli wala akong pakialam sa kanila. Basta naiinis ako!

Inis na sinabunot ko ang aking buhok at huminga ng malalim. Damn, ilang oras na akong nakaupo dito sa upu-an ko habang kinukalikot ang computer na nasa harapan ko. Buo na ang virus at ang program nalang na magse- self- destruck ang ginagawa ko.

"Hoy, e- hack mo ulit yung files ng org." Inis na utos ko sa isang lalaking nasa kabilang station. Siya kasi ang binigay nila sa akin para ma testing ang virus na ginawa ko. Magaling din to sa hacking ang lalaking ito, hindi kasi pwedi yung head nila at yung second in command dahil may mga importante din silang ginagawa.

At mas lalong hindi pwedi si tanda kasi baka naman ma batukan pa ako nun. Tsk, bakit ko nga ba kasi niligtas ang matandang iyon? At bakit ba kasi nakilala ko pa ang bigboss nila? Damn, hindi ko naman alam na magkakilala ang dalawang matandang iyon.

"Ahhhhh!!" bigla akong napalingon sa station ng lalaki ng sumigaw siya ng malakas at natumba sa kanyang inuupu-an.

"Bwahahahahahahahahahahahahaha.." tawa ko ng malakas ng Makita ang kanyang mukha na shocked at parang matatae.

"Anong nangyari?" sabay- sabay na tanong ng mga tao sa paligid namin na dali- daling tumakbo papunta sa station ng lalaki.

"Whahahahahaha.." tawa ko pa din habang nakaturo sa itsura ng lalaki, napahawak na nga ako sa tiyan ko habang tumatawa ng malakas.

Takang napatingin naman silang lahat sa akin.

"Anong nangyari dito?" tanong ng head nila na dali- dali ding tumakbo papunta sa station ng lalaki.

"Hahahaha.. shit, hahahaha. Damn, ok. Ok na ko. Pffttt.. hahahaha.." di ko mapigilang tawa.

Kumunot noo naman siya at humalukipkip sa harap ko habang pinagmamasdan niya akong tumatawa pa din ng wagas.

Ilang minuto lang at tumigil na ako sa kakatawa at pinunasan ang mata kong may tumulong luha dahil sa kakatawa. Huminga naman ako ng malalim at umupo ng maayos sa upu-an ko at hinarap silang naghihintay sa akin paliwanag.

"Ehem,. Ok na ang virus.Success na success." Pangiti- ngiting sambit ko kaya napataas ang kilay ng babaeng kaharap ko.

"Yun lang? Oh ba't tulala pa din ang isang yun?" napatingin naman ako sa lalaki at nakagat ko ang ibabang labi ko, kasi parang tatawa uit ako eh.

"Ano kasi,. Diretsong sasabog ang monitor nila kapag pinindot nila ang enter. So, yun nga. Wala nang warning- warning. Hehehhehe.. ang lupet diba? Pero wag kayong mag-alala di naman siya nasugatan diba?" pangiti- ngiting sambit ko pa, napanganga naman ang kaharap ko sa sinabi ko.

"Hoy,. Hoy,. Tsk. Bahala nga kayo diyan." Sambit ko nalang habang tulala pa din ang babae sa harap ko. Tsk, yun lang naman ang sinabi ko eh napatulala na siya agad.

Tumayo nalang ako sa inupu-an ko at naglakad na paalis.

"Uwi na ko, may klase pa ako!" sigaw ko nalang sa kanila at dumiretso nang naglakad paalis sa intel dept.

------------------------------

"Bwesit, inaantok pa ako!" mahinang reklamo ko habang naglalakad na ako ngayon dito sa hallway ng TU. Ang TU ay Travenson University dito ako nag-aaral ngayon kung hindo niyo pa alam. Dito din noon nag-aaral yung die na kasama ni Sebastian noon sa org.

Oo, alam ko ang nangyaring laban noon sa pagitan ng red basilisk at dragon (white at black dragon) mafia famiglia. Kasi nga diba, isa ako sa mga tumulong noong magpabagsak sa mga businesses ng red basilisk.

Sa ngayon, dalawang mafia famiglia nalang ang bumubuo sa grand trinity, wala pa kasing ina- nounce na bagong mafia famiglia na pasok sa grand trinity. Sa katunayan nga niyan eh, pasok na sana ang Travenson mafia famiglia pero sa hindi malamang dahilan ay hindi pa ito tinatanggap ng kasalukuyang pinuno nila.

"Narinig niyo ba? Bumalik na siya!"

"Kyahhh.., bumalik na naman siya!"

"tsk, magiging impyerno na naman ang paaralang ito."

Ehh? Sinong bumalik? Anong chismis na naman ito? Nakakainis na hah, bakit parang nagbago ang aura ng buong paaralan?

Sino na naman kasi ang bumalik? At bakit magiging impyerno ang paaralang ito? Damn it!!


-------------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys,. here's the update.

Do vote, comment and share guys. Thanks',. :)

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon