X

2.7K 103 15
                                    


Halos mapapikit na ako ng mga mata habang nagsasalita ang guro sa harapan namin. Inaantok na talaga kasi ako, paano ba naman madaling- araw na akong nakauwi at nakatulog.

Naiisip ko kasi noong pauwi na ako na mag- aaral nalang ako at hindi ko na itutuloy ang paghihiganti ko. Kasi naman, naisip ko na kung papatayin ko nga sila hindi naman maibabalik noon ang aking mga magulang.

Itutuloy ko nalang ang pangarap ni ina na makapag- aral ako at makapagtapos kaya heto kahit na ayoko sa paaralan ay sisikapin ko nalang na makatapos. At isa pa pala, dapat ko na talagang makausap ang Eris na iyon.

"tol, punta daw tayo sa HQ."

"Nandoon na ba siya?"

"oo, kaninang umaga pa siya dun hindi na nga pumasok yun eh."

"Cgeh, tara na."

Naalimpungatan ako ng may marinig akong mga boses na nag- uusap. Damn, nakatulog nga talaga ako.

Wala sa sariling tinaas ko ang ulo kung nakahiga na sa ibabaw ng mesa ko.

"Ahhh, shit!"

"Damn,"

Unti- unti kong minulat ang mga mata ko ng marinig ko ang gulat na boses na nasa likurang bahagi ko.

Lumingon ako sa mga boses na iyon at shit, nagising ata ang buong katawan ko bigla at nanlalaki ang aking mga mata ng Makita ko ang apat na lalaking iniiwasan kong Makita.

Yung isa ay nakanga-ngang nakatingin sa akin na nanlalaki ang mata habang nasa bandang puso niya ang isang kamay niya, habang ang isa naman sa kanila ay kunot- noong nakatingin sa akin, habang ang isa naman ay taimtim na nakatingin sa akin kasama niya yung isa ding seryosong nakatingin sa akin.

"Shit, akala ko multo." Wala sa sariling sambit ng lalaking nakanga-nga kanina. Napaayos naman ako ng upo at dali- dali akong tumayo at kinuha ang bag ko at akmang maglalakad na ng biglang may humawak sa aking braso.

"Teka, naalala kita ah." Shit, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magsalita ang lalaking nakakunot- noo kanina.

"Bitawan mo ako." Mahinang sambit ko, wow mikey. Ang tapang mo, sarkastikong sambit ko sa sarili ko.

"oo, tama, ikaw yun!" sambit nman ng isa habang nakaturo sa akin.

"Ikaw yung babaeng nakakita sa amin sa lumang tulay. Yung pinaalis lang ni leader." Sambit ulit ng lalaki.

"Anong ginagawa mo dito babae?" tanong naman ng seryosong lalaki na kasama noong lalaking nagpaalis sa akin na tinatawag nilang leader.

"nag- aaral ako dito, bakit?" lakas- loob na sambit ko sa kanya habang tinitingnan ko naman siya ng diretso sa mata.

"Ang layo ng paaralan na to sa lugar niyo ah. Paano ka napunta dito? Anong binabalak mo?" Bigla naman kaming napalingon sa isang malamig na tinig. Doon nakatayo sa harap ng pintu-an ang isa pang lalaking nakita ko noon. Ang nagpaalis sa akin at ang tinatawag nilang leader.

"Leader!" sabay na sambit ng tatlo habang tinangu-an lang ng isa ang bagong dating.

"Teka, kung kinakabahala niyo yung nakita ko noon. Don't worry di ako nagsumbong at isa pa wala akong pakialam sa ginagawa niyo. Nandito lang ako para mag- aral, wala akong pinaplano na kahit na ano at nga pala, wala kayong pakialam kung dito ako mag-aaral nagbayad naman ako ah." Taas noong sambit ko.

Naglakad naman papunta sa akin ang leader nila habang binitawan na ako ng isang lalaking nakahawak sa akin at umatras silang apat.

"Good. But, be careful will be watching you." Malamig na sambit neto sa akin.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon