VIII

2.8K 81 1
                                    


"Hey, mikey!"

"Mikey!"

"Hi, mikey long time no see!"

"Mikey!"

Tsk, mas napabusangot pa ako habang naglalakad sa mahabang hallway na ito papunta sa intel depertment section ng org. Paano ba naman kasi mula ng makapasok ako dito ay puro nalang sila hi ng hi sa akin o di kaya ay babanggitin nila pangalan ko.

Tsk, ano ba naman kasi paki ko sa kanila? Ayaw kong pumasok dito sa org na to!

"oh, mikey bat naka- busangot yang pagmumukha mo?" napahinto ako sa paglalakad at napa irap sa lalaking nasa aking harapan at nakangiting parang baliw.

"Tumahimik ka! Alis!" iritadong sambit ko.

Tumawa naman ng malakas ang lalaking ito at kinurot ang pisngi ko.

"Ahnu..bhaahh..!" pagmamaktol ko habang tinapik ko ang kamay niya. Damn, ang sakit ng pisngi ko!!!

"Gago ka talagang Sebastian ka!!" malakas na sigaw ko sa kanya at sinapak siya sa panga dahilan para mapabaling sa kaliwa ang mukha niya. At bago pa siya maka recover ay sinipa ko ang tuhod niya dahilan para mapaluhod siya.

"Bleehh, buti nga sayo." Sambit ko at dinila-an siya bago tumakbo papunta sa loob ng intel.

Bago pa ako makapasok sa loob ng intel ay narinig ko pa ang malakas na mura niya at pagsigaw sa pangalan ko.

Napatingin naman ang lahat ng mga tao sa intel sa akin ng pumasok akong tumatawa ng malakas.

"Kawawang Sebastian." Napalingon naman ako sa kanan ko ng marinig ko ang boses ng isang babae.

"yow, anong maipaglilingkod ko at naipatawag niyo ako?" sambit ko nalang ng matapos na ako sa katatawa.

"kay master mo nalang yan tanungin, nga pala sabi pa ni master gumawa ka daw muna ng isang virus na kapag binuksan ang files ng org ay mag se- self destruck ang computer, laptop, netbook, etc. Etc na ginamit neto, yun lang." Napanga-nga ako dahil sa sinambit ng babaeng ito at tumalikod na sa akin.

"a- anong? Nababaliw na ba kayo??" malakas na sigaw ko sa kanya pero kumibit balikat lang ito at tumungo na sa station niya.

"Arghh., mamatay na kayong lahat! Bwesit!" malakas na sigaw ko at padabog na umalis sa dept na iyon. Grabeh lang, ako pa tatalaga papagawin nila nun? Hello? Hindi nga ako kasali sa kanila eh. Bwesit na buhay naman to oh.

Mabilis ko lang tinungo ang office ni master, yung bigboss ng org at binuksan na ang pintu-an niya. Walang paligoy- ligoy akong pumasok sa loob at naupo sa mahabang sofa sa loob nun.

Napahinto naman si master sa pagbabasa ng isang files at tumingin sa akin ng mariin. Humalukipkip lang ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay. Nailapag niya naman ang kanyang binabasa at napailing nalang sa akin.

"Katulad kapa din ng dati, mikey. Haist, mga bata nga ngayon oh. Kaya palagi kitang naaalala kina Sebastian at die dahil sa ginagawa mo." Sambit neto sa akin na mas tinaasan ko pa ng kilay ko.

"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" iritadong tanong ko sa kanya. Napaseryoso naman siya ng mukha at hinawakan niya ang kanyang baba na parang nag- iisip.

"Kilala mo ba ang bigboss ng Travenson Mafia?" napaayos ako ng upo ng marinig ko ang sinabi niya.

"hindi ko pa siya nakikilala pero alam ko ang pangalan niya. Michael Eris Travenson, siya na ang humahawak ng kanilang mafia famigla dahil patay na ang mga magulang niya. Oh, anong tungkol kay eris?"

"Eris?"

"Yep" popping the "p"

"bakit? Bawal bang tawagin siyang eris? Ayoko lang kasi sa first name niya parang kasing tinatawag ko din ang pangalan ko pag yung Michael niya yung sinabi ko. So, kung ayaw mo na tawagin ko siyang eris edi travenson nalang." Napahalakhak naman ng malakas ang matandang ito. Kaya napakunot- noo akong tumingin sa kanya. Ano na namang tinatawa neto?

"Baliw na matanda." Bulong ko habang tila patapos na siya sa pagtawa niya.

"Wala ka talagang pinagbago mikey, kaya nga paborito kita." Napapikit nalang ako ng mga mata ko sa sinabi niya at inis na tumingin ulit sa kanya.

"Ano ba tanda? Ano ba talagang rason bakit mo ko pinatawag? Papatayin ko ba siya? Tanda naman diba sabi ko sa iyo ayaw kong sumali sa inyo, ok na ako sa ganito."malakas na sigaw ko sa kanya habang napatayo na ako, kalmang nakatingin lang naman siya sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim at napaupo nalang ulit sa sofa.

"Pasensya na tanda, naiinis lang talaga ako." Sambit ko dito.

Tumango lang naman ito sa akin at naging seryoso na naman ang kanyang mukha.

"hindi mo papatayin si mr. Travenson, mikey. Kakausapin mo lang naman siya or rather mag ne- negotiate ka lang naman sa kanya para makuha ang black diamond. Simple right?" Damn, napanga- nga ako dahil sa sinabi niya. Mag- uusap? Negotiate? Hell no!

"Pano kung ayaw ko?"

"Simple lang ang kabayaran diyan mikey, pag di mo nagawa or di mo gagawin. Walang kanang choice kundi ang maging miyembro at kasapi ng org. Wether you like it or not." Pangiting sambit niya sa akin.

"What??" That's unfair!!"

"Life is unfair mikey. Don't worry pwedi mong gamitin at kunin lahat ng mga gamit o bagay na kakailanganin mo sa mission mo at isa pa mikey, bibigyan kita ng isang buwan para magawa yan. Gudluck mikey." Mabilis lang akong napatayo sa inuupu-an ko at umalis na sa office ng matandang iyon.

The heck, kung hindi niya lang talaga ako noon sinave. Siguradong di na ako magpapakita dito at gagawin ang mga bagay na gusto niya.

Kaya nga din ng magkaharap kami ng matandang iyon ay tinakbuhan ko dahil diba sabi nila kapag kapag nakatagpo ka daw ng isang taong delikado ay dapat na tumakbo ka ng matulin at wag nang lilingon dahil pagsisisihan mo daw ito kapag hindi mo ginawa. Kaya naman, noong nagkatagpo kami ng matandang iyon ay mabilis akong tumakbo palayo. Hindi sa natatakot ako sa kanya o anupaman pero kasi, wala nga kaming oras ni ina. Bibigyan ko pa ba ng oras ang kuryusidad ko?

Pero sabi nga nila kahit anong layo mo sa gulo yung gulo talaga ang lalapit sa iyo. Nakatakbo nga ako sa matandang iyon pero isang gulo din pala ang makakasalubong ko at kung hindi ako naabutan ng matandang iyon ay siguradong patay na sana ako ngayon.

Hindi ko naman kasi akalain na isang rambulan pala ng mga mafia ang makakasalubong ko. At kaya pala ako sinusundan ng matandang iyon dahil sa pagsasabihan niya sana akong wag dumiretso.

Kaya naman ito at nandito ako ngayon sa sitwasyong ito. Napahilamos ko nalang ang aking mga kamay bago pumasok ulit sa intel dept at naupo na sa isang cubicle. Gusto ko nang umpisahan at tapusin ang virus na pinapagawa niya para matapos ko na din ang mission ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Update done.. hehehehe',.

Do vote, comment and share guys. Thank you!! :)

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon