XXIII

2.4K 73 6
                                    


Halos hindi ako mapakali kanina pa habang hinihintay namin ni clint ang resulta ng test na ginawa sa akin. Habang si clint naman ito at namumutla na at katulad ko hindi na din mapakali sakakahintay.

Pakiramdam ko kasi halos isang kalahating araw na kaming naghihintay dito pero sakatunayan niyan ay mag te- ten minutes palang kaming naghihintay dito.

Ang sabi kasi sa amin ay maghintay lang daw ng 15 minutes kaya heto at nakaupo kaming dalawa dito na parang mga timang.

"Paano kong positive?" kanina pang tanong ni clint sa akin pero heto at hindi pa din ako makasagot sa kanya. Paano nga kung positive? Damn, anong gagawin ko? Pero isa lang naman ang gusto kong gawin yun ay tanggapin, mahalin at alaga-an kung sakali mang positive.

Sasagot na sana ako kay clint ng biglang bumukas ang pintu-an na nasa harap namin kaya sabay na napatayo kami ni clint. At mula sa mukha ng doctor na to ay masasabi kong damn, totoo nga.

"Congratulations to both of you mr. And mrs., the baby's one week old." Halos sabay ding nalaglag ang panga namin ni clint sa mga narinig namin sa babaeng doktora na to. Hindi ko na nga din napansin ang sinabi niyang mr. And mrs dahil iba ang hinihintay naming balita.

"Sigurado po ba kayo?" wala sa sariling tanong ko sa doctor habang nakangiting tumango naman ito sa akin.

"Po-positive?" wala din sa sariling sambit ni clint at tinangu-an naman siya ng doctor dahilan para magkatinginan kaming dalawa at napasigaw din kami ng sabay. Nagulat naman ang doctor sa ginawa namin kaya napalundag ito ng konti at napatakip ng kanyang mga tenga. Wow, ang galing din ni Eris ah, one week old. Ibig sabihin sa unang ginawa namin yun ay may nabuo agad.

"Wait, hindi ba ninyo gusto na magkakaanak na kayo?" takang tanong ng doctor ng mahinto na ang sigaw namin at sabay ding napaharap sa doctor at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. Napaatras naman ang doctor at napataas ang kanyang dalawang mga kamay.

"I-I'm so-sorry,.I- I g-gotta go-" nanginginig na saad ng doctor at mabilis na tumalikod sa amin at pumasok agad sa office niya. Napabuntong hininga naman ako ng mahismasan na ako.

"Sasabihin mo ba kay boss?" tanong bigla ni clint sa akin kaya napatingin ako ng mabilis sa kanya.

"Not now." Yun lang ang sagot ko at nauna nang maglakad palabas sa clinic na yun habang nakasunod naman sa akin si clint na tahimik nalang. Alam ko naman na hindi niya yun sasabihin kay Eris, desisyon ko yun at narerespeto niya ito.

-------------------------------------

Mahigit isang buwan ng tapos ang survival game sa univ at ngayon ay patuloy pa din sa pag- aayos at paglilinis ang ilang tauhan ng Travenson mafia sa buong univ.

Mahigit isang buwan na din kaming nakatira dito sa HQ nina Eris dahil sa mga Gawain nila dito na hindi pweding pabaya-an. Sa susunod na mga araw kasi ay bubuksan na ulit ang univ para sa mga estudyanteng naka survive sa laro at sa mga bagong transferees kung sakali mang meron.

At mahigit isang buwan na ding parang naging instant alalay ko si Clint. Halos araw- araw kasi ay siya ang pinabibili ko ng mga pagkain na gusto kong kainin at halos siya na din ang minsang patagong umaalalay sa akin kapag nasusuka na talaga ako.

Mabuti nalang nga at hindi napapansin nina Eris ang extra foods na binibili ni clint dahil akala nila pinagtatalunan pa din namin ni clint ang mga pagkain kaya bumibili kami ng extra.

Katulad nalang ngayon, dalawa kami ni clint ang nasa kusina dahil sa nagugutom na naman ako at dahil sa patay gutom itong si clint ay sinamahan niya ako, kumakain siya ng kanyang red velvet na cake habang kumakain naman ako ng manggang hilaw na may soy sauce, suka, baguong at asin.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon