XV

2.6K 81 12
                                    


It's been 2 days at hindi ko pa din maisip kung paano ako lalapit sa bwesit na Eris na iyon para makuha ang black diamond. At sa dalawang araw na iyon ay pansin ko din ang pagsulpot ng mga knights sa aking tabi.

Minsan sina Clint at Ten ang kasama ko minsan naman sina Robert at Edward at kung minsan ang pokerface na leader nila na si Steve. At may napapansin lang ako sa tuwing kasama ko ang leader ng knights.

May isang babaeng palaging nakatingin sa direksyon namin at parang galit ito sa akin katulad nalang ngayon. Naglalakad ako dito sa hallway kasama ang pokerface na si steve at yung babae ay masamang nakatingin sa amin I mean sa akin.

"oy, yung girlfriend mo pinapatay na ako sa mga tingin niya." Cool na sambit ko dito.

"girlfriend?" takang tanong sakin ng pokerface na to.

"Oo, sa gilid mo." Sabay tingin ko sa direksyon ng babae at sinundan naman iyon ni pokerface. Biglang natigilan si pokerface at biglang lumingon sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay at nauna ng maglakad sa kanya.

"hindi ko siya girlfriend." Mahinang sambit niya sa akin nang makaabot na siya sa aking paglalakad, kumibit balikat lang ako sa kanya.

"nga pala, dumiretso ka nalang sa HQ. Hinihintay ka dun ni boss." Tumango lang ako sa kanya at hindi na siya pinansin.

Dire- diretso lang ako sa pagpasok sa kanilang HQ. Nagpalinga- linga lang ako sa paligid ng HQ nila, papunta na sana ako sa hagdan ng malanghap ko ang mabangong amoy ng pagkaing niluluto.

Bigla akong napahinto nang makita ko ang familiar na likod ng isang tao. Nakatalikod kasi ito sa akin at mukhang busy sa pagluluto kaya di niya ako napansin. Lumapit nalang ako sa counter tops at umupo sa isa sa mga stall doon.

"Nice, di ko alam na marunong ka din palang magluto." Napalingon ito sa aking pwesto at nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi.

"Love." Mahinang sambit neto sa akin. Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya. Yan na namang love na yan. Napaiwas nalang ako ng tingin ng ilapit neto sa akin ang kanyang mukha.

"Are you blushing love?" mabilis kong tinulak ang mukha niya gamit ang hintuturo ko sa kanyang noo. Shit, ang init!

Napaismid nalang ako ng biglang humalakhak ang bwesit na to.

"Tatawa kanalang ba diyan? Masusunog na yung niluto mo." Bigla naman siyang napahinto sa pagtawa at mabilis na lumingon sa niluluto niya.

"Shit, shit." Tarantang saad niya kaya napatawa ako ng malakas sa kanyang itsura. Paano ba naman parang di niya alam ang gagawin niya ng makitang sunog na ang niluluto niya.

"Damn, shit." Mura pa rin neto habang pinatay niya nalang ang apoy at laglag balikat na lumingon sa akin.

"magpapadeliver nalang siguro ako. Anong gusto mong kainin love?" tanong neto sa akin habang kinukuha na niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya.

"Ikaw!" mabilis na sambit ko dahilan para mabilis na mapatingin ito sa akin.

"Ano yun love? Pakiulit nga." Saad neto at humakbang palapit sa akin.

"Sabi ko ikaw." Malanding sabi ko sa kanya dahilan para bahagyang napanga-nga siya at parang di makapaniwala sa kanyang narinig.

"Pffttt.. hahahahahaha.." malakas na tawa ko. Nakita ko pa ang mabilis na pagpula ng mga tenga ni eris.

"Are you blushing, love?" mahinang sambit ko sa kanya na naka lean over pa sa counter tops dahilan para mas lumala ang pagiging pula ng kanyang mukha. Napaiwas naman siya ng tingin at napamura ng mahina.

Tumawa na naman ako ng malakas, damn, I never thought that this man can be this cute when blushing.

"Ham and cheese pizza." Sagot ko nalang sa kanya ng mahismasan na ako sa kakatawa at tumayo na at naglakad papunta sa refrigerator nila.

"okay." Rinig kong bulong niya at nag dial na siya.

Kumuha lang ako ng dalawang can beer sa loob ng ref niya at dinala sa counter top at binuksan iyon.

Ilang Segundo lang at umupo na si eris sa gilid ko at kinuha ang isang beer at ininom iyon.

"Now, can we talk about my business here?" seryosong sambit ko at humarap kay Eris. Nilagay naman ni eris ang beer sa counter at humarap din sa akin at tumango.

"Can I get the black diamond now?" tanong ko dito. Napapikit muna siya ng mariin bago tumingin ulit sa akin at sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.

"in one condition, love."

"What condition."

"Be my girl." Walang ka gatol- gatol na sambit neto sa akin. Bigla namang kumunot ang aking noo. Nagpapatawa ata ang ugok na ito.

"Okay but only for a day." Mabilis na saad ko bago pa siya makaangal.

"No!-" mabilis na saad neto pero di ko din siya pinatapos.

"A day, take it or live it." Malamig na sambit ko, bigla namang sumilay ang demonyong ngisi neto kaya natigilan ako.

"You clearly forgot something here love, Ikaw ang may kailangan sa black diamond hindi ako. So, hindi ka pweding umangal at magdesisyon lang basta- basta. Be my girlfriend at ibibigay ko ang black diamond. Take it or leave it." Ngiting tagumpay niyang saad pagkatapos.

Damn, ang tuso ng bwesit na to. Paano na yan mikey, anong gagawin mo?Eh kung nakawin ko nalang kaya ito sa kanya? O etorture ko nalang kaya ang Eris na to para tapos na ang problema ko.

"Love, you can't get the black diamond if you kill me or torture me. I'm the boss here and I'm the only one who knows where the black diamond is." Napamura ako ng malutong ng marinig ko ang sinabi niya. So mikey, no choice kana. Tanggapin mo nalang, di kanaman lugi pag ginawa mo eh.

"damn, okay I accept it." Nanghihinang sambit ko dito dahilan para ngumiti ito ng malapad.

Sana lang, hindi ko ito pagsisihan.

--------------------------------------------------------------------------------------------

last update for this day. Hope you like this chap guys.

Do vote, comment and share, thank you !! :)

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon