VI

2.7K 97 4
                                    


"Miss Santos, ito na po ang iyong schedule at locker key. Pumunta ka nalang po pagkatapos sa kabilang cubicle para makuha ang iyong gate pass." Sambit ng babaeng nasa aking harapan.

"It's mikey miss." Inis na sambit ko sa kanya.

"o-okay p-po.." mautal- utal na tango nito sa akin. Tsk, naiinis kasi ako tuwing tinatawag ako sa aking apelyido at orihinal na pangalan. Masyado kasing pang- babae, letse! Tinanggap ko nalang ang mga bagay na inilahad niya sa akin at diretso nang tumalikod sa kanya at naglakad sa kabilang cubicle.

Pagkarating ko doon ay napataas ang aking kilay. Mabilis ko lang kinuha ang gate pass sa kanyang mga kamay at tumalikod na. Well, mabuti na nga at hindi ko na kailangang magsalita pa.

Hindi uso ang ID dito sa paaralang ito, gate pass lang ang ipapakita sa gwardya at makakapasok kana dito. Business Ad., ang kursong kinuha ko dito dahil yun ang nasa mga documentong pinadala ni tanda. At isa daw akong transferee, bwesit lang.

Tiningnan ko lang ang aking schedule at ang mapa ng paaralan na ito. Pinuntahan ko muna ang locker rooms at binuksan iyon, napataas ang isang kilay ko ng makitang mayroong mga libro na ang nasa loob noon. Tiningnan ko lang ang mga libro at sinarado na ang locker ko.

Napatingin nalang ako sa aking wrist- watch at napakamot sa aking isang kilay. Kailangan ko na palang pumunta sa aking classroom. Damn, bakit ko nga ba napagdesisyunan na pumasok dito? Argh,. Sarap ding iuntog ng ulo ko minsan, nakakabobo kasi.

Matapos ang unang klaseng napasukan ko ay diretso na akong pumunta sa cafeteria, napabuntong- hininga ako ng marinig ko ang iba't- ibang mga ingay sa loob. Bwesit, ganito ba talaga dapat sa loob ng isang cafeteria? Ang iingay, sarap lagyan ng mga busal ang kanilang mga bibig.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang makarating na ako sa unahan. Bumili nalang ako ng aking makakain at tumalikod na upang maghanap ng mauupu-an. Nakakita ako ng isang mesang pang- dalawahan sa isang sulok kaya dali- dali na akong pumunta doon at mabuti lang nga talaga at walang may umupo doon.

Nilagay ko nalang sa mesa ang lasagna at Gatorade na blue bolt at naupo na doon. Damn, ang ingay talaga, binuksan ko na ang pagkain at inumin ko at sinimulan nang kumain.

Habang kumakain ako, tinitingnan ko naman ang nasa paligid ko. Napakunot- noo nalang ako ng makitang may ilang babae sa kalapit mesa ko na nagbubulong- bulungan at mukhang nakikilig pa.

Napailing nalang ako ng Makita kung bakit sila na kikilig. Sa isang mesa na kalapit din nila ay may isang grupo ng mga kalalakihan doon na mukhang nag- uusap. Ibabalik ko na sana ang paningin ko sa aking pagkain ng medyo lumingon ang isang lalaki.

Nalaglag ang lasagnang nasa tinidor ko na kakainin ko sana ng Makita ko ang mukha ng lalaking lumingon. Damn, nandito din nag- aaral ang mga yun?

"Shit!" mahinang mura ko ng Makita ko pa ang dalawang kasama niya. Sila nga, sila yung limang lalaking nakita ko noon na malapit sa tulay. Pero wala yung isa sa kanila, shit, shit, shit.


-----------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys,. kaway - kaway sa mga anime lovers diyan!! hehehehe',. Ang cool natin,.

LAst chap for the day,. hanggang sa muli guys,.

do vote and comment',. and share,. and yes',. sino gusto magpa dedic? just pm me guys para mabasa ko sya, ok? hehehehe',..

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon