XVIII

3.5K 94 12
                                    


Katrina's POV

Matapos kong mag training ng mag- isa sa training room ay dumiretso ako agad sa cafeteria. Sigurado akong hindi ko na naman makikita ang hubby ko ngayon dahil busy sila sa darating na Travenson's Hell Game.

Nakasurvive man ang mga estudyante dito noon dahil hindi natuloy ang annual survival game sigurado akong matutuloy na ito ngayon dahil nandito na si Michael Eris Travenson.

Pasalamat nalang talaga sila noon dahil umalis agad at bumalik ng state si Michael at ilang araw ang nakara-an noon at nagkaroon ng malaking mafia war sa pagitan ng red basilisk at white and black dragon mafia. Kalat naman kasi ang balita noon na nabuo na ulit ang yinyang dragon mafia.

Tsaka, alam ko naman ang mga bagay- bagay dahil mulat na ako sa mundong ito. Simula nang sumali ako sa car racing at ilang gang fights.

Napa- upo nalang ako sa isang bakanteng mesa dito pagkatapos kong kumuha ng pagkain. Nagutom talaga ako sa pagte- training ko kanina, gusto ko pa kasing maging malakas para maka survive ako sa survival game na iyon. Ayoko pang mamatay noh papakasal pa kami ni hubby steven ko.

Ang alam ko din pala ay bubuksan na sa susunod na araw ang mga dorms dito para sa survival game. Isasarado na din ang buong univ., walang makakalabas at makakapasok sa univ kapag nagsimula na ang game.

Bukas na daw iaannounce kung saang dorm kami magse- stay. Tas may isang week kami para maghanda at magpalakas.

Aminin ko natatakot ako sa mga darating na araw, hindi ko alam kung makakasurvive ako pero talagang gagawin ko ang lahat para makasurvive sa larong ito. At ang malala lang talaga dito ay kahit ang aming dorm rooms ay hindi exempted sa patayan.

Makakahinga lang talaga kami kapag tumunog ang signal para sa time- out. At tig da-dalawang oras lang talaga ang time- out sa umaga at gabi.

Napabuntong hininga nalang ako at kumain nalang, habang kumakain naman ako ay nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria. Sa darating na mga araw ay dadanak ang dugo dito at ang ilang mga estudyante dito ay mawawala.

Ang alam ko lang kasi, ginawa ang Travenson's Hell Game na ito para luminis ng mga traidor sa grupo, pero ang ilan sa mga estudyante dito ay ginagawa itong oras nang paghihigante at yung iba naman ay trip lang pumatay sa mga may bloodlust dito.

Sa kakatingin ko sa paligid ay nahagip ng aking mga mata ang isang babae na nakaupo sa isang sulok ng cafeteria habang kumakain ng lollipop at may kausap sa kanyang cellphone.

Mikey, yan ang tawag sa kanya dito. Isang mysteryosang babae na sinasamahan at binabantayan minsan ng mga knights. Hindi ko alam kung alam niyang sikat siya dito, pero sa tingin ko wla naman siyang pakialam doon.

Medyo ilag din sa kanya ang mga estudyante dito sa kadahilanang malapit daw siya sa mga knights o mas tamang sabihin na girlfriend daw siya ni Michael Eris Travenson.

Ang galing ding pumili ng bigboss ng Travenson mafia ah, bagay silang dalawa. Pareho kasi silang mysteryoso at may aurang nakakatakot. Nakita ko na minsan ang bigboss ng Knights na si Michael at isa lang talaga ang masasabi ko masyado siyang nakakatakot kahit na medyo magkalapit lang ang aming mga edad.

Napatayo naman bigla si mikey at diri- diretsong umalis na ng cafeteria ay mukhang inis na inis ito ngayon. Ano kayang nangyari?

------------------------------------------------------

Mikey's POV

Naiinis na talaga ako ngayon, ano na naman bang pakulo ang naisip ng bwesit na Eris na iyon at sinabihan akong maghanda ng mga damit at gamit ko dahil sa susunod na mga araw ay doon na ako magse- stay sa kanilang HQ dito sa univ.

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon