XXII

2.5K 64 5
                                    


Mikey's POV

Halos maglumpisay na ako sa kakatawa sa sahig ng HQ nina Eris ng magrambolan sina Steven at Sebastian sa harapan namin.

Habang yung jowa naman ni steven, ano ngang pangalan nun? Basta ayun at nakanganga sa harapan ng dalawang ugok na nagrarambolan pa din. Sina Robert, Ten, Clint at Edward naman ay nandoon sa mahabang sofa at nanonood sa dalawang ugok na nagsusuntukan at nagre- wrestling sa gitna ng salas ng HQ nila.

Habang ang bwesit na Eris naman ay ito pinaglalaru-an ang aking buhok habang nakaupo ako sa kanyang kandungan. Mabilis niya kasi akong hinapit kanina sa bewang kaya napaupo ako bigla sa kandungan niya.

"You're enjoying this, don't you love?" bulong sa akin ni Eris dahilan para malunok ko ng wala sa oras ang laway ko kaya napaubo ako bigla. Bwesit na Eris to, di ba niya alam na kinikilig ako tuwing gagawin niya yun.

Amuse na napatingin sa akin si Eris at mabilis na hinagod ang aking likod ng umubo ako. Ang bwesit na to, papatayin ata ako eh, sa kilig? Damnit!

"Papatayin mo ba akong bwesit ka?" inis na sigaw ko sa kanya dahilan para tumawa siya at hinalikan ang tungki ng aking ilong. Oh gosh, mamatay na ata talaga ako neto.

"papatayin sa pagmamahal." Mahinang bulong niya sa akin dahilan para mamula ang aking mukha at napaiwas ng tingin sa kanya. Oh, I just died! De jowk lang, bwesit na to nakikilig talaga ako at nakakahiya yun!

Damn, ang awkward!

"Hoy, kailan niyo pa balak tapusin yang laro niyo? Mauubusan na ng dugo yung babae niyo dito!!" sigaw ko nalang sa dalawang patuloy pa din sa pagrarambol para hindi ako makulit at mapatingin kay Eris kasi naman, damn, namumula pa din ang aking mukha. Ang lakas kasi talaga ng epekto ni Eris sa akin.

Bigla namang nahinto sa ere ang kamao ng dalawa at sabay na napatingin sa jowa ni steven na ngayon ay namumutla na at parang mawawalan na ng malay.

"Damn/Shit!" sabay din nilang bigkas at mabilis na tumakbo papunta dun sa babae nila at sabay din nilang hinawakan sa braso ang babae dahilan para mapangiwi ito at nagkatinginan na naman silang dalawa.

"Bitawan. Mo. siya." May diing sambit ni steven kay Sebastian pero itong Sebastian nato ay nag smirk lang sa kanya.

"Ikaw ang bumitaw." Mapaglarong sambit ni Sebastian kay Steven dahilan para tumagis na naman ang mga balikat ni Steven at matalim na tinitigan si Sebastian na naka smirk lang.

Sabay- sabay na napabuntong hininga ang apat na ugok na nakaupo sa sofa at napa facepalm habang sumilay na naman ang ngiti sa aking labi.

"Can I cut them off?" tanong na bulong ni Eris sa tenga ko.

"No!!" mabilis na sambit ko sa kanya at binatukan siya dahilan para mapa aray siya at himasin ang kanyang batok.

"Damn, why are you so moody?" tanong neto sa akin na nakapagpatigil sa akin. Yan nga din ang tanong ko sa sarili ko eh, bakit kaya ako moody? Kaninang mag umpisa ang laro wala ako sa mood, tas nung nagumpisa na excited naman ako. Tas bigla akong nainis kanina ng makita ko ang panget na leader ng nakalabang gang ng babae ni steven. Tas bigla akong sumaya ng makita ko si Eris at pagtapos nun nag cre- crave akong makakakita ng nag- aaway sa harapan ko kaya hindi ko pinapatigil sina Sebastian at steven sa pagrarambol.

"Tama na yan, Sebastian." Sambit ko nalang dahil nawalan na ako ng gana. Napatingin naman ang lahat sa akin maliban lang sa babae ni steven.

Tumayo din ako pagkatapos at dumiretso sa kusina dahil parang nagugutom ako. Siguro gutom lang talaga to kaya ganito ako ngayon.

Kaka break time lang kasi ng laro, kaya ceasefire muna sa buong univ. Tagumpay naman ang mission ng knights kaya sa mga susunod na oras at araw ay magmomonitor nalang sila sa buong univ.

Habang si Eris naman ay tagumpay din. Napatay na niya ata ang bwesit na gunggong na gustong pumatay sa kanya kaya wala na din siyang problema.

Mamaya na din pala niya ibibigay kay Sebastian ang black diamond dahil sigurado akong mag- uusap na sila ngayon dahil umalis na ako doon. Free na din pala ako, ibig sabihin pwedi na akong mamuhay ng normal at makapagtapos ng pag- aaral. Hindi na ako kukulitin ng org at higit sa lahat pwedi na din akong umalis dito.

Pero ang tanong, gusto ko bang umalis dito? Gusto ko bang iwan si Eris dito? Kaya ko ba?

Bigla kong nahawakan ang aking dibdib ng bumilis ang pintig ng puso ko at parang pinipiga ito ngayon. Bakit? Bakit ang sakit isipin na iiwan ko na si Eris? Bakit? Mahal ko na ba talaga siya?

Damn mikey, tinatanong pa ba yan? Syempre alam mo ang sagot diyan.

"What the fuck, mikey! Bat mo kinakain yan??" napalundag ako bigla ng magulat ako sa lakas ng boses ni Clint.

"pffttt.." pagpipigil ko ng tawa ng makita ko ang mukha ni Clint. Para siyang nandidiri na masusuka na parang ewan sa mukha niya.

"Bakit mo kinakain yan???" nandidiring tanong niya ulit sa akin habang papalapit siya sa countertops na kinakainan ko ngayon.

"Eh bakit ba? Eh sa gusto ko to eh at nagugutom ako kaya wag kang pakielamero diyan!!" inis na sigaw ko sa mukha niya dahilan para mapangiwi siya.

"Eh panu hindi ako makikielam eh tingnan mo nga ang kinakain mo!!" sigaw din neto sa akin at akmang kukunin ang kinakain ko ng tapikin ko ang kanyang mga kamay.

"Bakit ba hah!! Eh sa eto gusto ko eh!!" malakas na sigaw ko ulit sa kanya dahilan para mas mapangiwi pa siya. Hindi na naman problema ang sigawan namin ni clint dahil alam na nilang lahat dito na tungkol lang naman sa pagkain ang pagsisigawan namin ni Clint.

Eh panu ba naman kasi ang bwesit na ugok na Clint na to palaging kinukuha ang ilang mga lollipops ko kaya ayan nasisigawan ko. Yung una naming sigawan lahat ng mga ugok sa HQ nato pati na din si Eris ay natakbo papunta sa kusina dahil sa nag- aagawan kami ng lollipops. Hanggang sa ilang oras sa isang araw nagsisigawan kami ni clint dahil sa pagkain. Pero wag kayo takot sa akin ang ugok na to.

"What?? Ice cream na may soy sauce, peanut butter at corned beef na toppings? At talagang dinagdagan mo pa ng hotdog na may baguong sauce! Teka, san ka kumuha ng baguong mo??" napairap naman ako sa kanya at kinain ko na ang masarap na vanilla ice cream ko na may soy sauce, peanut butter at corned beef na toppings. Nandidiring nakatingin lamang sa akin si Clint.

"Doon sa canteen kanina, pinasok ko yung storage room nila ng mabilis habang pabalik na sana kami ni Sebastian dito." Sambit ko lang sa kanya at inubos ko na ang ice cream ko at sinunod ko naman ang hotdog na may baguong na sauce, hmmm.. sarap!

"mikey, buntis ka ba?" muntik ko na sanang mailuwa ang natirang hotdog ko ng tanungin ako ni clint, mabuti nalang nga at nalunok ko pa ito bago tumingin ng nanlalaking mga mata sa kanya.

"So..buntis ka nga?" sambit pa ulit neto dahilan para bumuka ang aking bibig at sumara din ito. Bigla namang nanlalaki ang kanyang mga mata at akmang tatakbo na at sisigaw ng mabilis kong takpan ang bibig niya at inapakan ang mga paa niya para di siya makatakbo. Napangiwi naman siya sa sakit dahil doon.

"Fuck, hindi ko alam. Okay, kailangan kong makalabas dito at sasama ka sa akin. No buts." Mabilis na sambit ko sa tenga niya at diniinan ko pa ang aking mga sinabi para matakot siya sa akin.

Namutla naman siya bigla at napatango nalang.

"Good, now we go!" sambit ko nalang at binitawan na ang kanyang bibig at tumalikod na at nilagay sa lababo ang aking pinagkainan at kinuha ang susi ng kotse ko habang nakasunod naman sa aking likuran si clint.

Tyming lang to, busy sila ngayon kaya di nila malalaman na lumabas kami ng univ ni clint. Kailangan ko din malaman kung anong nangyayari sa akin.


---------------------------------------------------------------------------

Hi po,. Pasensya na po sa matagal na UD. Masyado na po kasing nagiging hectic ang sched ko.

Pero heto at mag uud ako ng tatlong chaps. Thank you sa mga naghihintay at nagbabasa.

Do vote, comment and share.

Thanks :)

Untamed Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon