"Hesusa, help us," anang isang tinig mula sa likuran niya.
Napayakap na sa sarili niya si Hesu nang wala na naman siyang makita nang lumingon siya.
"Alamin mo kung ano'ng nangyari sa amin. We're aware that your third eye is open," sabi naman ng isang boses.
"Yeah, at hindi mo iyan maitatago sa amin," sabi pa ng isa.
"We need you, Hesusa," dugtong ng isa pa.
Sa pagkakataong iyon ay tumigas na ang mukha ni Hesu. Sa isip-isip niya ay bakit ba siya natatakot? Eh, siguradong ang apat na multong mga pasaway lang na naman ang mga nananakot sa kanya?
Talagang pinagti-trip-an siya ng mga gunggong! Ayaw talaga siyang tantanan!
"Oo may third eye ako! Pero pwede ba tigil-tigilan niyo akong apat na multo kayo dahil nandito ako para mag-aral at hindi para alamin kung ano'ng nangyari sa inyo at bakit hindi kayo matahimik at makaalis dito sa Sanchi College! Wala akong pakialam sa inyo!" singhal na ni Hesu ng pagkalakas-lakas. Sa wakas nahanap na niya ang apat na multong binata. Sobra na ang pagti-trip kasi ng mga ito sa kanya kaya dapat na niyang kumpruntahin ang mga ito para mga magtigil na.
"Pwes, hindi ka namin titigalan, Hesusa! Tingnan natin kung hindi ka pagkakamalan ng ibang estudayante na baliw sa mga gagawin pa namin sa 'yo!" may pagbabantang ani Saimo na unang nagpakita sa kanya. Nakangisi ito. Ito nga yata ang pinaka-bad spirit sa apat na multo.
"Kaya mo ba kami, Hesusa?" Nakangisi namang pagpapakita na rin ni Lius. Nakahalukipkip naman ito. Medyo kalmado ito pero ang yabang pa rin ng awra.
Naningkit ang mga mata ni Hesu na pumanaywang. Kahit saksakan pa ang mga ito ng guwapo ay mapuputla naman ang mga mukha kaya wala silang appeal sa kanya. Hindi niya mga ito uurungan. "Hesu, ang itawag niyo sa akin! Dahil hindi ako gano'n kabait tulad sa pangalan ko! Hindi ko kayo matutulungan kung iyon ang inaakala niyo-- Aray ko!" Bigla kasing may bumatok sa kanya kaya napaaray siya. Napahawak siya sa ulo niya na nilingon ang bumatok sa kanya.
At si Jelad pala ang may kagagawan.
"Gusto mo away o war?!" Pumusisyon siya ng pangkarate na hinarap ang binatang pasaway talaga. Nakakadalawa na ito sa kanya at hindi na siya papayag na makakatatlo ito.
Lihim na natawa sina Saimo at Lius. Hindi nila akalaing gagawin iyon ng napakatahimik na si Jelad.
"Calm down, Hesusa. We just need your help kaya ganito kami sa 'yo." Lumitaw na rin si Jaem. Ang mukhang medyo matino sa apat na multo. Nasa gitna ito nina Lius at Saimo nang lumitaw.
Nakaposisyong pangkarate pa rin si Hesu na tumingin nang masama kay Jaem. Kahit mukhang mabait ito ay multo pa rin ito. Hindi siya magtitiwala. Isa pa, ito 'yong nang-deadma sa kanya sa may library.
"Guys, come on. We need to treat her nice dahil tayo ang may kailangan sa kanya," sermon ni Jaem sa tatlong kapwa binatang multo. In fairness, mabait nga.
Iling at kamot sa batok ang parehas na naging reaksyon nina Lius at Saimo. Nagkibit-balikat lang naman si Jelad.
"Sabing hindi ko kayo matutulungan!" giit ni Hesu.
Bumalik ang tingin sa kanya ng apat na binatang multo.
"Pwes, mamamatay ka dahil oras mo na para mamatay rin like us," wala sa oras na naisabi ni Saimo.
"Saimo!" / "Shut up, Saimo!" sabay na saway rito nina Jaem at Lius.
Mas nakusot naman ang mukha ni Hesu. Ano raw?
"Dapat lang na malaman niya. Kasi akala niya yata wala rin tayong ginagawang pabor para sa kanya. Ang yabang-yabang," ngunit paninindigan na ni Saimo ang naisabi.
"Anong pabor na sinasabi mo?!" pasinghal na tanong ni Hesu. Naguluhan at nahintakutan pa siya lalo.
Magsasalita pa sana si Saimo pero agarang tinakpan nina Lius at Jaem ang bibig nito.
"Dapat noong isang araw ka pa namatay. Nilalayo ka lang namin sa kamatayan mo," subalit si Jelad naman ang nagsalita.
Hindi na maipinta ang mukha ni Hesu na nilinga niya ang binatang nasa likuran niya. At walang namutawi sa bibig niya na anumang salita. Basta takang-taka lamang ang hitsura niya napatitig kay Jelad.
Seryoso ba ang mga ito sa sinasabi nila?
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...