Chapter 2: I'm trapped?
IRENE's POV
Namamalikmata lang ba ako? Mansion? Sa gitna ng gubat? Seryoso?
Kahit natatakot humakbang ako papunta sa pintuan. Pero agad din napatigil ng may maramdaman akong malamig na hangin sa batok ko kaya napalingon ako pero wala.... walang naroon.
Nagsimula nanaman akong matakot. Takot kung nasundan ba nila ako.
Binaliwala ko nalang iyon at humakbang pa. Kahit takot kumatok ako ng tatlong beses.
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala parin nabubukas. Baka naman walang tao? Wait... baka hindi tao ang nakatira dito. Gulong-gulo na talaga ako. Pero yun nga dahil walang nagbukas ako nalang mismo ang nagbukas.
"*cough* * cough* *cough* jusko ilang taon ba hindi ito nalilinisan?" Reklamo ko.
Sinong hindi magrereklamo kung ang bumungad agad sayo ang mga alikabok at mga daga.
Nilibot ko ang paningin ko.
"Siguro pagnalinis to ang ganda ganda na nito."
Naglakad pa ako. Maraming furniture pero yun nga lang madumi at maalikabok. Sayang ang ganda nitong mansion.
"Seventh."
"Wahhhh!" Sigaw ko. As in sigaw talaga.
Kasabay nun ang pakatumba ko. Dahil nga maalikabok napa-ubo rin ako.
H-head to toe ako nung lalaki na naka tuxedo. Pure dark blue yung buhok niya, alam ko yun kahit na madilim. Napapalunok ako sa tingin niyang ipinupukol saakin.
Pero ano raw? Seventh?
"huwag! H-huwag kang lalapit!" Baka isa siya gustong pumatay saakin!
Mas lalo pa akong kinabahan ng maging pula na ang kanyang mga mata.
"Im Venidict Magurt, the right hand of the dethroned king." Saka siya yumuko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
inikot ko ang paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko. Siguro konting kembot lang gaganda nato.
Matapos magpakilala si Venidict pinapasok niya ako dito sa kwartong to. Mapahinga raw ako dahil may malaki raw akong gagampanin.
"Pero ano naman kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko.
Binuksan ko yung kurtina at lumabas sa terrace nito.
Actually maganda naman dito. Pero parang napabayaan nga lang. Hayss miss ko na si Inigo. Siguro bukas uuwi na ako. Magpapalipas na muna ako ng isang gabi dito at baka nandiyan lang sila sa labas naghahantay ng magandang tyempo.
Tumingin ako sa kalangitan na may nakikinangan na mga bituin. Ang ganda lang.
Napagpasiyahan kong matulog na tutal gabi narin.
"Ouch."
Napahinto ako ng dumugo ang balikat ko na may kalmot mula sa mga kuko ng mga humahabol saakin. Dumugo ito siguro dahil natamaan sa wall ngayon lang.
Ang hapdi pero kailangan kong tiisin dahil wala naman first aid kit dito sa kwarto nato at nakakahiya at nakakatakot kung manghihiram pa ako.
Pinunit ko nalang ang laylayan ng damit ko at saka inikutan ang braso kong dumudugo.
Nangmakuntento na ako ay nahiga na ako at nagsimula ng matulog.
Kinabukasan
Nagising nalang ako na nasa ibang lugar. Sandali...*plok* (Batok sa sarili) nasa ibang bahay este mansion nga pala ako.

YOU ARE READING
The Seventh Maiden
VampierShe's the seventh, A Treasure to keep. He's the dethroned king, A Demon to tame. And he's the trusted one, An Option for everyone. And together let's witness their story. Started:April 19,2017 Ended: March 6,2018 Book Cover by:@-danyaxx Highest Rank...