Chapter 19

67 2 0
                                    

Chapter 19: Count on me

IRENE's POV

Another days have past but still I'm stuck on that time. On that time, nung nalaman ko narin sa wakas ang lahat lahat.

It wasn't that easy, yung nasa iisang bahay lang kayo pero hindi mo siya kayang kausapin dahil baka kung anong masabi mo, masabi ko.

Paano nalang kung bigla akong maiyak sa harap niya at malaman niya na alam ko na ang totoo? Paano nalang kung malaman niyang I'm sort of Agatha's reincarnation? Paano nalang kapag nalaman niyang mahal ko siya noon paman hanggang ngayon? Natatakot ako, naduduwag pero ako to, si Irene! Hindi madaling sumuko.

Ngunit nahihirapan na ako sa situwasyon ko.

Kailangan niya ako, kailangan niya akong patayin para sa kabutihan ng marami. Sa pangalawang pagkakataon iiwan ko nanaman siya.

Masasaktan nanaman siya.

Mahihirapan nanaman siya.

Malulungkot nanaman siya.

Nakakainis naman kasi e! Bakit kailangan na ako pa?

Ni hindi ko nga alam kung paano ko masisigurado na walang ibang makaka-alam sa mga natuklasan ko. Mahihirapan ako kay Martha lalo na't mukhang naninibago siya saakin, hindi malabong basahin niya ang aking isipan upang malaman ang dahilan. Kaya nga lagi nalang ako dito sa kwarto ko.

Lumalabas lang ako kapag kailangan. Kapag kakain lang ako halos lumalabas kaya nga naiinip na ako dito. Subalit hindi ko naman alam kung saan pa ako pupunta. Wala ata akong mapupuntahan dito na hindi ko sila makita lalo na si Arvic. Ni dito nga sa kwarto ko nakikita ko siya. Madalas tuwing gabi nandito siya at titigan lang ako na natutulig kahit na nagtutulog tulugan lang naman talaga ako.

Paano ako makakatulog nun kung nakatitig siya? Nahihirapan nga akong pigilan ang sarili kong yakapin siya e. Parang ang tagal tagal na nung huli ko siyang niyakap.

Ang hirap pala talagang may nililihim lalo na't alam kong matutuklasan din naman nila ito sa lalong madaling panahon. Lalo na at nalalapit na ang red moon.

Kailangan kong mamatay para sakanya. Will history repeat it self again? Pero hindi e.

May sinasabi si Agatha saakin na kailangan kong malaman, maintindihan.

Ang sabi niya hindi ako siya. Na hindi kami pareho.

Namatay siya ng dahil kay Arvic at ayaw niya akong matulad sa kanya. Pero paano kung gusto ko ding iligtas si Arvic? Hindi ko alam kung anong mangyayari sakanya kapag hindi nabalik sakanya ang kanyang trono sa madalinng panahon.

Maaring may mga bampira na magtulungan sakanya upang agawin ito. Maari din siyang sugudin ng mga lobo.

At ayokong mangyari yun.

Alam ko na ang gagawin ko. Naiintindihan ko na ngunit sana maintindihan niya rin ito, ako.

Bumugtong hininga ako saka lumabas.

“Binibining Irene...”

“Venidict?” gulat kong tanong.

Naabutan ko siya nakatayo sa pintuan ko. Nagtatakang tiningnan ko siya.

“May kailangan ka ba?”

Naalala ko yung mga panahon na magkasama sila ni Agatha.

Saka ko napagtanto ang isang bagay.

“Maari ba kitang maka-usap? Kahit saglit lang.”

Tumango ako saka kami lumabas ng mansion at pumunta sa likod. Umupo kami sa gilid. Nag indian sit ako sa damuhan at ginaya niya din ako. May nakalaang distansya sa pagitan namin. Parang may linyang nakaguhit doon na bawal lumagpas at lumapit saakin.

Nanatili siyang tahimik animo nagiisip kung paano sasabihin saakin ang mga gusto niyang sabihin. Parang may pumipigil sakanyang sabihin iyon pero may nagtutulak din na ibunyag niya na ang matagal niya ng tinatago.

Tiningnan ko ang mga kamay ko saka napangiti.

May alaala akong natandaan. Mga alaalang napakaganda at gugustuhin kong laging matandaan.

Sa gilid ng mga mata ko nakita kong binuksan ni Venidict ang kanyang palad. Naglalaking mata akong napatitig sakanya. Kinagat ko ang labi ko para patigilin ang mga luhang nababadyang bumuhos.

“Venidict...”

He smile sadly. “Gustong gusto mo nito diba?”

Mas lalo ko pangkinagat ang labi saka tumingin sa palad niya may mga snow. Yun, yun yung bagay na gustong gusto ko. Ang snow na siya lang ang nakakapagpakita saakin noon paman.

“Namiss mo siguro to ano?”

Kagaya ng dati inilahad ko ang kamay ko saka niya tinapat ang kamay niya sa ibabaw nito. Nagmistulang umululan ng snow na iniipon ng aking dalawang kamay ang nangyari. Bakit ganon? Bakit niya to ginagawa?

“Lagi ko tong ginagawa kapag malungkot o may bumabagabag sayo.” tumingala siya.

“Venidict, I-”

“Sa pangalawang pagkakataon siya parin diba?” humaral siya saakin at ngumiti.

Hindi ko na kaya. Napaiyak nalang ako. Ayaw kong saktan siya pero lagi ko nalang ginagawa! Ayaw kong umaasa siya. Mahal ko si Venidict pero hanggang kaibigan lang.

“I-I'm so s-sorry...”

Napahikbi ako ng ginulo niya ang buhok like he used to do. Hindi ako si Agatha but I feel what she feel and it's up to me. I can love him but I just can't stop loving Arvic. Nasasaktan ako sa situwasyon na to. Venidict is always there to keep me safe and sound. He is always there to protect me from any harm. Ni hindi ko maprotektahan kahit ang damdamin niya lang.

Mas una ko siyang nakilala kasya kay Arvic pero hindi ko parin siya magawang mahalin pabalik. And I know for the second time I broke his heart again.

“Ilang beses ko na bang sinabi na hindi mo kailangan humingi ng tawad?” bahagya pa siyang natawa. “This is my fault for loving someone I know I can't have.”

And there I was a tear escape from his eyes.

“Alam mong sinubukan kong pigilan pero hindi ko magawa.”

Tila nawala ang linyang ginawa niya sa pahitan namin at marahang hinawakan ang pisnge ko. He touched it like I'm the most fragile person in the world.

“Why can I stop loving you?”

Mas lalo akong naiyak. Venidict don't deserve this. Gusto kong sabihin lahat ng mga nasa isip ko pero hindi ko kaya. Duwag ako alam ko. Nasasaktan ka nanaman siya. Palagi nalang.

“V-venidict, p-patawad. M-may ibang pang b-babae ang--”

“You know I can't love someone else. I tried but I just can't. Kung kaya ko sana dati ko pa ginawa pero hindi e.” he looked into my eyes.

“Tanggap ko na, Irene.” he sadly smiled. “Alam kong alam mo na kung anong mangyayari sayo. Lagi mo lang tatandaan na nandito ako. Gagawin ko ang lahat para sayo.”

I hugged him. Hindi ko na kaya pero kailangan kong magpakatatag. I accepted it already. Agatha, I know you'll help me.

“I could even risked my life for you, Irene.”

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now