Chapter 12

65 4 0
                                    

Chapter 12:His demon side part 2

IRENE'S POV

Nawalan na ako ng pag-asa.

"ahhh!"

Sa mga panahong alam ko wala na akong magagawa bakit parati nalang may nagliligatas saakin?

Sa isang iglap ang mga balahibo ko ay tunayo nanginig ang mga tuhod ko at hindi ko nalang namalayan na nakakagalaw na ako at nakaupo na sa sahig.

Tumilapon sa mga puno ang lalaking sumasakal saakin.

Tiningnan ko ang kanyang likod na nakaharap saakin. Tindig niya pa lang alam kong siya na. Ngunit may kakaiba sakanya.

Ang lakas ng aurang nakapalibot sakanya. Naiinis na ako sa sarili ko. Kahit nakawala na ako sa kapangyarihan ng kung sino man ay hindi ko parin maigalaw ang mga paa ko para makalakad papalayo. Nangininig ang mga ito at wala ng lakas upang tumayo.

Naglakad siya papalapit sa gubat.

"A-ano nangyayari?" bulong ko.

Habang naglalakad si Lord Arvic bilang pumula ang langit. Napansin ko nalang pagkaliko niya ang mga pula niyang mga mata na mas mapula pa sa masanas. Ang mga pangil niya na nakalabas. Ang katawan niyang mas lumaki kasya sa normal niyang katawan.

Unting unting nagsiatrasan ang mga bampira.

"Anong kahibabgan ito?! Sabi nila siya ay mahina na!" sigaw nung sumakal saakin. Galit niyang tiningnan ang mga kasamahan niya.

"Kailangan na nating lumis---"

Sa isang iglap nasa tabi niya na si Lord Arvic niya walang awang inikot biglaan ang ulo ng kanyang kalaban.

Agad ay napaiwas ako ng tingin. Pero biglang nagpmbago ang ihip ng hangin. Mas lumala ang kilabot na nararamdaman ko. Ng ibalik ko ang patingin ko sakanya nakita ko ang isang bampira na nakaturo ang daliri sakanya.

"L-lagot." nasabi ko nalang.

Nagkasugat sa pisnge si Lord Arvic at nagsisimula na itong magdugo. Tumutulo pa ito papaunta sa kanyang leeg.

"Kailangan mo ng umalis dito."napatingin ako sa gilid ko at nandoon na si Martha sapo sapo ang kanyang balikat na may sugat.

Di ko pinansin ang kaniyang sinabi at nagtanong nalang."Bakit ayaw gumaling kaagad ng sugat niyo?" saka ako napatingin sa dereksyon ni Lord Arvic na may sugat parin sa mukha.

Ang kanyang kalaban ay tinakasan ng kulay ang mukha. Nanglalambot ang kanyang tuhod sa hindi malamang dahilan.

"A-ahhh!"

Di ko na kayang tiningnan ang kanyang ginagawa. Biglang nandiri ako. Yung pakiramdam na bumaliktad ang sikmura mo? Yun yung nararamdaman ko ngayon.

Baliwalang tinapon niya ang puso ng kanyang kalaban. Oo, puso. Dinikot niya ang puso nung bampira.

Demonyo nga siya. Naisip ko nalang.
May kung anong kumirot sa dibdib ko.

"Binibining Irene tayo'y pumasok na dahil gagamutin ko pa ang iyong mga sugat." napatango nalang ako at nagpaalalay. Gusto ko na ding mawala sa paningin si Lord Arvic. Ngayon ay natatakot na ako sakanya. Alam ko na kung anong kaya niyang gawin. Masama siya at ako'y nasasaktan sa katotohanang iyon.

Ngunit ano nga ba ang maaari kong gawin?

Kailangan ko ba siyang taguan parati? Kailangan ko ba siyang sundin parati? Kailangan ko bang magpanggap parati? O kailangan ko ba siyang paamuhin?

Pero ano siya aso? Hindi, isa siyang bampira. Isang walang awang pumapaslang ng bampira at malamang pati lobo at tao.

Natatakot ako sa mga pusibling mangyari sa susunod pang mga araw. Palagi ko siyang nakikita at kamakailan ko lang napansin na isang demonyo ang aking nakakasalamuha.

Napakatanga ko talaga. Mukhang malapit narin akong mawala. Mukhang malapit na niya akong patayin.

"Patawad binibining Irene ngunit nabasa ko ang iyong iniisip. Talaga po bang demonyo ang tingin niyo kay Lord Arvic?" sabihin ni Martga habang pinupunasan ang madumi kong paa. Demonyo nga ba talaga ang tingin ko sakanya?

"Oo."

Mapakla siyang napatawa."Wala po akong gustong ipahiwatig ngunit binatay niyo po ba iyon sa kanyang pagpatay? Si Venidict din naman ay pumatay sa mimsong harap mo din binibini. Ang mga lobo ay pumapatay din upang mabuhay. Kayo ring mga tao ay pumapatay. At kagaya niyo si Lord Arvic din ay kailangan pumatay. Naisip niyo po ba na nagawa po iyon ni Lord Arvic sapagkat kailangan niya ikaw, tayong iligtas?" saka siya ngumiti at iniwan ako sa kwarto.

Napatunganga ako sa pintong nilabasan niya. “A-ano? Mali ba talaga ako? Ahhhh!” Inis kong ginulo ang buhok ko saka sumobsob sa unan ko.

Kalaunan ay nagtago ako sa kumot ko. Natatakot parin ako. Nanginginig ang mga tuhod ko at kamay. Ang isip ko ay paulit ulit na sinasabi ang katagang “Gusto ko ng umalis dito”. Ngunit anong magagawa ko? Wala.

“I-inigo...”

INIGO's POV

“Nak Inigo pakuha naman nun.”

Agad ay kinuha ko ang mga tuyo ng sinampay ni nanay. Nilapag ko yun sa tabi niya. Nagsimula na siyang magpiko ng mga damit namin. Nakangiti niya iyong ginagawa.

“Kuya Inigo!” sigaw ng isang matinis ng boses.

“Sarah ika'y dumating na pala.” hinagod ko naman ang ulo niya na gusto gusto niyang ginagawa ko.

Nakangiti ko siyang binitawan saka kinarga. “Kuya Inigo, pasok na tayo sa bahay. Inaantok na po ako e.” naguso niyang sinabi.

Napailing nalang ako.“Osiya, pero ika'y magbihis muna.” inilapag ko siya sa may hagadan patungo sakanyang kwarto.

“Masusunod po!”

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng bahay na ito. Si nanay rosa ang kumukkop ilang araw na ang nakalipas. Labis na tuwa at masasalamat ang nais kong ihatid sa pagkupkop nila saakin. Batid ko rin ang kanilang sekreto. Na isa silang pamilya ng mga lobo.

Nagulat ako nung una sa pagkat lobo sila ng ako'y matagpuan nila sa kagubatan. Pero kalaunan din ay napatunayan naman nila na sila ay mabubuting lobo. Sinabi pa nga nila na gagawa gawa daw yung mga kwento ng mga tao na sila ay masasama. Sinabi nila na kapag ginawan sila ng masama ay doon pa sila nagiging ganon. Mababait daw sila ngunit hindi lang alam ng iba ang kanilang parte sapagkat ni minsan ay hindi naman nila sila tinanong ukol dito.

Tama nga naman, mas nauuna kasi ang panghuhusga kaysa sa pagtatanong.

Labis naman akong nag aalala sa aking ate. Batid ko na nasa kampo siya ng mga bampira ni hindi ko alam kung siya ay buhay paba. Sana naman ay oo.

“ROSA!”

agad akong napatingin kay Tatang Juan na ngayon ay pawisan dala ng pagtakbo.

“Oh Juan? Bakit ka pinagpapawisan ng ganyan?” tanong ni Nanay Rosa.

“Ang Alpha ay lumisan na!”

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now