Chapter 9:Questions
IRENE's POV
Lumabas ako ng kwarto ko saka punta uli dun sa library sa likod nitong mansion. Basa yung grass dito sa likod. Kaka-ulan lang ata nung natulog ako.
Nang marating ko yung silid aklatan bigla ay pumasok sa isip ko yung nangyari dito. Pero hindi yun yung ipinunta ko dito.
Naglibot pa ako hanggang sa makita ko yung librong nakakuha ng aking atensyon.
Meron itong silver na book cover. Yung book cover niya ay may asul na dyamante sa gitna. May hugis puno din doon at sa gitna ng puno naka lagay ang dyamante.
"‘The Book of Creations’" basa ko dun sa libro.
Pagbuklat ko sa unang pahina ay walang laman. Tiningnan ko pa sa ibang pahina pero wala ring laman. Yun lang may naka sulat na quote ata sa pinaka dulo ng libro dun sa cover na last page.
"‘Nevermind the others, concentrate on the center.’-Agatha." yun lang yung nakalagay dun.
Aish sinara ko nalang yun saka binalik sa lalagyan nun.Tsk pakiramdam ko pa naman na maganda yun.
Umupo muna ako sa isa sa mga upuan dun. May nakapatong na libro doon. Walang nakasulat sa cover wala ding sulat ang mga pahina. Wala ding sulat kung kanino. May nakalagay din na pangsulat doon.
Feel ko magsulat ngayon. Bahala na.
Sa hindi inaasahang panahon ika'y nakilala. Ako'y galit sayo sapagkat nakakainis ka. Hindi ko maipapagkaila na ika'y may itsura pero ano naman kung ugali mo'y ganyan. Bigla bigla kang nagdedesisyon ng walang paalam. Tanging sarili mo ang iyong iniisip. Paano naman ako?
Geez, ano ba tong pinagsusulat ko?
Dahil sa inis sinara ko nalang yun saka iniwan dun. Umalis na ako dun pero napahinto din.
Nakamulat ang mata tiningnan ko ang paligid ko umaabot to sa mansion pero ang likod lang ng mansion. Pagtingin ko sa ibang palapag may nakita akong pigura ng isang tao o tao nga ba?
Nakatingin ito sa deriksyon ng silid aklatan. Hindi ko masabi kung sino ito.
At sa isang iglap ay nawala din ito. So, sa aking palagay isa itong bampira. Mga ka-uri nila.
Marami bang nakatira sa mansion na iyon? Ang raming kababalaghang nangyayari saakin simula ng makatungtong ako sa mansion na iyon.
Iwinasiwas ko nalamang iyon sa aking isipan at nagpatuloy sa pagpunta pabalik sa mansion. Oo nga't magaling na ang aking sugat at hindi manlang ito humapdi ngunit ang aking isip ay napapagod din kakaisip.
Batid kong nakatingin saakin si Martha habang ako'y muling papasok sa kwartong tinutuluyan ko ngunit hindi ko siya pinansin. Ako'y medyo galit dahil ang dahilan kaya ako'y nagkaganon ay dahil sa kanilang ka-uri. Alam kong masamang o maling magalit sakanila sapagkat sila ang nagligtas saakin ngunit hindi ko maiwasan na magalit dahil muntik ding mapahamak ang kaisa-isa kong kapamilya, ang aking pinakamamahal na kapatid. Sana'y nasa maayos siyang kalagayan ngayon.
Humiga ako saaking kama at hindi ko parin maiwasang magisip kung nasaan na kaya ngayon ang aking kapatid. Kung maayos lang ba siya. Kung nakakain ba siya. At kahit nakatulog manlang.
Masakit saakin,sobra kasi ako yung ate niya pero napabayaan ko siya. Ang tanging hiling ko nalang ay huwag siyang mapahamak.
"Sana talaga..." tanging naibulong ko nalang.
Sa totoo lang natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Ngunit anong magagawa ko? Parang matagal na tong nakatadhana.
Nangdahil sa pagod kakaisip ay nakatulog agad ako ng sobrang himbing na aakalain mong walang bakbakang naganap o gyera.
︶︿︶ZzzzZZZZzzzzzzzzzzzzzz
"Oh aking hari ano ba ako'y nahihilo sa iyong pinagagawa."
"Mahal kong reyna patawad kung palaging kitang binubuhat saka iniikot. Ako'y labis na natutuwa lang sapagkat ikaw ay aking reyna na."
"Mahal kong hari, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang tagal na nating kasal ika'y ganyan parin."
"Hahaha ako'y pagpasensiyahan mo nalang."
"Huwag kang magalala mahal ko. Ako rin ang labis ang galak sapagkat ika'y kaisa ko na."
"Mahal na mahal kita oh aking nagiisang reyna."
"Mahal na mahal din kita oh aking nag-iisang hari."
Nagising ako bigla. Kaninong mga boses iyon?mukhang pamilyar iyon sa aking pandinig. Ngunit hindi ko alam kung kanino o kung saan ko man yun narinig.
Lalabas na sana ako ng makita ko si Arvic err Lord Arvic na naka sandal sa pintoan ko. Aish, kailangan kong maging magalang sakanya para kahit papaano ay hindi ako malagay sa panganib.
Tiningnan niya ang kabuoan ko."you look fine."
Yumuko naman ako."a-ah opo."
kung hindi lang siya ang pinuno ng mga bampira baka nasampal ko na siya sa ginawa niya paghalik saakin.
Lumapit siya saakin. Napaatras naman ako.
"W-wag ho k-kayong lumapit saakin." Umatras pa ako ng umatras hanggang wala na akong maatrasan pa.
Inilagay niya ang kaniyang isang kamay sa gilid ng ulo ko at yung isa naman ay nanatili sa kaniyang bulsa.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit ang kaniyang mukha sa akin.
His smell is somewhat nice. His eyes are still beautiful just like the first time I saw it. His face is so perfect wala na akong maiinsulto sa kaniya.
"Please don't come near again." I said looking into his eyes.
"Are you sure?" He said also looking into my eyes. Napalunok ako.
"Why do I feel I know you?" I sincerly said not breaking our contact.
"Why do I feel I know you?" he also ask me.
I slowly reach for his face but bago ko pa yun mahawakan ay lumayo na siya. Nasa pintoan na agad siya.
"Mali bang hawakan kita?"takang tanong ko."mali ba ang tingnan kita? Mali bang malaman ko kung sino ka? Mali---"
Tumigil ang mundo ko sa sunod niyang ginawa. He kissed me.
"Stop asking because I also don't know. Just.. just be safe."
Then nawala na siya.
Hinawakan ko ang labi kong hinalikan niya. Bakit hindi ako galit? Bakit hindi ako galit na hinalikan niya uli ako? Ginusto ko ba iyon?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Short update alam ko guys pero yan lang yung nakaya ng brain cells ko. Kakastart lang ng class namin pero busy na agad ako. Huhu.
SKL.Hart.hart.hart.Gika
YOU ARE READING
The Seventh Maiden
VampireShe's the seventh, A Treasure to keep. He's the dethroned king, A Demon to tame. And he's the trusted one, An Option for everyone. And together let's witness their story. Started:April 19,2017 Ended: March 6,2018 Book Cover by:@-danyaxx Highest Rank...